Ikadalawampu't isang Hiwaga

46 7 0
                                    

Alivia'POV

Hindi pa din talaga mawala sa isip ko yung sinasabi nung matandang babae. Sino ba yung tinutukoy niya? Sino yung nakatadhana na mag ibigan? Bakit niya ako tinanong kung sino ang pipiliin ko? Naguguluhan man ako pero kailangan kong mag focus dito sa unang misyon namin.

Nandito kami ngayon ni Ian sa Van, hinihintay ang mga kasamahan namin. Hindi din mawala sa isip ko yung sanabi niyang akala niya ay hindi nako makakabalik. Ano ibig sabihin niya na yon?

"Ian" tawag ko sa kanyan. Nakasandal siya sa labas ng Van, hinayaan ko bukas ang pinto ng Van para makita ko siya

"Hmm..." Tugod niya sa tawag ko

"Ano yung sinasabi mo kanina na akala mo ay hindi nako makakabalik?" Tanong ko sa kanyan. Nanatili lang siyang naka sandal at ilang minutong tumahimik bago sumagot

"Kanina, habang kinakausap mo yung babae, napapansin naming nahihirapan ka sa paghinga" sagot niya na kinakunot ng noo ko. Hindi naman ako nahirap sa paghinga. "Nag alala pero hinayaan ko lang muna kase tiwala ako sayo, alam kong makakabalik ka pero hindi mawawala sakin ang pag aalala" dugtong pa niya.

"S-sorry" nauutal kong sabi. Hindi ko alam kung bakit ko na sabi yon pero feeling ko kailangan

Lumingon siya sakin at bahagyang ngumiti. "Huwag mo na muna gamitin ang kakayahan mo na yan hanggat hindi mo pa kabisado, ayokong napapahamak ka, maliwanag ba?" Bilin niya sakin. Napaangat naman ako ng tanunging niya ako

"O-oo" matipid kong sagot

Ilang minuto din kaming nag hintay bago dumating ang mga kasamahan namin. Nakikita ko sa mata nila Abi At Jasmine ang pang aasar, siguro ay kasama ko si Ian kaya ganon. Pumasok na kami sa Van at isinarado yon para pag usapan ang mga nakuhang impormasyon.

"Sandali" pigil ni Ian na pinagtakan namin. "Abi, kaya mo bang balutan ng Yelo ang buong Van para hindi marining sa labas ang pag uusapan natin?" Pagpapatuloy niya

"Sige itry ko, ngayon ko lang kase gagamitin to" sagot naman ni Abi. Nakatingin lang kami sa kanyan at hinihintay ang gagawin niya. Idinikit niya ang kamay niya sa Van. Unti unting gumapang ang yelo sa paligid nito hanggat makasiguro na nalagyan na ang bawat sulok. Medyo nilamig naman ako

"Ano ang nakalap ninyo Jasmine at Jake?" Tanong ni Ian sa kanila

"Halos wala kaming nakuha dahil takot ang mga tao dito na magsalita, gawa mo na ding palitan ang anyo ko para makuha ng impormasyon pero wala talaga" sagot ni Jake sa kanyan. "Pero si Jasmine may konting nalaman"dagdag pa nito

Tumingin kami kay Jasmine, muka naman naintindihan niya ang ibig sabihin ng tingin namin. "May sinabi ang mga hayop na nakausap ko, may sumusugod daw na black Trees at Black Animals dito, sila daw ang dahil kaya nag kakaganito ang bahay na to" sabi ni Jasmine samin. "Isang taong ibon, yan daw ang nag gagala dito" dagdag pa niya

Iyon din ang sabi ng babaeng nakausap ko kanina, iyon ang lumusob sa kanyan at sa iba niyang kasama.

"Kayo, Abi at Migs?" Tanong ni Ian sa kanina.

"Wala ding idea ang mga tagapagbantay ng bayan na ito, maski sila ay nagtataka kung bakit dumadami ang nagkakaganito sa bayan nila" sagot ni Abi. Mukang maingat talaga ang nga kalaban.

"Isa lang ang nakikitang kong dahil kung bakit madaming kaso dito sa bayan ng Reshan, kulang ang siguridan nila dito, hindi sapat para maserbisyuhan ang buong bayan" paliwanag ni Migs samin. Isa nga siguro iyon sa dahilan kung bakit madaming kaso dito

"Iyo ni Alivia, anong nalaman ninyo?" Tanong ni Jasmine samin ni Ian.

"Si Alivia ang may alam" sagot ni Ian sabay tingin sakin. "Sabihin mo samin ang nalaman mo" dugtong niya

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now