Ikadalawampu't anim na Hiwaga

48 5 1
                                    

Alivia's POV

Naalimpungatan ako. Malalim na ang gabi at tulog na ang ilan sa kasamahan ko. Nandito kami sa van, dito kami natulog dahil pwede naman gawing higaan ang mga upuan. Meron namang nilaan na tutulugan namin si sir Jeff pero mas ginusto namin dito nalang matulog, dahil dito sama sama kami at sure kaming ligtas kaming lahat. Lalo na ngayon na mainit ang mata ng mga kalaban samin at hawak namin ang ilan sa mga impormasyon.

Mapabangon ako sa pag kakahiga at tinignan ang mga kasama ko. Magkakatabi kami nila Abi at Jasmine na kasalukuyan ngayong mahimbing ang tulog, napagod sila sa buong mag hapon at kailan nilang magpalakas ulit.

Nasa driver sit si Jake at mahimbing na din ang tulog. Napansin kong may nawawala samin. Si Ian at Migs! Napansin kong medyo bukas ang pintuan ng van kaya tiyak na lumabas sila.

Dahan dahan akong tumayo sa hinihigaan ko at tahimik na kumilos para hindi magising ang iba. Akmang bubuksan ko ang nakaawang na pinto ng van ng may marining akong boses galing sa labas. Boses ni Migs.

Binuksan ko ang bintana ng van sapat lang para makasilip sa labas. Nakita ko si Ian at Jake na magkasama. Aba'y himala hindi ata sila mag kaaway ngayon. Napansin ko din yung hawak nila. Alak ba yon?

Mas nakumpirma ang hinala ko na maamoy ko yon. Tama nga, alak nga yon. Bakit naman sila umiinom ng hating gabi? Akmang bubuksan ko ang pinto ng van para bumaba ng marining ko ang pagkukwentuhan nila.

"Alam mo, ang yabang mo din no" sabi ni Migs at medyo natawa pa to. Lasing na nga sila.

"Alam ko" malamig na tugon ni Ian. Ganto ba sila malasing, wala pa ding emosyon?

"Noong dumating siya dito, ako na agad ang nakasama niya, hanggang sa dumating ka nalang bigla at nawalan na siya ng oras sakin, ano bang meron sayo na wala sakin? Bakit hindi niya ako magustuhan?" sino bang pinag uusapan nila?

"Ako ang nagsabi sayo na bantayan mo siya, bakit ka umaasang magugustuhan ka niya?" wala pa ding emosyong sagot ni Ian

"Mahal ko si Ali—"

"Shut up!" Nariin na sabi ni Ian

Napatakip nalang ako ng bibig ng malaman ko kung sino ang pinag uusapan nila. Ako ang pinag uusapan nila.

"Wala saysay ang pagmamahal mong yan sa kanyan kapag nalaman mo ang totoo! Kaya itigin mo ang kahibangan mong yan dahil wala kang mapapala!"   Madiin na sabi niya kay Migs.

Ano bang totoo? Bakit ba ang daming tanong nanaman ang pumapasok sa utak ko, bakit ang pakiramdam ko ay madami ang nag sisikreto sakin! Ano ba ang totoo!

"Bakit hindi mo sabihin sakin! Sige! Anong sinisikreto mo kay Alivia! Magpakalalaki ka! Sabih—"

Hindi na naituloy ni Migs ang sasabihin ng may bumalot na itim na liwanag sa leeg niya. Ian ang may gawa nito. Kitang kita ang galit ni Ian sa mata, kung wala pakong gagawin siguradong mapapatay niya si Migs.

Dali dali kong binuksan ang pinto ng van at bumaba, napatingin sila sakin at halatang nagulat ng nandoon ako. Tinanggal na ni Ian ang itim na liwanag sa leeg ni Migs, makikitang naghahabol ito ng hininga.

"Sige mag patayan kayo! Yan ba ang gusto ninyo? Na may mawalang meyembro sa grupo!? Magpatayan kayo!" hindi ko na napigilan ang emosyon ko, kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko.

Narining ko may bumaba sa van sila Abi, Jasmine at Jake. "Anong nangyayari dito?" Tanong ni Jasmine

"Oh kompleto na tayo, bakit hindi ninyo pa ituloy ang pagpapatayan ninyo!" Hindi ko na makontrol ang emosyon ko, nanginginig na ang buong katawan ko.

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now