Chapter 28: Graduation Day

161 5 1
                                    

July 2, 2019 - Thursday

"Di ka talaga makakapunta? Kahit habol man lang sa dinner." Tanong ko kay Jace kahit ilang beses niya naman nang nasabi na hindi talaga siya makakapunta dahil pinapag-sub siya sa mga klase at may office and admin works din siya sa university ng 8am-5pm.

Okay lang naman pero bigla kasi akong umasa nang mag announce ang university namin na suspended na ang classes sa university ngayong araw na 'to dahil karamihan ng mga prof nandito sa PICC kaya mga instructors at mga baguhang prof lang ang naiwan sa university. Kaso ayun nga lang, tuloy pa rin daw ang office operations until 5pm.

"Cannot be talaga e. I have work until 5pm then pinapasunod pa ako sa graduation dinner ng mga co-prof ko. Can't say no sa mga senior ko e. I'm sorry :(" Reply sa akin ni Jace.

"I'm sorry talaga... Bawi ako soon, okay? :(" Dugtong niya pa.

Hayyyyy sayang.

":(( Okay lang. Wala naman akong magagawa and I clearly understand! No worries, Bao! Marami pa namang ibang time. Di nga lang graduation :(" Sabi ko na medyo nangongonsensya pa.

"Out of town tayo tomorrow until Sunday you like? Or ikaw whatever you want to do, wherever you want to go, I'll g! :)" Pasimple na lang akong napangiti dahil ito ang isang gusto ko kay Jace. Marunong talagang bumawi at alam niya kung anong klaseng pag bawi ang gusto ko. Eto, lakwatsa.

Hindi ko na siya na-replyan dahil nagsimula na ang procession.

Ewan ko ba. Alam ko namang wala siya dito pero umaasa pa rin ako kaya tuwing may nakikita akong prof na nakasuot ng ibang klaseng toga napapalingon ako at umaasang siya 'yun.

Hayyy, sayang talaga.

Plano ko pa naman sanang mag picture kami ng naka-toga ako tapos naka toga rin siya na pang prof. Ang cute kaya!

"Start na kayo?" Nabasa kong reply niya sa tweet ko kanjna.

"Procession na po. Katabi lang pala namin institute niyo! Sayang wala ka :(" Tugon ko naman.

Tinago ko na muna ang phone ko dahil malapit na ako sa harap ng pila.

Si Catt ang katabi ko ngayon, napakiusapan kasi namin ‘yung isang katabi ko na magpalit muna sila ang pwesto at mamaya na lang magpalit ulit ng pwesto bago umakyat sa stage at kunin ang diploma.

"Asan prof mo?" Nangbwi-bwisit na tanong niya kahit alam niya namang hindi makakapunta si Jace.

Inirapan ko na lang naman siya.

"Pano kung bigla siyang pumunta?" Tanong niya na halatang pinapaasa lang ako.

"Lul tigil-tigilan mo ‘ko, Cattleya." Sabi ko.

Sigurado ako, hiindi pupunta 'yun kasi kapag 'yun, nagsabing hindi, hindi talaga.

Nang makaupo na kami sa pwesto namin, nag desisyon akong mag CR na muna bago pa man magsimula ang totoong graduation rites, mahaba pa naman kasi ang procession dahil sa dami ng graduates sa session na 'to. Gusto ngang sumama ni Catt sa CR kaso hindi ko na sinama kasi malamang hahanapin kaming dalawa kasi halata masyado pag dalawang tao sa magkatabing upuan ang nawawala.

Pag pasok ko sa CR, nakita kong nananalamin si Luna… Matipid ko siyang nginitian at nag tungo na ako sa loob ng cubicle.

Paglabas ko mula sa cubicle, andun pa rin siya sa bandang salamin na para bang hinihintay talaga ako.

“Congrats.” Nag-aalangan na bati ko sa kanya.

“Salamat. Congrats din.” Tugon niya naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now