Chapter 5: Dark Side of Jace

162 2 0
                                    

April 6, 2019 - Saturday

"Noted na 'yang Wednesday ha." Reply niya na ikinagulat ko naman dahil hindi na ako umaasa sa reply niya.

"Weh totoo ba? Hahaha baka busy ka." Reply ko naman.

"Si Jace 'yan no?" Tanong saakin ni Jess na kasama ko ngayon dito sa isang coffee shop.

Ewan ko ba dito sa Nepali na 'to kilalang-kilala na ata talaga ako kaya lagi na lang biglang lumilitaw kahit hindi ko sabihin kung nasaan ako.

"Paano kung oo?" Tanong ko kay Jess.

"Edi bahala ka na sa buhay mong tanga ka. Nag warning na ako sayo tungkol sa lalaking 'yan, diba? Sisirain ka lang lalo niyan." Tugon niya.

"What do you mean ba?" Tanong ko habang binabasa ang reply ni Jace. Narinig ko lang naman ang malalim na buntong-hininga ni Jess.

"5-6 naman diba? Yup yuppp! Noted!" Tugon ni Jace.

"Ang tanga mo! Ang tanga tanga mo!" Sabi ni Jess.

"Yaaaay! So anong plano?" Tanong ko kay Jace.

"Bwiset talaga! Kung alam mo lang kung sino yang kausap mo ngayon, baka pasalamatan mo pa 'ko!" Sabi ni Jess na talaga namang inis na inis.

"Bakit nga kasi? Ano bang meron kay Jace at para bang napakalaki ng galit mo sakanya?" Tanong ko.

"Pag isipan mo hahaha. Chat na lang ako later, gumagawa pa ako ng research." Reply naman ni Jace at agad na ulit nag offline kaya hindi na ako nag reply...

"Bahala ka! Alamin mo, bobo!" Sabi niya.

Lumipat ako sa upuan na nasa tabi niya.

"Ano nga? Ano bang dapat kong malaman tungkol sakanya?" Tanong ko.

"Alam mo, hindi naman ako personally galit sakanya dahil wala namang direktang rason para magalit ako sakanya. Ang gusto ko lang, lumayo ka sakanya dahil may mga rason para layuan mo siya. Hindi ko sasabihin kung ano 'yun, dahil baka isipin mo, sinisiraan ko lang siya. Pero malamang naman kapag nalaman mo kung ano yun, kusa ka nang lalayo sakanya." Tugon ni Jess.

Hindi ako kumibo habang iniisip kung ano ang ibig sabihin niya.

"Don't think na pinapalayo kita sakanya dahil gusto kong ganito lang tayo. You can flirt with everyone out there! You can fuck anyone you like, you can be with someone else. I don't care. Basta ang gusto ko lang, doon ka sa safe. Doon ka sa totoo. Doon ka sa hindi ka ipapahamak. Doon ka sa ibabalik sa ayos ang buhay mo. Doon ka sa bubuo sayo. Doon ka sa taong worth it."

Tuluyan na lang akong hindi nakakibo at mas lalong na curious kung ano ang alam ni Jess tungkol kay Jace.

"Ano bang alam mo?" Tanong ko sakanya makalipas ang ilang minutong katahimikan.

"Paano mo nalaman, kailan, saan? Sure ba? Accurate ba?" Dugtong ko.

"Last sem ko lang nalaman sa sources ko sa campus nila pero hindi ko na binigyang halaga kasi hindi na kayo nag-uusap that time, diba? Kaya hindi ko masabi sayo ngayon, kasi hindi ko alam kung totoo. Hindi ko sure kung totoo ba yung sinasabi nila, o kung tama ba yung kwento o may dagdag, bawas. Kaya mas mabuting sakanya mo na lang mismo malaman.".

......

"Hmmmm movie?" Chat ni Jace pag sapit ng alas-dose ng hating-gabi. Malamang, hating-gabi nanaman siya online.

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now