Chapter 14

176 4 0
                                    

Nakahanda na ang agahan nang mga Ledesma, papunta si Ali sa kanyang upuan nang makita ang kanyang Tito Arman na nagkakape sa kusina habang kumakain.

Miguel: Ali, umupo ka na at lalamig na yang hotdog na inihanda nang Lola mo.

Ali: Lolo, bakit po kumakain si Tito Arman sa kusina? Bakit po hindi natin siya kasabay na nag-aagahan dito?

Dumating naman si Alex na narinig ang sinabi nang anak niya, napatingin naman sila kay Camila na tahimik lamang sa upuan nito. Kaagad na tinawag ni Alex si Arman sa kusina.

Alex: Arman, simula ngayon dapat kasabay mo na kaming kakain dito.

Arman: Sabi po kasi ni Ma'am Camila, dapat kasabay ko ang mga katulong na kumain.

Ali: Bakit naman po Lola? Magkapatid naman po si Papa at Tito Arman at Tito ko naman siya, bakit naman dapat kasabay niya pa ang mga katulong kumain?

Natahimik naman sila sa tanong ni Ali, dumating si Col. Martinez na may dalang masamang balita para sa kanila.

Col. Martinez: Good morning po Gov, pasensya na po kayo at dumeretso po ako dito, mahalaga po kasi ang ipapakita ko sa inyo.

Alex: Ali, tapusin mo na ang pagkain mo at ihahatid na kita sa school.

Ali: Opo, Papa.

Umalis muna si Alex para kausapin si Col. Martinez, ipinakita nito ang isang video. Nakasabit ang tatlong tao sa punong-kahoy at may nakasabit na karatola doon na isusunod nito ang kanyang anak, masama ang loob ni Alex nang makita iyon.

Alex: Talagang sinusubukan ako nang taong yon, bakit pati anak ko idadamay niya?

Col. Martinez: Alam ninyo kung sino ang may kagagawan nito?

Alex: Wala akong ibang pinaghihinalaan kundi si Mayor Garcia lang, siya lang ang lageng nagbabanta sa akin. Gusto niyang makakuha nang permit sa akin para sa minahan niya pero hindi ako pumayag kaya ginagawa niya ito. Wala pa akong sapat na ebidensya para ipakulong siya at sampahan nang kaso.

Col. Martinez: Mas mabuti pa po na dagdagan natin nang security ang anak ninyo para na rin sa kanyang proteksyon.

Alex: Lagyan niyo rin nang mga pulis ang bawat kalye nang school. Kapag may nangyari kay Ali, hindi ako magdadalawang-isip na ilagay sa kahon ang Mayor na yon.

Inihatid ni Alex si Ali sa school nito at mas marami nang nagbabantay kay Ali. Napapatingin si Ali sa kanyang paligid lalo na sa labas na may mga pulis.

Ali: Papa, hindi naman po ako mawawala nang ganoon kadali sa school na ito, bakit po ang daming pulis sa labas?

Alex: Ayaw ko lang kasi na may mangyari na naman sayo, kaya nandito sila para bantayan ka. Wag kang lalabas kapag wala pa ako, naiintindihan mo ba?

Ali: Opo, Papa.

Niyakap ni Alex ang anak saka pumasok na si Ali sa school. Pabalik na sa kotse si Alex nang mabangga siya nang isang babae na nagmamadali saka nahulog na lang ang mga dala nito.

Anna: Hindi ko po sinasadya, Sir. Nagmamadali lang po talaga ako ngayon kasi late na late na ako, first day ko pa naman sa klase. Pasensya na po talaga kayo.

Alex: Ayos lang naman ako, mukhang ako pa nga ang may kasalanan sayo.

Natulala ang babae nang makita mismo kung sino ang nakabangga niya.

You'll be in my HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora