Chapter 3

320 8 0
                                    

Naghihinala si Alex sa mga kilos nina Tessa at Diego, mukhang may tinatago ang mag-asawa sa kanya. Nakikita niya ring may pagkakahawig si Ali sa kanya lalo na kay Pia kaya hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman kapag nakikita ito.  Sa Sevilla Elementary School, nasa harapan ang teacher nila Ali na magbibigay nang announcement.

Teacher: I-aanounce na namin kung sinu-sino ang mga nakakuha para sa Governor's Educational Assistance ngayong taon. Ang mga makukuha ay dapat i-maintain ang grades para mapanatili pa rin kayo hanggang sa 2nd quarters. Alexandra Lopez, ikaw ang unang recipient. Ibigay mo sa mga magulang ito, dapat maipasa mo ang mga requirements na yan sa lalong madaling panahon.

Ali: Maraming salamat po.

Napatingin si Ali sa daming requirements para makuha scholarship niya, pareho sila ni Jessie na nakuha para sa scholarship program. Sa bahay naman nila, napatingin si Tessa sa mga requirements.

Tessa: Ay naku! Ang dami naman nang mga requirements na yan?! Marami pa naman kaming inaasikaso nang Tatay ninyo.

Jessie: Wag na lang natin isali si Ali, Nay.

Tessa: Sayang naman kung hindi natin makukuha ang scholarship na yon, pera na rin yon. Kaya niyo namang lakarin ito eh, magpasama na lang kayo sa mga Teachers ninyo.

Ali: Sabi po kasi dito may orientation pa'ng gagawin kasama ang legal guardian.

Tessa: May pupuntahan kami nang araw na yan, wag nang matigas ang ulo. Sabihin ninyong busy ang mga magulang ninyo at magpapadala na lang kami nang pera sa inyo.

Natahimik naman si Ali na napatingin sa kanyang mga requirements. Nasa capitol building na sila nang mga kaklase niya at kasama ang mga magulang nito.

Teacher: Ali, nasaan na ang mga magulang ninyo ni Jessie?

Ali: Hindi raw po sila makakarating, magpapasama na lang raw po kami sa inyo.

Teacher: Hindi ko pwedeng gawin ang mga yan, hindi naman ako ang legal guardian ninyo. Hindi pa rin kayo pwedeng makasali sa orientation kaya makakauwi na kayong dalawa, dapat kasi nandito ang parents ninyo. Mukhang hindi tuloy kayo masasali sa scholarship program ngayong taon. Tayo na po sa loob.

Nagkatinginan si Ali at Jessie na naiwan sa labas.

Jessie: Ngayong hindi naman matutuloy ang scholarship natin, ipag-shoshopping ko na lang ang bigay na pera ni Nanay.

Ali: Jessie, wag mo namang gawin yan. Alam mo ba'ng nagmakaawa pa si Nanay sa kapit-bahay natin para lang makakuha nang pera sa kanila?

Jessie: Wag kang makialam! At wag mo rin itong sasabihin sa kanila!

Umalis si Jessie doon na itinulak pa si Ali, napaupo naman si Ali na nasasayangan sa scholarship nila, gusto niya itong makuha pero walang tumutulong sa kanya.

Alex: Mukhang malaki yata ang problema mo, Ali?

Napatingin si Ali sa lalaking nasa harapan niya at masayang-masaya siya na makita si Alex na nakangiti sa kanya, kaagad siyang napayakap sa lalaki na ikinagulat naman nito.

Ali: Tito Alex!

Napaiyak si Ali na nakayakap kay Alex. Kaagad na humarap si Alex sa batang babae na umiiyak saka hinaplos ang mga luha nito.

Alex: Bakit ka naman umiiyak? Taha na, ano ba'ng problema mo? Baka may maitutulong ako.

Ali: Gusto ko po kasi na makuha ang mga requirements ko para sa scholarship program pero wala po sina Nanay at Tatay kaya po ako malungkot ngayon.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now