Chapter 19: Paano kung...

131 2 0
                                    

June 7, 2019 - Friday

Hindi rin ako masyadong nakatulog kasi ang lakas-lakas mag hilik nito ni Jace. Para bang pagod na pagod talaga siya. Pero sabagay, talagang nakakapagod naman ang buong araw namin kahapon kahit na pamper day namin.

"Kung 'di ka nga ba naman gago 'no." Natatawang bulong ko sakanyang mahimbing na natutulog habang nakaharap saakin.

"Ikaw pa talaga nagsabi kagabi na wag akong maghihilik ha? Tignan mo naman. Ikaw ang himbin-himbing, tapos ako alas-singko ng madaling araw na pero hindi pa rin nakakatulog ng maayos kasi ang ingay-ingay mo." Dugtong ko pa habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.

Jusko.

Ang gwapo... Sa buong pagkakakilala ko sakanya, ngayon ko lang na-realize na hindi lang pala siya cute, gwapo rin talaga...

Yung dimples niya, kitang-kita kahit tulog siya at naghihilik.

Yung hugis ng labi niya, ang ganda rin.

Yung ilong niya, perfect din.

Yung kilay niya, ang ganda ng pagkakaayos!

Kung kutis niya, ang ganda rin.

Ang linis-linis niyang tignan.

Parang ang bango-bango.

At kahit tulog siya, karespe-respeto pa rin ang dating niya...

Possible pala 'yun 'no?

"Sa kada araw na mas nakikilala kita, sa kada araw na nadadagdagan ang kaalaman ko tungkol sayo, kahit na para sa araw na 'to, nalaman kong malakas kang mag-hilik, bakit ganito? Mas hinahangaan lalo kita..."

"Jace, paano kung mahal kita o kung mahal na ulit kita kaso natatakot pa ako? Natatakot pa akong harapin ang mundo kasama ka... Hindi pa kasi ako sigurado... Kasi, paano ako magiging sigurado sa taong hindi ko masabing lubos na kilala ko na? Kasi ang hirap mong kilalanin, Jace. Kung tutuusin, napakalaking personalidad mo. Hindi ka basta-basta... Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako... Kung anong nakita mo sa akin, kung ano ang pakay mo. Kasi Jace, bakit mo nga ba naman mamahalin ang isang tulad ko na wala lang kumpara sayo. We're not living the same world, Jace. Nasa magkaibang mundo tayo..."

Medyo gumalaw siya at iminulat ang kanyang maliliit na mga mata at para bang nagulat siya dahil nakatingin ako sakanya.

"Jace." Sambit ko.

"Di ka makatulog?" Tanong niya at niyakap ako kaya naman humilig ako sakanyang dibdib.

"Jace, bakit ako?" Tanong ko.

"Gusto ko lang naman malaman. Hindi ko kasi maintindihan." Dugtong ko na para bang bata na naghahangad ng sagot.

"E kasi ikaw." Tugon niya kahit antok na antok.

"Are you questioning your worth again?" Tanong niya na mas humigpit ang yakap sa akin.

"Hindi naman." Tugon ko.

"E pero kasi, sa dinami-rami. Sa mga taong nakapaligid sayo, malamang mga ka-lebel mo 'yun. Mayaman, mataas na pinag-aralan, maraming properties and investments, maganda ang pangalan o pinagmulang pamilya. Pati nga sa mga estudyante mo e. Maraming mas maganda, mas sexy, at mas matalino kesa sa akin. Kaya bakit ako ang gusto mo? E wala naman akong makitang kagusto-gusto sa akin."

"Oo. Tama ka naman." Tugon niya at huminga ng malalim.

"Marami nga sila pero no one ever got my attention. No one ever got my heart."

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now