Chapter 9: Facing Issues

134 2 1
                                    

April 29, 2019 - Monday

Tahimik akong naka-upo dito saaking upuan na nasa kabisera ng mahabang table.

May org activity kasi itong org namin. Simple lang naman. Coffee Talk. Sharing inspiring stories, mga hinanakit sa buhay, manghihingi ng advice habang nagkakape. Parang informal na group counseling sa isa't-isa lang dahil nga Mental Health and advocacy namin...

Tahimik ako dahil binabasa ko ang panibagong e-mail ni Jace saakin na kaka-send lang 6 minutes ago.

"Hi!

Its's been a while. Kamusta? Seems like you're doing well, sana nga. I'm sending you this e-mail just to let you know that I miss you... So bad... Too bad I wasn't able to see you last night. Were you absent? Or I just missed you? Anyways, I'm not expecting for your reply but I will greatly appreciate it if you will. I really miss you and I hope you're doing well.

Sincerely,

Jace"

Ayan.

Ayan si Jace na every other day nag e-e-mail.

Pansin ko ang alternate na pattern niya last week.

Monday: Nag e-mail
Tuesday: Nag abang sa labas ng OJT office building ko.
Wednesday: E-mail ulit
Thursday: Abang
Friday: E-mail
Weekends: Wala

Napakahirap dahil last week, ganyan.

Napakahirap iwasan lalo na noong Tuesday. Muntik na akong bumigay nang makita ko siya pero buti na lang dahil agad kong naalis ang tingin ko sakanya.

Jusmiyo. Para akong tino-torture...

Napakahirap niyang tiisin.

Napakahirap na i-trato siyang hangin at daanan lang na para bang hindi ko siya nakikita.

Napakahirap na iwasang tignan siya, dahil alam kong kapag tinignan ko siya, bibigay ako.

Napakahirap tiisin na hindi siya replyan...

Napakahirap pero alam kong ito ang dapat...

Ito ang tama...

Ito ang makakabuti saamin...

Ito ang dapat para maka-iwas kami sa isyung bumabalot saaming dalawa, lalo na saakin...

"Presi..." Tawag saakin ng Secretary ko kaya naman bumalik ako sa wisyo at para bang kakagising lang.

"What?" Tanong ko.

"Your turn po." Sabat naman ng isang internal associate.

"Kasali ako?" Tanong ko.

"Malamang, ikaw president diba." Bulong ko sa isip ko.

Tamang-tama...

Ito na ang pagkakataon ko para harapin ang mga issue.

Tinignan ko si Luna na nasa gawing kanan ko.

Baka Sakaling BukasΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα