Chapter 18: Patawad, hindi ako sigurado...

135 2 0
                                    

June 6, 2019 - Thursday

Andito kami ni Jace sa SM Manila dahil niyaya ko muna siyang dumaan dito bago kami pumunta sa kung saan man kami pupunta.

"Wala kang pasok?" Tanong ko sakanya kasi naalala ko, may trabaho nga pala 'to. Ako lang talaga ang tanging unemployed.

"Flexible ang time ng professor. Ang mahalaga, nag-iwan ng mga dapat gawin sa mga estudyante." Sabi niya na para bang dinedepensahan ang sarili niyang hindi siya absent.

"Okay sabi mo e." Sarcastic na tugon ko na lang.

Oo nga pala, nandito kami sa SM dahil may naisip ako.

"Maarte ka ba sa barbershop?" Tanong ko, may ibang lalaki kasi na sa isang barbero lang pinapagalaw ang buhok nila.

Muli ko siyang tinignan ng maayos, at kung matagal mo siyang pagmamasdan, medyo mahahalata nga na nagpabaya siya.

I mean maayos naman pero hindi ganun kalinis tignan tulad ng dating siya na para bang ang bango-bango.

"Hindi naman." Tugon niya.

"Tara." Anyaya ko nang matapos kaming kumain ng tanghalian at naglakad na kami patungo sa barbershop.

"Seryoso?" Natatawang tanong saakin ni Jace bago kami pumasok sa isang mamahaling barbershop.

"Haircut, haircolor, hair treatment, manicure-pedicure, eyebrows, waxing and threading of facial hairs pati treatment na rin para sakanya." Sabi ko sa nasa front desk.

"Anong klaseng hair treatment po?" Tanong saakin.

"Basta kung ano 'yung recommendable for his hair type." Tugon ko naman.

"Halika, Sir." Sabi nung isang staff kay Jace at pinaupo na.

Tinignan naman ako ng masama ni Jace na parang nagbabanta na sinasabing "humanda ka sa akin mamaya!"

"Magkano lahat?" Tanong ko sa cashier.

"3,200 po, ma'am." Tugon niya kaya naman binayaran ko na lahat.

Nilapitan ko si Jace na kasalukuyang shinashampoo, "Sa kabilang salon ako ha. Text mo na lang ako pag tapos ka na." Sabi ko habang tinutukso siya.

"Ewan ko sayo!" Sabi niya at inirapan ako.

Napadaan ako sa derma kaya naman naisipan kong magpa-book din ng facial treatment.

Nagpa-book na rin ako sa spa and massage sa nadaanan kong spa.

Habang hinihintay ko si Jace, syempre naman 'no! Nagpa hair treatment na rin ako, manicure-pedicure at foot spa na rin.

.........

"Eto, eto. Dito! Second stop natin." Sabi ko habang hinihila siya papasok sa derma.

"Facial lang naman para maalis lang 'yung mga dumi sa mukha natin. Blackheads, whiteheads, pati na rin pimples. Tsaka para fresh! Parang ang haggard haggard mo tignan nitong nakaraan." Sabi ko habang hinihintay na tawagin kami.

"Hay nako talaga! Kung alam ko lang na ganito plano mo, sana umuwi na lang ako sa Elena's." Sabi niya at umirap.

"Sus! E pano ba naman kasi nalimutan mo nang mag-ayos. Ayan. Dali tignan mo sarili mo." Sabi ko habang nakaturo sa salamin na nasa harap namin.

"Yaaaan! Oh diba. Ang linis linis mo na ulit tignan. Clean cut! Walang white hairs, soft hair, tapos wala rin facial hairs. Kasi mas bagay nga sayo walang facial hair, wag ka nang makipagtalo! Mukha lang teroristang intsik kapag mabuhok ka. Tsaka 'di rin naman maganda tubo ng facial hairs mo." Sabi ko.

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now