Chapter 20: Kaibigan lang.

114 2 0
                                    

June 8, 2019 - Saturday

Medyo matagal na rin akong hindi umuuwi sa bahay kaya eto kami ni Jace ngayon, pabalik na ng Manila para ihatid ako pero sabi ko kahit hanggang sa Ayala na lang niya ako ihatid kasi ma o-out of way pa siya kasi sa Manila pa ang uwi niya at ayun naman ang napagkasunduan namin kahit na nagpilit pa siyang ihatid ako sa mismong bahay ko. Ayoko naman kasi ano na lang iisipin ng magulang ko kapag nakita siya 'no? Ang tagal kong hindi umuwi tapos makikita nila lalaki pala kasama ko haha baka mapalayas pa ako ng tuluyan.

Buti na lang at traffic dito sa SLEX kasi kahit na ilang araw kaming magkasama ni Jace, pakiramdam ko kulang na kulang pa rin 'yun haha ewan ko ba. Kung pwede nga lang na magsama na kami sa iisang bahay, baka pumayag ako e hahahaha! Parang ang bilis kasi ng ikot ng oras kapag kasama ko siya. Nakakagaan ng pakiramdam. Para bang kahit saglit, pansamantalang nawawala ang mga lungkot at problema ko sa buhay.

"Naiisip kong tumigil sa pagiging prof." Sambit niya habang nakahilig ako sa kanyang balikat at magkahawak ang aming mga kamay habang nakatanaw kami pareho sa labas ng bus pinagmamasdan ang napakalakas na pag buhos ng ulan.

"Bakit naman? Ano na plano mo?" Tanong ko. Sayang naman kasi. Parang ang saya kaya maging prof. Yung tipong ikaw 'yung parang boss na pinapakinggan at sinusunod tsaka akala ko ba nag e-enjoy siya sa pagiging prof?

"Ewan." Natatawang sabi niya.

"Ang dami. Hindi ko alam kung gusto ko lumipat sa ibang school as full-time o mag full-time pa rin ako sa univ natin then part-time sa iba. O pwede rin change of career. Baka corporate ganun. Okaya I'll stop working muna to focus on my further studies ganun hahaha ewan ang gulo. Ang dami kong choice, hindi ko alam kung anong tama. Pero okay naman ako sa univ natin as full-time. Gusto ko lang talaga mag part-time sa ibang school haha ginugulo ko lang talaga isip ko pero 'yun lang talaga gusto kong mangyari. Mamaya magbabago ulit isip ko pero mamaya babalik ulit dyan desisyon ko." Natatawang sabi niya. Napaka indecisive niya mula noong nagka-issue saamin nila Issa at mula noong nagka-issue sa pamilya nila. 

Well sabagay. Ikaw nga ba naman ang mabawian ng inheritance, talagang magbabago takbo ng buhay mo e. 

"Edi maghanap ka na ng school. Sus kayang-kaya mo naman 'yan! Maganda naman credentials mo, sure tanggap ka naman niyan." Sabi ko.

"E ano, iniisip ko lang kung kaya ng time. Kasi wala na akong uuwian sa Manila sa August so sa Laguna na ako uuwi everyday. Unti-unti na nga akong naghahakot ng gamit e kaya 'yung condo karamihan furnitures na lang natitira." Sabi niya.

"Binenta mo na lahat ng properties mo dito sa Manila? Bakit?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya, "Ayoko na ng Manila life. Masyadong magulo, traffic, puro pollution. At least doon sa Laguna, malapit lang din naman sa Manila pero peaceful tsaka less pollution. Tsaka kung doon ako, mas makakakain na ako ng maayos kasi may taga-luto. E dito sa Manila, lagi lang akong sa fast food o karinderya kumakain e."

Karinderya? 

Si Jace kumakain sa karinderya???

Hindi ko ma-imagine.

"Tsaka less expenses na rin. Monthly bill ng condo, laba, tubig, kuryente, LPG. Alam mo ba umaabot ng 50k expenses ko every month. Parang 'di kasi praktikal. Lalo na kasi mag-isa lang ako tapos penthouse pa 'yung condo ko." Sabi niya.

Seryoso??? Iniisip din pala nito mga gastos niya???

Pero sabagay, 50k pero month is too much nga naman.

"Naiisip mo pa talaga 'yun?" Natatawang tanong ko.

"E syempre 'no. Dapat laging practical and wise." Sabi niya, well sabagay. Tama nga naman. Kahit gaano karami ang pera mo, kung gastador ka naman, maghihirap ka talaga sa huli.

Baka Sakaling BukasWhere stories live. Discover now