Chapter 26: Site Visit

93 3 0
                                    

June 22, 2019 - Saturday

Nasa byahe na kami ulit papunta sa Candamaran Island kung saan susunduin kami ng chopper ni Asti. 

Nandito kami sa balcony ng yate habang naka-akbay siya sa akin at nasa bewang niya naman ang bisig ko habang nakatanaw kami sa napakalawak na karagatan at malalim ang iniisip.

Iniisip ko kung kailan ko siya ipapakilala sa pamilya ko. Kung paano. Kung kailangan ko pa ba sabihin na naging prof ko siya noon.

"Kailan baccalaureate mass niyo? Sa Manila din kayo 'no?" Tanong niya sa akin.

Hala... Oo nga pala!

"Kung hindi mo tinanong, malilimutan ko na." Natatawang sabi ko.

"Sa Friday. 28. Kita tayo?" Dugtong ko.

"Ayun lang... Graduation nun sa kabilang school ko... Adamson. Pinapa-attend ako ng morning and afternoon." Sabi niya.

"Bakit? Nagtuturo ka pa ba doon?" Tanong ko kasi alam ko sa amin at sa isang school sa taft na lang siya nagtuturo ngayon.

"Nagturo kasi ako ng isang sem kaya ayun, kailangan pa rin." Sabi niya.

Tumango na lang ako pero hindi ko pinahalata ang pagkadismaya ko. 

Sayang naman kasi after ng BaccMass namin, may concert pa ng mga OPM bands tapos may fireworks pa. 

"Pero kung galing PICC kaya ko naman pumunta ng Manila diba?" Sabi niya.

"Sus, e 4pm start ng mass. Anong oras ba matatapos graduation dun?" Tanong ko.

"5." Sagot niya.

"Ayun lang." Sabi ko at umiling.

"Sa graduation na lang." Dugtong ko.

"Sama ka na rin sa dinner namin." Anyaya ko.

Nakita kong napa-iling siya.

"July 2 din kayo 'no?" Tanong niya, agad naman akong tumango.

"Negative. Bantay ako sa school nun. Pinapag sub din ako kasi nasa graduation mga senior ko."

"Kahit gabi? Dinner." Sabi ko, nagbabakasakali na pwede.

"Saan ba?" Tanong niya.

"BGC, okaya Makati." 

Muli nanaman siyang napa-iling.

"Di talaga kaya. Malayo. Until 9pm 'yung sub ko doon." Sabi niya.

Pilit na ngumiti na lang ako.

"Next time na lang, isasama na kita sa family events namin." Sabi ko, ngumiti lang din naman siya.

"Sa bacc mass niyo try ko humabol. Kahit sa concert and fireworks na lang. Mag a-angkas na lang ako from PICC." Sabi niya.

"Sus kung hindi kaya 'wag mo pilitin. Di naman importante 'yun haha we have our own priorities. Ikaw, trabaho mo 'yun kaya mas intindihin mo 'yun. We still have a lot of time, a lot of chances to be together." Sabi ko.

Tumango na lang siya, "bahala na, I guess." Sabi niya.

"I feel bad. Sa ibang school na pinagturuan ko kahit part-time, makakapunta ako sa graduation. Pero sa mismong university natin, hindi." Sabi niya.

.........

Kahapon lang namin napag planuhan na maagang umalis sa Palawan kasi bigla akong tinawagan ng oil company nila for final interview.

Baka Sakaling BukasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon