Ikadalawampu't dalawang Hiwaga

50 6 0
                                    

Alivia's POV

Nagising ako sa ingay nila Abi at Jasmine. Iminulat ko ang mata ko, puting kisame ang bumungad sakin, teka, sana dorm ako?. Aklang babangon ako ng mapansin ako ng dalawa, agad agad silang pumunta sakin at inalalayan ako makaupo

"Paano tayo nakarating dito?" Tanong ko sa kanina. Medyo masakit pa ang ulo at hindi maibulat ang mata dahil pakiramdam ko pagod pa din ang katawan ko kahit na kagigising ko lang

"Sumakay tayo sa Van" sarcastic na sabi ni Abi sabay tawa ng malakas. Sinamaan ko siya ng tingin, iba talaga pag umiral ang kagaga nito pero nakikita ko pa din sa mata niya ang pag aalala

"Nahinatay ka kaya napagdesisyonan namin na agad kang dalin dito sa Luna Academy, hindi na kase namin alam ang gagawin namin" nag aalalang sabi sakin ni Jasmine. Pinintot niya ang kayang emergency device bago mag patuloy sa pag sasalita. "Alam mo bang dalawang araw kang tulog, masyado mo kaseng pinuwersa ang sarili mo" dagdag pa nito

Nanlaki ang mata ko sa narining ko, "DALAWANG ARAW?!" Gulat na gulat kong sagot sa kanina. Hindi ko alam na ganon na pala ako katagal na tulog, pakiramdam ko kase oras lang ang maging tulog ko.

Tumango silang dalawa, muka namang hindi sila ng bibiro kaya tinigil ko na ang pagdududa ko. Tumayo silang dalawa sa pagkakaupo sa kama ko at nag tungo sa kusina. Naghahanda ng makakain si Jasmine at si Abi naman ay inaayos ang plato at kutsara sa lames

"Kaya mo bang tumayo?" Tanong ni Abi sakin. "Kung hindi ayos lang naman, dadalan ka nalang namin" dagdag pa nito.

Pinilit kong makatayo dahil ayoko namang maging pabigat sa kanila, tsaka wala naman akong mga sugat kaya ayos lang, medyo nanghihina lang. "Madami ang nawalang lakas sayo at dalawang araw ka nading hindi kumakain, kaya ito pinag handaan namin ang paggising mo, kumain ka ng madami" nakangiting sabi ni Jasmine sakin

Inalalayan lang ako ni Abi hanggat nakaupo ako sa harap ng lamesa. Naupo na din sila at sabay sabay kumain. Nag luto sila ng tatlong putahe, kare-kare, ginising ampalaya, at Adobo my favorite. Napakunot ang noo ko dahil ang dami nilang niluto at sigurado akong hindi namin mauubos tong tatlo.

"Bakit ang dami ninyong niluto, hindi natin mauubos yan " pagtataka kong tanong sa kanina. Busy sila sa pagsubo, mukang gutom na sila.

"Sino bang nagsabi na tayong tatlo lang ang uubos na yan" sagot ni Abi na medyo puno ang bibig ng pagkain. Kumunot ang noo ko sa sinagot niya. Anong ibig niyang sabihin

Akmang sasandok nako ng biglang may kumatok sa pintuan ng dorm namin. "Nandiyan na sila" masayang sabi ni Jasmine. Uminom muna siya ng tubig bago tumayo at punta sa pintuan para buksan yon

Niluwa ng pinto ang tatlong lalaki. "So pano kayo nakapasok dito sa building namin" may pagsusungit kong tanong sa kanilang tatlo

"Chill kalang, kagigising mo lang ang sungit mo na agad" pangisi ngising wika ni Jake. "Ginaya ko si sir Jeff" dagdag pa nito. Ginamit nga niya ang kapangyarihan niya para makapasok sila dito

Naupo na silang tatlo sa bakanteng upuan. May dala din silang pagkain, fruitcake. Napangiti ang ng ilapag nila yon dahil paborito ko rin yon. Nagsabay sabay nga kami sa pag kain. Habang kumakain ako hindi ko maiwasan tignan sila Ian at Migs na kanina pa patingin tingin sakin, kita ko sa mata nilang dalawa ang pag alala

"What?" Hindi ko na napigilan na mag tanong. Kanina pa kase sila tingin ng tingin medyo na iilang nako. Oh baka naman mukang tanga yung itsura ko, naalala ko nga pala na kagigising ko lang, baka muka akong tanga

Agad umiwas ng tingin si Ian at nagpatuloy sa pag kain. Nakangiti naman sakin si Migs. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Migs sakin. Bahagya akong ngumiti at tumango. "Balita ko paborito mo daw ito" turo ni Migs sa fruitcake.

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon