Chapter 18

106 2 0
                                    

Galit na galit si Alex sa nangyari kay Ali kaya napauwi siya kaagad, masama ang loob niya habang nakaharap sa kanya ang ilang security at mga katulong.

Alex: Napakadali nang pinapagawa ko sa inyo pero hindi niyo pa magawa! Muntik nang napahamak ang anak ko! Hindi ba't sinabihan ko kayo na wag ninyong ilalabas si Ali dito?! Fred! Alam mong hindi ligtas si Ali sa labas, bakit mo siya pinabayaan?

Walang sumasagot kay Alex at narinig naman ni Ali ang sinasabi nang kanyang Ama sa mga katulong kaya kaagad siyang bumaba.

Ali: Papa, wag mo silang pagalitan. Ako ang nagpumilit sa kanila na isama ako sa palengke, wala silang kasalanan sa nangyari kaya ako dapat ang pagalitan ninyo! Alam kong hindi tama ang pagsagot ko sa inyo pero pakinggan niyo po muna ako.

Natahimik si Alex na napatingin sa kanyang Anak.

Ali: Nang makita ko ang sitwasyon nang mga tao sa palengke, parang wala man lang kayong ginawa para sila matulungan. Napakaraming namamalimos na bata at halos nagugutom, bakit wala man lang kayong ginagawa para sa kanila? Kaya hanggang ngayon marami pa rin ang masasamang tao dahil hindi niyo man lang sila pinapansin. Kailangan nila ang tulong ninyo at kayo lang ang makakagawa no'on. Tatanggapin kong pagalitan niyo ako pero sana matulungan ninyo sila at mapakinggan ang kanilang mga hinanaing.

Napaiyak si Ali sa kanyang sinabi saka bumalik sa kanyang kwarto. Napatingin naman ang mga katulong at security kay Alex.

Alex: Anong mga nakita ninyo doon, Fred?

Fred: Magulo po kasi ang boung palengke at halos nakakalat ang mga basura na hindi man lang kinukuha nang garbage collectors natin. Napakarami ring namamalimos at halos mabaho ang paligid nang palengke.

Alex: Ipatawag mo ang engineering office at ilang officials ngayon mismo, first thing in the morning lilinisin natin ang boung lungsod. Ipatawag mo rin sa opisina ang ilang business owners para makausap ko sila, walang ginagawa ang Mayor nila kaya ako ang gagawa nang paraan para luminis ang lugar niya.

Kaagad umalis si Alex para kausapin ang anak niya. Natigilan naman sina Fred.

Katulong 2: Ang galing talaga ni Ali magsalita, manang-mana talaga siya kay Governor.

Fred: Mamaya na kayo mag-tsimisan at ihanda na ninyo ang living room at maraming bisita na darating. Luis, nagpatawag si Governor nang Emergency meeting.

Kaagad na kumilos ang mga lahat sa utos ni Alex. Sa kwarto ni Ali, malungkot itong nakaupo sa kama niya. Pumasok si Alex na tumabi sa kanyang anak.

Alex: Nag-aalala lang ako para sayo kaya ako nagagalit, alam mong ayaw kitang napapahamak. 

Ali: Naiintindihan ko naman po ang ginagawa ninyo at sinabi ko naman po sa inyo na ako ang nagpumilit sa kina Tito Fred na isama ako sa palengke kaya wag niyo na silang pagalitan. Sorry rin po kung pinag-alala ko po kayo. Hindi ko na po ito uulitin.

Alex: Sorry rin kung nagalit ako kaagad, sa susunod makikinig na muna ako sa paliwanag mo. Gusto mo ba talagang matulungan ang mga batang lansangan na nakita mo kanina at maging maayos ang palengke nang lungsod?

Ali: Opo, kasi po nakakaawa ang sitwasyon nila doon at isa pa masyadong marumi ang palengke na hinahayaan na lang nila ang kanilang mga basura na nakatambak habang nangangamoy, hindi po di ba ligtas kainin ang pagkain kapag nanggaling sa maduming lugar?

Alex: Gusto mo ba'ng samahan akong maglinis bukas sa palengke?

Ali: Talaga po? Tutulungan niyo po ang mga tao doon?

You'll be in my HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя