Chapter 12: Sa huling pagkakataon, sumusugal ako.

127 4 1
                                    

May 27, 2019 - Monday

Mula pa noong napanuod ko ang interview kay Jace, inunblock ko na siya sa lahat. Sa Facebook, Instagram, Twitter, pati na rin ang number niya. Pero ewan ko ba dun, patuloy pa rin ang routine niya at eto...

Eto nanaman siyang nag-aabang sa exit ng office building kahit na kilala na siya ng ilang tao bilang isang Yucaico-Gosingtian...

Tinignan ko siya at naramdaman ko ang paghawak ni Catt sa aking braso at tumigil kami sa paglalakad.

"Last day na natin, Beshie... Hindi ka ba naaawa?" Tanong niya.

Last day na nga pala namin sa OJT ngayong araw na 'to...

"Naaawa naman." Tugon ko habang nakatingin kay Jace na hindi naman kalayuan.

"Bakit iniiwasan mo pa rin?"

Nag kibit-balikat ako, "Inunblock ko na. Hindi ko na kasalanan kung bakit andyan pa rin 'yan."

"Ayaw mo na siya?"

Hindi ko alam, pero hindi ako nakasagot...

"Eh pero kasi seryoso nga beshie. What's bothering you ba?" Tanong niya.

"Marami. Yung drug use niya. Yung ex niya. Yung gulo ng buhay niya." Tugon ko.

"Beshie, malinaw naman na. Kitang-kita natin mula dito how well he is now. Nakwento mo na sakin, diba? Sabi mo okay na. He's recovering from his drug addiction, nakapag reconcile na siya with his ex. Yung buhay niya? Hindi na siya guguluhin ng tatay niya ngayong binawian na siya ng inheritance! Beshie 'yung interview sakanya, napanuod mo naman diba?" Sermon saakin nito ni Catt.

"Seryoso. What's stopping you?" Tanong niya pero hindi agad ako nakasagot...

Huminga ako ng malalim, "Si... Si J-Jess." Bulong ko...

"Si Jess? Seryoso ka ba???" Halos sigaw ni Catt.

"I don't mean na naguguluhan ako sakanila pero... Mawawala saakin si Jess kung hahayaan kong bumalik sakin si Jace... Beshie, utang ko itong buhay ko ngayon kay Jess. Napakalaki ng utang na loob ko doon. Ayokong masaktan siya!"

"E pano kasi, sinanay mo." Sabi niya.

Ayun nga e.

"Pero ano? Habang buhay ka bang tatanaw ng utang na loob kay Jess dahil lang sa pagsagip niya sayo?" Tanong niya.

"Paano ka naman beshie? Paano naman ang kaligayahan mo?"

Yan din ang naiisip ko e.

Hanggang kailan ako tatanaw ng utang na loob?

Muli kong tinignan si Jace...

At ito na...

Ito na ang aking kahinaan...

"N-napanuod mo 'yung interview?" Tanong ko kay Catt, tumango naman siya.

"Ang layo rin kasi namin..." Dugtong ko.

"I'm out of his league... Walang-wala ako kumpara sakanya, beshie..."

"Ang taas taas niyang tao... Jusmiyo Cattleya... Bakit naman ako magugustuhan ng ganyan kataas na tao?"

Muli kong tinignan si Jace na nakatingin din saakin at nakangiti na para bang napaka-inosente.

"Hindi talaga makatotohanan 'yang sitwasyon mo, beshie. Kahit kanino mo i-kwento, hindi ka papaniwalaan. Pero besh, love is love! Kung mahal ka talaga niyan, hindi niya makikita ang pagkakaiba niyo!" Sabi niya.

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now