Chapter 31

100 2 0
                                    

Isa si Alex sa mga nanumpa bilang isa sa mga bagong Senador nang bansa, lage siyang pinagkakagulohan nang mga media at tao. Isinama ni Alex si Ali sa bago nitong opisina sa Senado, marami namang bumabati kay Ali sa opisina nang Ama niya.

Leah: Sir Alex, nakahanda na po ang mga papeles sa desk ninyo at pipirmahan niyo na lang po yon. Mamayang hapon nga po pala may tatlong meeting kayo at isang dinner meeting sa gabi.

Alex: Hectic yata kaagad ang schedule ko?

Arman: Gusto nga sana nang iba na maka-insert sa sunday schedule ninyo pero sinabi naming hindi na yon pwede kasi may mahalaga kayong ginagawa sa araw na yon.

Ali: Ang laki naman nang opisina mo, Papa. At mas dumami pa ang mga tauhan ninyo?

Alex: Nagustohan mo ba ang opisina ko?

Ali: Opo, kaya lang hindi naman pwede ang mga bata dito.

Arman: Kaya nga may special pass na pina-request ang Papa mo para sayo at may sarili ka ring upuan dito para kapag bumisita ka, may sarili ka ring upuan.

Kaagad na napaupo si Ali na sinubukan ang bago niyang upuan.

Ali: Wow! Salamat po, Papa. Parang may opisina rin pala ako dito, hindi naman ako nagpasa nang resume sa inyo, di ba?

Alex: Talaga ba'ng ayaw mong maging adviser ko? Qualified ka pa naman sa position na yon nang makita ko ang resume mo.

Ali: Papa naman!

Nagtawanan sila sa batang naaasar, pumasok si Sylvia na kaagad lumapit kay Alex.

Sylvia: Sir, magsisimula na po ang unang Session ninyo para pagbotohan kung sino ang uupong bagong Senate President.

Alex: Arman, Reb, wag ninyong pabayaan si Ali. Umupo kayo sa nakikita ko. Ali, wag kang maingay kapag nasa loob nang hall, makinig ka lang.

Ali: Opo, Papa.

Pumasok si Ali sa Session hall nang Senado, napakalaki nito kaya napatingin siya sa boung paligid. Napansin rin siya nang mga media kaya nasa kanya ang mga camera nang mga ito. Isa-isa nang dumating ang mga Senador pero pagpasok si Alex, pinalakpakan siya nang mga tao. Kumaway naman si Alex sa lahat bilang pagbati.

Arman: Sinasabi pa naman nila na may mga Senador pa rin na hindi pabor kay Kuya na umupo bilang Senate President, paano kapag hindi siya manalo?

Reb: Baka ang ibig mong sabihin ay kung paano kapag nanalo siya? Narinig ko pa naman kanina na pagkatapos nang botohan, pag-uusapan kaagad ang impeachment trial nang Vice President.

Arman: Mukhang mag-reresign na ang Vice President, natatakot na siyang mapahiya kaya hindi pa natatapos ang Session ngayon. Bumaba na yon sa pwesto niya para paghandaan ang magiging buhay niya sa kulungan.

Nagsimula na ang botohan at pagkatapos nang ilang oras, lumabas ang resulta. Si Alex mismo ang nanalo bilang bagong Senate President, nagpalakpakan ang lahat at nagsalita si Alex sa Senado para tanggapin ang kanyang pwesto. Pagkatapos ay lumapit si Senator Noel Hidalgo sa kanya at may sinabi dito.

Alex: I have just received the news that the President passed away also the Vice President has been resign in her office to face all her charges against her.

Natahimik ang lahat sa kanilang narinig, napatingin naman si Alex kay Ali. Kaya kaagad niya itong pinuntahan, nagtataka naman ang lahat kay Alex kung saan ito papunta. Niyakap niya si Ali at pinalakpakan sila nang lahat sa Session hall. Sa opisina ni Alex, nakatingin sila sa balita kasama ang mga tauhan niya.

You'll be in my Heartजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें