Chapter 32

93 3 0
                                    

Kalalabas lang sa kwarto ni Alex habang napapatingin siya sa kanyang phone, napansin niyang nakabukas na ang kwarto ni Ali at wala na doon ang anak niya.

Alex: Nasaan si Ali?

Luis: Nagpasama po kay Reb na maglakad-lakad sa labas para makapag-exercise tapos pupunta sila sa kusina para matulungan sina Pepay at Manang Mercy na makapagluto nang agahan.

Alex: Mag-exercise?

Naglalakad si Ali at Reb habang nakasunod ang mag PSG sa kanila, napapatingin si Ali sa mga halaman sa tabi nang malalaking bakod. Naririnig niya ang ingay nang mga sasakyan na dumadaan doon.

Reb: Bakit ka naman natahimik, Ali?

Ali: Noon po kasi kapag papunta kami sa school nang kinakapatid kong si Joshua, masaya kaming naglalakad tapos bibili nang makakain namin sa daan. Hindi ko na yata magagawa pa ang mga bagay na yon.

Kaagad na nagmamadali ang mga PSG na kumalat sa boung paligid nang ground, napatingin naman si Ali sa kanyang Ama na lumapit sa kanila habang nagtatakbohan ang mga Security nito.

Ali: Papa? Anong ginagawa ninyo dito?

Alex: Gusto kitang samahan na mag-exercise, bakit hindi niyo man lang ako ginising, Reb?

Reb: Nagmamadali po kasi si Ali na makalabas, hindi ko nga rin po inaasahan na gagawin niya ito nang napakaaga.

Ali: Narinig ko po kasi sa mga PSG na hindi kayo maaaring lumabas nang basta-basta para na rin sa seguridad ninyo, mahalaga pa naman ang kaligtasan ninyo.

Alex: Anak, ikaw ang mahalaga para sa akin. At kapag gusto kong lumabas, lalabas ako kahit walang mga security. Pinipigilan mo na ba akong samahan ka?

Ali: Hindi naman po, Presidente na po kayo nang bansang ito at hindi na Governor.

Alex: Ama mo naman ako.

Natahimik si Ali na napakamot sa ulo niya at naiinis sa kanyang Ama, lumapit naman si Alex na inayos ang buhok nang anak niya saka hinawakan ang kamay nito.

Alex: Kahit ako pa ang Presidente nang bansang ito, ako pa rin ang Ama mo na lageng may panahon sayo, walang magbabago sa mga ginagawa nating dalawa. Kaya wag mong paniniwalaan ang mga sinasabi nila sayo. May usapan pa naman kami nang Mama Pia mo, kapag hindi ko yon ginawa siguradong babalikan niya ako.

Ali: Takot po talaga kayo kay Mama Pia, Papa?

Alex: Takot lang ako kapag nagagalit siya, ako pa rin naman ang nasusunod sa pamilya natin kahit guardian angel na natin siya.

Ali: Sasabihin ko po yan kay Mama kapag nananaginip na naman po ako sa kanya.

Nagtawanan silang mag-ama sa isa't isa.

Ali: Papa, may ipapakiusap po sana ako sa inyo.

Alex: Sige, ano yon, Nak?

Ali: Pwede niyo po ba'ng amponin si Dave para may makasama naman ako dito? Ayaw niyo naman po kasing mag-asawa para mabigyan ako nang kapatid eh.

Natigilan si Alex na napatingin kaagad kay Reb.

Reb: Wala po akong kinalaman dyan, matagal na po niyang alam ang tungkol sa bagay na yan.

Alex: Anak, hindi kasi madali ang mag-ampon. Marami pa'ng dapat gawin at ayusin para doon, atsaka bibisitahin naman natin si Dave sa amponan kapag gumaling na siya. Nalaman ko nga sa Daddy ni Andrei na inoperahan na raw ito kaya lang kailangan niya pa'ng magpagaling.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now