Chapter 24 - Boyfriend

Start from the beginning
                                    

 

 

Hindi siya sumagot. Tapos sinenyasan niya akong mas lumapit pa sa kanya. Kahit na hindi ko maintindihan ang gusto niyang ipagawa ay sinunod ko pa rin siya. Ng sobrang lapit ko na sa kanya ay iniharap niya sa akin ang pisngi niya.

Napangiti na naman ako. Tapos ay kiniss ko na siya sa pisngi. With that he smiled already. Kahit kailan napakulit ng kapatid ko. Akala ko makulit na ako pero wala pa pala ako kumpara sa kanya.

Recently ay sinabi niya sa akin na everytime na magkikita kami or kapag magpapaalam daw ang isa dapat may hug or kiss daw.

Kahit sina Papa at Tita sinabi na ganoon din dapat ako sa kanila. That was an equivalent of mano daw.

I find that gesture really awkward. Whether kina Papa or kay Edrian pero ginagawa ko pa rin. I know they're trying their best para maging close kami and I have to do my part. Kaya lang madalas ay nakakalimutan ko ang tungkol sa bagay na iyon kaya sila palagi ang nag-iinitite.

"Ang tagal mo yata? Kanina pa ako dito."

 

 

"Hmmmm?"

 

 

"Sa akin ka pinasusundo nila mommy. Shall we go?"

 

 

"Ha???" Napatanga na naman ako. Tapos bigla kong naalala na mamaya na pala ang flight nina Papa. At bago sila umalis ay magdidinner muna kami ng magkasama. Lagot!!!! Nakalimutan ko.

 

 

"Bakit Yana, may problema ba?"

 

 

"Ahhh, wala. Magpapaalam lang ako sa mga friends ko." Hindi ko siya hinintay makasagot. Agad na akong tumakbo pabalik sa mga kaibigan. Nasa may labas na rin sila ng gate at naghihintay sa akin.

 

James POV

"Hey James, bakit hindi ka kumakain diyan? Hindi mo ba gusto ang pagkain, order kita ng iba?"

 

 

"Wala lang akong gana. Huwag mo na akong pansinin"

"At paanong hindi kita papansinin eh ginutay-gutay mo na iyang pagkain mo pero hindi mo naman ginagalaw. "

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now