Ikadalawampu't limang Hiwaga

37 5 0
                                    

Alivia's POV

Medyo na hihilo lang ako ngayon dahil sa dami ng kapangyarihang nasa katawan ko. Sabi naman ni sir Jeff ay normal lang daw yon na maramdaman namin pero hindi naman daw namin ikamamatay yon, grabe supportive ng advice namin,HAHAHAHA.

Testinging ko kaya yung mga nakuha ko, pero pano? Hindi ko naman alam lahat ng to. Naagaw ng pansin ko si Jake, mukang pinagagalitan niya si Jasmine. "Bakit ba kase ang kulit mo, tignan mo tuloy muntik kana mapahamak, ako namang si gago pinayagan ka, hindi ko na alam gagawin ko pag may nangyari masama sayo" sermon ni Jake kay Jasmine.

Napangiti ako dahil may naaamoy akong something. "S-sorry na nga diba, hindi ko naman alam na susugurin ako ng black tree na yon" sagot ni Jasmine kay Jake. May saloob ko na umaalarma, para sinasabing nag sisinungaling si Jasmine. Wait, parang alam ko na kung ano to.

Nilapitan ko sila. "Ano ulit yung sinasabi mo Jasmine?" Pagpapaulit ko sa kanyan. Gusto ko lang iconfirm yung hinala ko.

"N-na a-ano... Na sinugod ako ng black tree na yon" ulit niya sa sinasabi niya kanina. May sa loob ko ulit na umaalarma, nagsisinungaling nga siya! Tama ang hinala ko, nasakin ang kapangyarihang nung babae na nakausap ko, yung human lie detector.

Pinanliitan ko siya ng mata at humalukipkip. "Jasmine, sabihin mo yung totoo, nag sisinungaling ka" mahinahon kong sabi sa kanyan. Nagulat siya sa sinabi ko.

"T-totoo naman yung sina—"

"Jasmine" nakahalukipkip padin ako.

"Okay, fine! Nung nakita ko yung black tree,  tinary kong sugutin siya, akala ko kase kaya ko siya eh, hindi pala, kaya humingi nako ng tulong sa inyo" sabay peace sign. Haynako Jasmine talaga naman.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ba niya alam na pwede siyang mapahamak sa ginawa niya. "Bilin ni sir, wag natin sila susugurin hanggat hindi sila ang nang first move" paalala ko sa kanyan

Sumibangon siya. "Sorry na nga diba, promise hindi na mauulit" mukang nahawa na siya kay Abi ng kagagahan.

"Talagang hindi na mauulit dahil sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo" pagsusungit ni Jake sa kanyan. First time mag sungin ng ganon si Jake ha, mukang nag something talaga.

Bumusangot si Jasmine. "Mr. Sungit" mahinang sabi nito. Medyo natawa naman ako dahil sinamaan siya ng tingin ni Jake, mukang narining niya, HAHAHAHA.

Nag aya na si Ian na bumalik sa Clinic para maibalik nanamin yung mga kapangyarihang nawala sa kanina. Naglalakad kami ng mapansing kulang kami. "Nasaan si Migs?" Tanong ko sa kanina.

"Katabi mo nako ang hahanap ka pa ng iba" tinamaan ko ng tingin si Ian. Kahit kailangan panora talaga siya.

Muntik nako mapasigaw sa gulat ng sumulpot si Migs sa harapan ko. "Ano ba Migs! Balak mo ba akong atakihin sa puso!" Sigaw ko sa kanyan. Mula pagkadating ko talaga dito sa mundo na to, kay hihilig nilang manggulat.

"Hahaha! Tinatry ko lang yung mga kapangyarihang nakuna natin. Atin nalang kaya to?" tinignan ko siya ng masama. "Biro lang! Ito naman masyadong seryoso. Galing nito no, teleporting" manghang sabi niya habang nakatingin sasarili. "Ikaw din naman may na try na diba yung lie detector" pano niya nalaman agad? Iba talaga pag dito ka talaga lumaki.

"Ang daldal, tara na, bago pa kita ihagis, ingay mo eh" reklamo ni Ian kay Migs. medyo natawa ako sa sinabi niya. Seryosong tao talaga nito.

Natawa si Migs sa sinabi ni Ian. "Pano mo naman ako ihahagis?" Pangisingisi nitong sabi. Nakita kong nagkaroon ng ngisi sa labi ni Ian.

Pumunta siya sa malapit na puno na halos ay katabi lang niya. Nagulat ako sa sumunod na nangyari dahil binuhat niya iyon gamit lang ang isang kamay. Ang lakas niya!

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now