Chapter 23: Risking, trying, nagbabakasakali.

112 2 1
                                    

June 17, 2019 - Monday

Pagkagising ko, bigla kong naramdaman ang pag cra-cram ko bilang isang unemployed na naghahanap ng trabaho. Paano ba naman kasi, tatlong interview ang meron ako ngayon, at bukas dapat may dalawa pa kaso hindi naman na kaya kasi bukas ang alis namin ni Jace. Sabay-sabay naman kasi tumawag 'yung companies na pinasahan ko ng resume noong nagkaron ng job fair sa school namin.

Ewan ko ba. Wala naman akong planong puntahan itong mga interview na 'to pero pinuntahan ko pa rin kahit wala akong planong mag trabaho dito at kahit na hindi ako handa ma-interview just for the sake of practice para naman may idea na ako kapag sumalang ako sa totoong interview na gusto ko talaga.

"Nilagay kitang character reference sa resume ko ha." Chat ko kay Jace bago ako bumangon.

"Sure haha ano nilagay mo jowa mo?" Birong tanong niya.

"Hindi. Nilagay ko FUBU ko. Hahaha jk jk! Good morning!" Bawi ko naman.

"Good morning! Good luck sa interviews mo today. Medyo magiging busy ako ha. Yung mga for proofread ha don't forget hehe babawi ako promiseee!" Sabi niya.

"Yes, Sir! Konti na lang matatapos ko na 'yung mga for proofread mo hehe ano mga ganap mo today?" Tanong ko.

"Nasa school ako pinatawag ako saglit ni boss. After ko dito hmmmm uwi muna ako sa condo to change outfit then I'll proceed to Timor Leste for a forum na-invite ako bigla mag emcee e." Sabi niya at ako naman na minsan tanga-tanga, sinearch kung saan ang Timor Leste. Kasi alam ko sa ibang bansa 'yun e. Pero bakit ngayon lang siya nagsabi??? E diba bukas na ang alis namin?

"Pupunta kang Timor Leste?????" Tanong ko.

"Sa embassy lang po hehe." Sagot niya haha okay, sabi ko nga.

"Ano mas okay?" Tanong niya at nag send ng tatlong set ng damit na halatang mga mamahalin.

"Yung pangalawa." Sagot ko, pagtukoy sa isang set ng navy blue na formal suit at tuluyan na akong bumangon.

........

Normal lang naman ang aking first three job interviews. Hmmmm, syempre kabado at medyo nilalamon pa ako ng hiya kasi ngayon ko pa lang naman nasubukan ma-interview para sa totoong trabaho.

Hindi rin naman ako confident na matatanggap ako doon kasi ang daming applicants. Siguro more or less 80 kami lahat doon sa unang company. Sa pangalawa naman, siguro more or less 30 tapos sa huli siguro around 30 din.

Well tatawagan daw within 2 weeks kung mag pro-proceed sa next step of application. Kapag walang tumawag, edi wala.

Medyo pagabi na rin, 6:05pm na kaya naman umupo muna ako sa isang park dito sa Ayala. Sa Ayala Triangle. Ugali ko na talagang tumambay dito kapag naaabutan ako ng rush hour dito sa Ayala.

Pasimple akong napangiti nang makita ko ang kitkat bench na inupuan namin dati ni Jace noong nagsisimula pa lamang kaming mag-usap.

Umupo ako at naisipan kong tignan ang phone ko pero wala namang text at chat si Jace. Siguro nga busy pa sa forum.

"Kumusta?" Chat ko sa kanya.

Tumulala muna ako at pinanuod ang mga sasakyang nagdaraan sa Makati Ave haha parang matapos lang kasi ang nakakapagod na araw na 'to, ang sarap na lang umupo at tumulala tulad ng ginagawa ko ngayon.

Nagising ako mula sa aking pagkakatulala nang biglang mag ring ang aking phone kaya naman tinignan ko kung sino ang tumatawag. Bihira lang naman kasing may tumawag sa akin at laking gulat ko nang si Jace. Nakikipag video call.

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now