Chapter 8: Magkaibigang nagkaka-ibigan?

149 3 0
                                    

April 20, 2019 - Black Saturday

Siguro isa itong araw na 'to sa piiiinaka masayang araw sa buhay ko makalipas ang medyo mahabang panahon...

Saglit akong napatingin kay Jess na kalaban ko sa basketball dito sa Timezone.

"Wala ka, lamang na 'ko!" Pang-aasar ko.

"Sus! Sira lang 'yung counter ng score dito!" Depensa niya naman.

Hanggang sa natapos na kaming mag basketball at ngayon kung ano-anong laro naman ang nilalaro namin dito tulad ng claw machine na kanina niya pa ayaw tigilan.

"Ang cute naman natin." Natatawang sabi ko at nilagay ang aking kamay sakanyang bewang habang seryoso niyang kinukuha ang target niyang stuffed toy na pagong.

"Kung kailan bente na tayo at kung kailan ilang buwan na lang graduate na tayo, ngayon pa talaga tayo nag Timezone 'no." Dugtong ko.

"UY HALA NICE NAKUHA MO SI PAGONG!" Natutuwang sabi ko nang makuha niya na 'yung kanina niya pang target.

"Oh." Sabi niya at inabot saakin.

"Weh? Saakin na 'to??" Tanong ko.

"Ayaw mo? Akin na." Sabi niya.

"E syempre gusto 'no!" Sabi ko naman.

"Para sayo talaga 'yan." Sabi niya habang naglalaro naman ako ng Stacker.

"I know how much you love turtles. Tsaka diba may alaga ka? Ilan taon na 'yun?" Tanong niya.

"Hmmm 5." Tugon ko.

"Oh shit. 5,000 tickets." Sabi niya nang 'yun ang makuha kong premyo dito sa Stacker.

"Oh." Sabi ko naman at inabot sakanya ang tickets, sakanya naman kasi 'yung card na gamit namin ngayon.

"Galing galing namaaaan!!! Thank you!!!" Sabi niya saakin.

.........

Natapos kami sa paglalaro sa Timezone nang maubos ang 1,000 na load namin kaya ngayon naman, naglalakad kami sa mall habang iniinom ang aming paboritong milktea at habang.....

Magkahawak-kamay...

"Inom tayo?" Tanong ko.

Binitawan niya ang aking kamay at tinignan ako na halata ang pagka-irita niya.

"Last na, swear! After this day hindi na ulit ako iinom." Sabi ko habang nakataas pa ang aking kanang kamay.

"Hays sige na nga! Pasalamat ka nasa mood ako ngayon ha! Saan ba tayo?" Tanong niya.

"Ikaw san mo ba gusto haha sa iba naman! Sa medyo mas pormal." Tugon ko.

"May tao ba sainyo?" Tanong niya.

"Oo. Sainyo ba?"

"Meron din e." Tugon niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at pumasok kami sa Uniqlo na siya na atang brand ng lahat ng damit ko.

"Sa ano. Sa condo ng ate mo?" Tanong niya.

Hindi agad ako sumagot, nag kunwari na walang narinig.

"Naka rent?" Dugtong niya.

Umiling ako at patuloy na naglakad patungo sa isang damit na nagustuhan ko.

"Tara?" Tanong ko.

"Tara?" Patanong rin na tugon niya

At naglakad na kami patungo sa condo ng ate ko na malapit lang naman dito sa mall...

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now