Chapter 17: Wag ka lang lumayo

114 2 1
                                    

June 05, 2019 - Wednesday

"Putangina?!" Sigaw ko pag mulat ng aking mga mata at halos mapatalon pa ako mula saaking kinahihigaan nang makita kong may lalaki akong katabi sa kama.

Madiin akong napapikit nang bigla kong maramdaman ang sakit ng ulo ko. Bwiset na hangover 'to.

Tumayo ako at agad na binuksan ang ilaw. Hindi ko alam kung anong oras na, pero mukhang madilim pa o makulimlim kaya madilim dito sa loob ng kwarto.

"Jace?!" Halos sigaw ko nang makita ko siyang mahimbing pa rin ang tulog.

"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sakanyang nakapikit pa rin pero medyo nagising ata.

"Mamaya na tayo mag-usap, matulog muna tayo." Sabi niya na nakapikit pa rin. Lasing din ba 'to???

"Bwiset, nakakagulat ka. Bigla ka na lang lumilitaw." Sabi ko at pinatay ko na ulit ang ilaw bago bumalik sa aking higaan.

Agad kong naramdaman ang kanyang napakahigpit na yakap, "Alalang-alala ako sayo, ngayon na lang ulit ako nakatulog ng maayos... Kaya wag ka munang maingay."

"Wag kang ganyan... Hindi ko kaya. Wag kang biglang mawawala." Bulong niya pa, hindi naman ako nakasagot. Nakatulala lang ako sa mukha niyang naaaninagan ko.

Hindi ko sigurado kung panaginp nga lang ba ito o totoo talaga...

........

Napangiti na lang ako at nahiya nang muli akong magising at nakita ko siyang pinagmamasdan ako.

Hinaplos niya ang aking pisngi, pinisil ko naman ang kanyang ilong.

Totoo nga 'to...

Hindi nga ako lasing o nananaginip...

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Malamang, hinanap kita. Alalang-alala ako sayo, kung alam mo lang. Nakakainis ka, hindi ka ma-contact kaya mamaya, uuwi na tayo."

"Hindi ako uuwi." Agad na sagot ko.

"Babalik na tayo sa Manila. Uuwi ka."

"Ikaw lang ang babalik sa Manila. Ikaw lang ang uuwi. Hindi ako sasama sayo." Pagmamatigas ko at tumayo na mula sa aking pagkakahiga.

"Kakaladkarin kita pauwi." Tugon niya at umupo maman siya sa gilid ng kama.

"HINDI.NGA.AKO.UUWI." Inis na tugon ko at inirapan siya, hindi naman siya sumagot.

"Susunod-sunod ka dito para lang pauwiin ako? Nakakainis... Umalis ka na. Ginugulo mo nanaman buhay ko."

"Grabe ka naman sa ginugulo ko nanaman buhay mo!" May tampong sabi niya.

"Eh bakit? Totoo naman ha. Tignan mo nga, nagpakalayo-layo na ako. 12 hours ang binyahe ko tapos susunod-sunod ka?"

"Eh okay lang naman kasing umalis ka pero magpaalam ka naman ng maayos! Hayop naman na 'yan, Keena oh. Halos mamatay kami sa kakaalala kung nasaan ka, kung maayos ba kalagayan mo. Nakakainis pa kasi hindi ka namin ma-contact, hindi ka rin nag o-online! Ano manghuhula na lang kami tungkol sa kalagayan mo?!" Galit ba siya?

Bakit parang kahit galit siya, ang soft niya pa rin tignan???

Ganyan ba talaga siya magalit???

"Si Catt 'no? Siya ka-kuntsaba mo 'no? Kaya naman pala hiningi nun address ng tinutuluyan ko dito!" Sabi ko habang kinukuyumos ang aking mukha.

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now