Chapter 22: Oo, sasama ako sayo...

123 1 0
                                    

June 11, 2019 - Tuesday

Bago pa man mag alas-otso, nasa school na ako habang nag de-desisyon, para kung sakali man na mag desisyon ako pumunta sa Yucaico ng 9am, isang tawid na lang. 

Kaya naman ngayon, 8:45am, nasa Yucaico Chapel na ako. 50% decided pa lang...

It's now or never again na nga ba talaga?

Kapag pumunta ako, he'll expect me to marry him. At mag a-agree akong tumira kasama niya sa labas ng Metro Manila. Siguro sa Batangas, kung saan ang site ang tinutukoy niya.

Kapag naman hindi ako pumnta, sabi niya, wag na ulit akong magpapakita sa kanya. At malinaw naman na ayokong mangyari 'yun...

The first option is great. Okay na okay naman ako doon. 

Wala naman siyang naaapakan na career plan ko kasi wala pa naman akong nasisimulan. Tsaka sabi niya naman isa sa gustong industry ko 'yung industry ng company nila. Sa pagkakaintindi ko rin may ibang competitors sila doon na pwede kong pag trabahuhan. Kaya okay, walang problema in terms of career. 

Mas prefer ko rin naman 'yung probinsya life na simple kesa sa city life na puno ng polusyon, kaya wala rin problema in terms of location. Well, slight. Kasi magtatanong ang parents ko kung bakit bubukod na ako pero I can simply say naman na maganda ang offer sa magiging trabaho ko doon. 

Magandang industry rin naman ata kaya malabong kumontra pa sila. 

Kaso, kasal??? Yan ang major problem...

Hindi pa ako sigurado at... Ewan.

Parang wala pa talaga kasi sa isip ko...

Mas okay sana kung makikilala muna siya ng magulang  ko kahit sa sandaling panahon bago kami magpaalam na magpapakasal. 

Matapos ang matagal na oras ng pagtulala ko dito, hindi ko namalayan na 8:55 na pala at 5 minutes na lang, 9am na kaya naman dali dali na akong naglakad patungo sa elevator at pinindot ang pinaka top floor kung saan mag ha-hagdan pa ako ng isang level para makarating sa helipad. 

Pag bukas ng elevator, patakbo akong nagtungo at umakyat sa hagan papunta sa Helipad. 

Pag bukas ko ng pinto, sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag at napakalakas na hangin at agad ko siyang nakitang naka-upo sa parang waiting area ng helipad.

Agad niya rin naman akong nakita at bakas na bakas ang kaba at lungkot sa kanyang mga mata.

Tumayo siya para salubungin ako ng kanyang napakahigpit na yakap...

"Dumating ka." Sabi niya na para bang hindi makapaniwala.

"Bakit naman hindi?" Tanong ko at tumugon sa kanyang yakap.

"Akala ko hindi na e." Tugon niya.

"Sasama ako sayo, Jace... I want to live with you pero sorry hindi pa ako handang magpakasal sayo..." Sabi ko.

Tumango siya, "Basta kasama kita, okay na ako." Sabi niya...

........

40 minutes lang naman ang byahe sa chopper at ngayon, kasalukuyang nasa byahe kami at aaminin kong para akong ignoranteng bata na ngayon lang nakasakay ng chopper. 

Maliit lang ang chopper na 'to. Halatang pang personal use lang talaga kaya kami ni Jace at ang piloto lang ang sakay. Maingay kaya dapat talaga may suot na earmuffs kasi nakakabingi at hindi kayo makakapag-usap ng kasama mo. 

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now