Kabanata XLI - Chapter 41

Start from the beginning
                                    



Napaayos naman ako ng tayo. "Ang OA niyo. Tss."



Napakadumi ng isip!



"Nakitulog lang siya okay!? Napakadudumi ng utak niyo!" sigaw ko.



"Bakit niya sinabing nag-enjoy siya kagabi kung wala kayong ginawang kababalaghan!?" sigaw sa'kin ni Marky, napangiwi na lang ako.



"He's pathetic. Ano bang mga pinag-iisip niyo? I cooked food for him, do'n siya nag-enjoy." malamig kong usal.



"Hindi mo naman kasi nilinaw kanina!" sigaw sa'kin ni Marky samantalang nanonood lamang si Coldy sa'min.



"You didn't let me to speak, anong magagawa ko? Bangag ka ba?" iritado kong tugon rito.



"Nevermind." nakayuko nitong saad at napatingin naman ako sa kanilang dalawa ni Coldy.



"Why are you here? Sinira niyo pa ang pinto ng dorm ko, kayo ang mag-aayos niyan, tss." malamig kong turan.



"S-Sorry na... I'm just checking you if you're s-safe." nauutal na usal ni Marky habang nakakamot sa kan'yang batok.



"How about you, Coldy... Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo kong tanong rito.



"Same as Marky's reason, tss." malamig niyang tugon.



Binulabog niyo pa akong dalawa.



"Bakit kayo magkasama?"



"Chill, Master Charlie. Dalawa lang sila, ang dami mong tanong!" malakas na tugon ni Harley at humalakhak.



"You jerk, p'wede bang manahimik ka nalang? Palayasin kita dito e'." pagtataray ko rito at nag-peace sign lang naman siya.



"Nagkasalubungan kami, then I didn't know na parehas lang pala 'yung lugar na pupuntahan namin. So, we decided na magsabay na lang." pagpapaliwanag naman ni Marky at tumango ako.



"Are you both checking me if I'm safe?" kunot-noo kong tanong rito at tumango na lamang sila.



"I'm safe okay!? Can you all leave? Nakakapamerwisyo kayong lahat!" malamig kong sigaw rito.



"U-Uhm... Charlie?" tawag sa'kin ni Marky habang nakanguso kaya naman napadako ang tingin ko rito.



"What?"



"We'll be having our date today; did you forget it already?" malambing nitong saad na ikinalaki ng mata ko.



Tang-! Nakalimutan ko pala, shit.



Napakamot ako sa batok, "O-Oh... Y-Yeah... Of course, hindi ko nakalimutan. W-Why would I?" nauutal kong ani rito.



"Are you going to date Charlie?" tanong ni Coldy kay Marky.



"Yes. Problem about that?" malamig na tugon ni Marky dito at umiling-iling na lamang si Coldy.



Kinalabit naman ni Harley si Marky. "Psttt! Tanda!" tawag naman ni Harley kay Marky na ikinainis nito.



"What?" iritadong salubong na tugon ni Marky rito.



"P'wede bang sumama d'yan?" malambing na tanong ni Harley rito.



"No. It's my day with Charlie. Bawal kang sumama."



"Hey you, old man! Kahit anong mangyari, sasama ako sa inyo! Baka kung ano pang gawin mo kay Master Charlie! Sasapukin talaga kita!" sigaw ni Harley sa pagmumukha ni Marky.



"For God's sake! I'm only 18 years old. Don't call me by that name, you ugly crunchy lizard!" sigaw sa kan'ya ni Marky at napasimangot na lang si Harley.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now