Chapter 13: Reason for leaving

105 3 0
                                    

May 28, 2019 - Tuesday

Hating gabi na at andito kami ni Jess sa labas ng isang bar dito sa BGC, nasa sidewalk at nakaupo sa isang bench.

Parehas kaming busy sa kaka cellphone habang magkahawak naman ang aming mga kabilang kamay.

Pasimple ko siyang tinignan, halatang antok na antok na at may tama na. Ewan ko ba naman kasi dito. Biglang nagyayang uminom kahit may usapan na kami na hindi na ulit kami iinom kaso bigla siyang nagyaya e. E bihira lang naman siya magyaya kaya sumama na rin ako.

"May balita ka tungkol kay Jace?" Tanong niya, hindi naman ako kumibo. Nagpanggap na walang narinig.

"May balita ka sa gagong Jace na 'yun?" Pag-ulit niya.

"Ha?" Tanong ko at tumingin sakanya.

"Wala. Bakit mo naman natanong?" Pagsisinungaling ko.

"Hindi ka ginugulo? Sigurado ka? Sabihan mo 'ko kapag bumabalik nanaman 'yung gagong 'yun ha." Sabi niya.

Tumango na lang ako para manahimik na siya.

Habang nag i-scroll ako sa dummy Twitter account ko, nakita ko ang sunod-sunod na Tweets ni Issa.

"He left because he said he has goals." Yan ang unang Tweet na nakakuha saaking atensyon.

"Yep. We broke up. Actually matagal na, I keep on stopping him lang but I finally learned to let him go a month ago. Napakatagal na rin naman kasing ako na lang ang nakakakapit. Ako na lang ang nasa relasyon."

Ewan ko ha? Pero parang nakaramdam ako ng sakit dahil dyan sa nabasa kong 'yan...

Pero eto, hindi ko itatanggi na medyo kinakabahan ako sa mga susunod na mababasa ko...

"To be honest, maraming rason ang breakup namin. Napakarami. May rason na sinabi niya, may rason ang tadhana, may rason na malalim, at higit sa lahat, may totoong rason."

"Pero mag focus muna tayo sa rason na sinabi niya. Which is ayan nga, he said he has goals."

"Which I think is true naman kahit na alam ko na ang totoong rason niya for leaving. Haha anywayssss..."

Ano nga ba ang totoong rason?

Ako o ang mga illegal activities ng pamilya nila?

"Okay naman kami dati. Lalo na noong magkasama pa kami sa SHS faculty. Pero ang laki ng nagbago noong napunta siya sa isang UAAP university. Ewan ko, 'di ko na lang din pinansin masyado because we are both busy with work and ako, sa grad school."

"May nakikita akong rason kung bakit naging ganun pero he keeps on reassuring me na hindi tama ang naiisip ko so okay."

Ano Issa?

Ako nga ba ang nakita mong rason kaya nagkaganun kayo ni Jace?

"But lagi na lang kasi kaming nag-aaway. Lagi niya na lang sinusuway 'yung rules sa relationship namin and then one time during our argument sabi niya na lang, ayaw niya na. Hindi niya na raw kayang mag commit hahahaha."

"Pero lagi naman siyang ganun. Same old line niya na 'yun. Haha so syempre as my usual self I tried to stop him kasi alam ko takot siya e. Takot siyang maging mag-isa. Kasi I'm his only constant person. Family niya? Wala. He can't expect anything from his families."

Baka Sakaling BukasOnde as histórias ganham vida. Descobre agora