Chapter 27: Baccalaureate Mass

107 2 0
                                    

June 28, 2019 - Friday

3:00PM ang dapat na start ng misa pero syempre, Filipino time kaya 4:00PM na nag start ang procession na pagkatagal-tagal kasi napakarami naming mga graduating. Pinagsama na kasi ang campus namin at ang Manila campus kaya talagang marami.

Buti na lang din at late nag start kasi alam ko gabi na makakarating si Jace na galing sa graduation sa isang school niya.

Institute at course namin ang una sa procession kaya naman kami ang unang nakaupo sa bandang harap.

Napatingin ako sa gawing likuran ko nang makaupo kami sa pwesto namin.

Nakita ko si Jess...

Nakatingin siya sa akin pero agad siyang umiwas ng tingin nang lumingon ako...

Ramdam ko ang tampo niya... Pati na rin ang galit at sakit na nadarama niya.

Nag phone na lang ako para malibang. Hindi ko naman kasi ka-close itong katabi ko sa kaliwa at nasa dulo na ako kaya wala na akong katabi sa kanan which is pabor na pabor sa akin kasi madali akong makakatakas mamaya pag dumating na si Jace.

May apat na tao kasi sa pagitan namin ni Catt kaya hindi rin kami makapag-usap.

"Start na?" Chat sa akin ni Jace na kanina ko pa naman kausap.

"Procession pa lang. Siguro 2 hours pa 'to tapos mass." Tugon ko.

Napangiti na lang ako nang mag send siya ulit sa akin ng picture niya na naka toga kahit di ko naman siya pinapagsend. Required naman talaga kasi ang mga prof na mag toga tuwing graduation. Pero nakakatuwa kasi ang cute niya! Para lang talaga siyang estudyante. Ang bata bata tignan! Napakacute! Tapos feel na feel niya pa 'yung suot niya hahaha!

"Para kang yung Henlin kid." Tugon ko. Kasi kamukha niya 'yung nasa logo ng Henlin. Yung batang nakapikit mata tapos mukhang nakatoga din yun e. Basta ayun. Kamukha niya 'yun hahahaha!

"Grabe!" Sabi niya.

"Ang boring. I wanna go there na!" Dugtong niya.

"Kayo nung prof sa Socio?" Hindi na ako nagulat ako nang magtanong 'yung katabi ko na alam ko namang kanina pa nakikibasa sa usapan namin ni Jace. Pang-ilan na rin naman siyang nagtanong sa akin.

Mga chismosa't-chismoso.

Syempre, kalat na sa lahat ang chismis dahil sa mga pictures na inupload namin mula sa Balabac trip namin. Yung vlog namin siya na ang nag upload at shinare ko na lang.

Tanging tango na lang ang nasagot ko dito kay Ann. Batchmate ko siya pero sa pagkakaalam ko hindi niya naging prof si Jace. Pero oo nga pala! Kaibigan nito sila Yumi at Carissa, 'yung mga nakasama namin sa Ruby's noong 3rd year college kami kaya malamang alam na nito 'yung kwentong si Jace ang companion prof namin at kami ang magkasama sa kwarto.

"Matagal na kaming nagpupustahan nila Yumi e. Pero akala kasi namin... May something kayo ni Jess..."

Malamang. Sino nga ba namang hindi mag-iisip na may something kami ni Jess? Lalo na ngayon, para kaming nag break kung mag iwasan.

"Sus. Kaibigan ko lang 'yun." Sabi ko.

Ka-close ni Jess sila Yumi at Carissa. Alam ko nga crush nun si Yumi e tapos parang sa tingin ko crush ni Carissa si Jess. Di ko sure pero ramdam ko.

Pero ewan. Ship ko na talaga si Jess at Yumi kahit dati pa. Ewan ko ba naman kay Jess. Ang daming kinekwentong crush pero sa akin pa rin naman bumabalik.

Baka Sakaling BukasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon