Chapter 24: Balabac Trip

104 0 0
                                    

June 18, 2019 - Tuesday

May driver si Jace papunta sa airport kaya naman dinaanan na nila ako sa bahay at maayos na ipinagpaalam na rin ako sa nanay ko. Kaso ayun nga lang, ang paalam ko kasi sa magulang ko, may iba pa kaming kasama. Pati nga 'yung driver napa-acting na namin ni Jace. Pinakilala ko sila bilang kaibigan ko sa org sa school. Well hindi masyado maayos 'yung pagpapakilala ko sa kanila, kasi sa susunod ko pa naman planong pormal na ipakilala si Jace sa pamilya ko.

At dahil hindi naman strict ang mga magulang ko pag dating sa galaan, hindi na mahaba ang naging usapan at agad na rin kaming umalis kahit na ramdam ko na ang iniisip ng nanay ko kay Jace na masyadong sinisipat-sipat.

"Buti na lang mukha kang tao ngayon. Kulang na lang hubaran ka ni mama e." Sabi ko pagsakay namin sa kotse niya. Natawa na lang siya at muli ko siyang sinulyapan ng tingin.

Nakasuot siya ng white shirt at beige shorts na hanggang tuhod, at loafers. Nakababa rin ang kanyang kulot na buhok kaya mas lalo siyang bata tignan at mukhang napakabait din.

"Kaibigan pala ha." Nang-aasar na sabi niya at kinuha ang aking kamay para mahigpit na hawakan at nagsimula na ang driver niyang paandarin ang kotse.

"Anong gusto mo, prof? Ano may field trip tayo, Sir?" Pang-aasar ko naman, tumawa lang naman siya.

"Joke lang, malapit na kitang ipakilala ng pormal. Wait ka lang muna dyan." Sabi ko at sumandal sa kanyang balikat.

.........

8:13 ng gabi na nang dumating kami sa airport ng Puerto Princesa at agad siyang may tinawagan nang makababa kami mula sa eroplano. 

"Ah so nandito na? Hanapin ko na lang, pangalan ko nakalagay?" Tanong niya sa kausap niya.

"Ayun oh." Sabi ko sa kanya nang makita ko ang isang lalaking may hawak na placard na pangalan ni Jace ang nakasulat. Marami kasing sumasalubong na tour guide dito sa labas ng airport  para sa mga turista na naka book sa mga travel agencies.

"Yun good natanaw ko na. Siya 'yung driver? Anong pangalan nito?" Tanong niya sa kausap niya.

"Byron... Sige sige. See you na lang sa Rio Tuba ha. Salamat!" Paalam niya at binaba na ang tawag.

"2nd leg, Rio Tuba. Ready ka na ba sa 4-6 hours na byahe?" Tanong niya at naglakad na kami patungo sa lalaking may hawak na placard kung saan nakasulat ang pangalan ni Niccolo Jace Rivas.

4-6 hours??? Halos kasing layo lang ng El Nido.

Hinayaan kong si Jace na lang ang makipag-usap kay Byron na siyang driver namin at sinakay niya kami sa isang van kung saan kaming tatlo lang ang sakay.

Sa Rio Tuba ang destinasyon namin ngayon. Dalawang beses na akong nakarating dito sa Palawan, sa E l Nido at Puerto Princesa, tapos sa Coron. Pero ngayon ko lang narinig ang Rio Tuba. 

"Southern part of Palawan ba 'yun?" Tanong ko kay Jace na nag kibit-balikat lang.

"Ewan. Pero mas malapit na siya sa Malaysia kesa dito sa Puerto Princesa." Tugon niya.

Okay so South nga.

"Sa Balabac kayo, Sir?" Tanong ni Byron pagsakay niya sa driver's seat matapos ayusin ang mga gamit namin sa likod. Tumango lang naman si Jace na mukhang antok na antok na.

"Saan property niyo, Sir? Taga Balabac din ako e.

"Bandang South Mangsee po." 

"Napakalayo jusko po! Dalawang oras na lang nun nasa Malaysia na kayo via boat. Napakalapit na talaga sa Malaysia nun, Sir! Less than 80 kilometers na lang." Sabi niya.

Baka Sakaling BukasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon