Chapter 6 - Ghosted

190 3 0
                                    

April 10, 2019 - Wednesday

Mula noong huli kaming nagka-chat ni Jace, April 6 ata 'yun. Hindi na ulit ako nagparamdam sakanya. Ganun din naman siya dahil sineen ko na lang naman siya nang tuluyan na akong nawalan ng ganang ka-chat siya dahil maliban sa nalaman ko tungkol sakanya, dahil na rin sa mga tanong niya saakin.

Ewan ko ba, parang bigla kasing bumalik 'yung dating ako. Parang bigla kong narealize na hindi naman ako ganito.

Hindi naman ako yung pang momol lang. Hindi naman ako yung pang sex lang kasi ang gusto ko naman talaga, pagmamahal.

Pagmamahal na sa tingin ko, impossibleng makuha sakanya.

Pero gaya nga ng sabi ko noong nakaraan, last chance ni Jace sa buhay ko itong araw na 'to.

Kapag hindi siya nagpakita, 100% wala na.

Titigilan ko na siya.

Hindi na ako aasa sakanya...

5-6pm ang usapan naming oras na magkikita kami kaya naman kaninang 1PM, nag wave ako sakanya sa Messenger pero hindi siya online.

Huling online niya pa ata dito sa account niyang ito noong araw na huling nag chat kami. Pero kahit ganun nag chat ako sakanya ngayong sumapit ang alas-kwatro ng hapon.

"G ba? Hahaha." Tanong ko.

Pero wala.

Walang reply si gago...

Pero sige. Baka may emergency meeting lang, baka busy lang o ano.

Maghihintay ako hanggang 7pm...

Isang oras lang naman mula sa oras na napag-usapan namin.

Habang naghihintay ako sa reply niyang malabo naman, nag libot-libot muna ako sa campus nila. Buti na lang medyo kabisado ko na dahil sa pa-tour niya saakin last time.

Hanggang sa napadpad ako sa Faculty room nila...

Medyo nagtatago pa ako dahil ayokong makita niya ako dito. Baka isipin niya kasi na pumunta talaga ako dito sa faculty room nila para sunduin siya. Ayoko naman mag mukhang desperada 'no. Sadyang napadpad lang ako dito habang naglilibot ako.

Pasimple akong sumilip sa mga bintana ng faculty room nila kahit na hindi ko alam kung saan ang mismong pwesto niya, pero wala siya.

Kahit saang sulok, wala siya.

Kaya naman naglakad na ako paalis, pero nakasalubong ko 'yung prof din na kaibigan niya na nakakita saamin noong huling beses na magkasama kami.

Tuwang-tuwa pa siyang bumati saakin, "Hi Ma'am! Andito ka pala." Sabi niya saakin.

"Oo nag library lang, maliit lang library sa amin e. Hehe. Nakita mo si Jace?" Tanong ko, nagpapanggap pa rin na prof dahil 'yun naman ang alam niya.

"Nakoooo, hindi ko pa nakikita buong araw e. Hindi nanaman ata pumasok." Sabi niya.

"Ay ganun ba? Sige sigeee! Salamat Sir!?" Tanong ko dahil hindi ko maalala kung nabanggit ba ni Jace ang pangalan niya saakin o nakalimutan ko lang.

"Marco. And you, Ma'am?" Tanong niya naman.

"Lea." Tugon ko, nag-iingat lang ako dahil baka malaman niyang estudyante ako.

"Salamat Sir Marco!" Paalam ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad ko.

Nagtungo ako sa freedom park, kung saan kami nagkita ni Jace noong nakaraan.

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now