Ikatatlong Hiwaga

34 11 0
                                    

Alivia's POV

Kumunot ang muka ko sa liwanag na tumama sa muka ko, galing pala yun sa binta ng kwarto ko. Teka, sa kwarto ko?Umaga na?

Nagpalinga linga ako, nasa kwarto ko nga ako! Pero pano? Ang huli kong naalala nasa kwarto ano nila mommy, pano ako nakapunta dito?

Napitlag ako ng may naramdaman akong pumihit ng doorknob ng kwarto ko, dahan dahan ang pag bukas ng pinto, hindi ko magalaw ang katawan ko, pakiramdam ko ng hihina parin ang buong katawan ko. Iniluwa nito ang isang lalaking nakasandong puti, kitang kita ang maganda niyang pangangatawan, keye eng sherep me, charot

"G-gising ka na pala" medyo utal niyang sabi, nagulat ata siyang gising nako base na rin sa expression ng muka niya

"Ian?... A-ano ginagawa mo dito?" mababakas sa muka ko ang pagkagulat, bakit siya nandito? At pano siya nakapasok sa bahay namin? Ang bang meron?
"Tsaka pano ako na punta dito? Ano bang nangyayari??" gulong gulo nako, diko na alam nangyayari

"Ako ang dala sayo dito sa kwarto mo" tuluyan na siyang pumasok sa kwarto ko, napansin ko din ang dala dala niyang mangkok. "kumain ka muna" iniabot niya sakin ang isang mangkok ng sopas. Sinumulan ko ng higupin ang sabaw, gutom na rin ako, diko ba alam parang ilang araw akong hindi kumain sa nararamdaman kong gutom, sarap nito hah, siya ng luto?

"Tatlong araw ka ng tulog" muntik nakong masamid at maibuga ang kinakain ko, ANO?! TATLONG ARAW?!

"TATLONG ARAW?!" gulat na gulat kong sabi. "Bakit? Pano?" mas lalong gumulo ang utak ko

"Tatlong araw na kitang binabantayan, salamat at nagising kana" nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. "Nag alala ako, please wag kang mawawala" dagdag pa niya habang nakayakap pa din siya

Bakit ba sa tuwing niyayakap niya ako pakiramdam ko napaka safe ko, bakit hindi ko magawang pumiglas sa pagkakayakap niya, napakagaang nag pakiramdam ko. Unti unting lumuwag ang pag kakayakap niya

"Aalis nako" akmang aalis nasiya ng hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya

"Salamat" sambit ko na may konting ngiti. Tumayo ako at muling niyakap niya. "Salamat talaga" hindi ko namalayan na pumapatak na ang mga luha sa mata ko, napahikbi ako, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot. Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang muka ko, magkatapat ang muka namin ngayon

"Wag kana umiyak, nandito ako sa tuwing kailangan mo ko" gamit ang kanyang hinlalaki, pinunasan niya ang luha na pumapatak sa mga mata ko. "Mag pa lakas ka" sabay ngiti. Tinanggal na niya ang kamay niya sa muka ko at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto ko. "Bukas, sa school" ngumiti ulit siya, mauulit pa kaya yung ngiti na yun?

--*--

~Makalipas ang dalawang linggo~

Halos araw araw na kami magkasama ni Ian dahil sa practice ng pageant, madali naman pala siya pakisamahan pero pag umiral talaga ang pagka seryoso niya, wala na siyang papansinin tsaka madali din siya magalit, mabunggo nga lang ata galit na siya, alam mo yung parang laging galit sa mundo

"Ayoko na" tipid niyang sabi. Aba'y hindi pwede sa sunday na ang pagent at friday na ngayon, kaylangan puspusan ang pag papractice namin, nag papractice kami ngayon ng talent namin, cultural dance nalang yung napili namin. Bakit naman ba kase binago yung araw ng pageant, dapat sa monday pa pero ginawang sunday, wala pakong costume sa talent namin!

"Oyy oyy hindi pwede sa linggo na to, Bumalik ka dito" pag susungit ko sa kanya. Hindi pupwede sakin yung ganyang asta, ako ang kasusunod, tsaka bilin din ni Sir to no

"Pagod nako" walang buhay niyang sabi. Kahit kailan talaga hindi makitaan ng emosyon tong mokong na to. Hindi na naulit yung ngiti

"Last na please, promise last na to" with pacute pa yan, sana tumalab, sana

"Last na" madiin niyang sabi. Nakupo baka mamaya magalit na to, iba to pag umiral topak pero syempre hindi siya uubra sakin

Piniplay ko na ang music at nag simula na kami puwesto. May palayok akong hawak, parang palayok dance yung sasayawin namin. Sinimulan ko ng balansihin ang palayok sa ulo ko, madali ko naman na balanse kase ilang araw na rin kaming nag papractice

May kawak namang pana si Ian, literal na cultural dance talaga sasayawin namin. Oh my god, naiisip ko na yung costume niya, naka bahag siya HAHA, makikita ko yung katawan niya, keye weg pe. Buti nga napapayag ko siya, nung una kase ayaw niya, ayaw daw niya mag hubad, Aba syempre ako ang master dito wala siyang magagawa WHAHAHA

Habang iniimagine ko yung magiging itsura niya, hindi ko namalayan yung upuan na nasa tabi ko, pero huli ng makaiwas ako, ano ba uunahin ko?! Sarili ko?! O yung palayok na nasa ulo ko?!

"Ahhh!" sigaw ko, na aaout of balance nako.  Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari, sinalo ako ni Ian, ngayon pagkatapat ang muka namin habang naka higa ako sa bisig niya, nagkatitigan kami,
Dug, dugdug, dug, dugdug  My god ang puso ko!

Napaka gwapo niya, magkatitigan kami ng mata ngayon, hindi ko alam pero parang tumigil ang mundo, tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko at napaka lapit ng muka namin sa isa't isa

"Ayos ka lang?" tanong niya. Dali dali akong tumayo ng magising ako sa katotohanan, ang bilis naman! Hehe
"Bakit ba kase tulala ka?" tanong pa ulit niya

"A-ano kase....A-ano—" pautal utal kong sabi. Alivia! Bakit ka nauutal! Lakas pa din ng pintig ng puso ko

"Ano?" sabi niya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sakin na animoy ng hihintay ng isasagot ko

"May naalala lang ako" palusot ko. Aba'y hindi naman pwede na sabihin ko ka iniimagine ko kung katawan niya baka sabihin niya pokpok ako

"Sino?" tanong pa ulit niya. Ano isasagot ko? Yung katawan niya? Yung— teka nga bakit ba tanong ng tanong to, pake alam ba niya

"Wala ka na don" sabay iwas ng tingin. Pumunta ako kung na saan ang bag ko at dali dali kong inayos ang mga nakakalat kong gamit. Kailangan ko na umalis dito bago pako madulas sa sasabihin ko

"Sino nga?!" pasigaw niyang sabi. Bakit ba siya sumisigaw, nagagalit ba siya?

"Anong bang paki alam mo kung sino ang iniisip ko!" pag susungit ko sa kanyan.
"Tsaka, bakit! Sino ba gusto mong isi—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang mag salita

"Ako, ako ang iisipin mo" seryoso niyang sabi na kinabigla ko. Gulat ang mababakas sa muka ko, tama ba yung na rinig ko?
Naglakad siya papunta sa pwesto ko, ngayon magkaharap nanaman kame.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, niyakap niya ako, niyakap nanaman niya ako. Ganon nanama ang naramdaman ko, pakiramdam ko napaka safe ko, hindi ko din makuhang mag sisigaw at hindi ko din magawang mag pupumiglas, ano bang meron sayo Ian

"Ako lang ang iisipin mo, walang iba" ramdam ko ang hangin na ng gagaling sa bibig niya habang binibigkas ang mga katagang iyon

"Walang pwedeng manggulo sa isip mo kung hindi ako, Alivia mas lalo akong nababaliw sayo" mga katagang nagpahinga sa buong katawan ko

Ano bang meron sayo Ian Tyler

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang