Ikadalawampu't tatlong Hiwaga

29 5 0
                                    

Pasensya na talaga sa mga typo hindi ko mapigilan eh, ewan ko ba kung bakit pero siguro sa sobrang excitement sa scene hindi ko na nacheck kung na tatypo na ba ako, pero kung may hindi kayo maintindihan free naman mag tanong HAHAHA. Thank you sa mga nagbabasa at magbabasa palang(^v^)

----*----

Alivia' POV

Alivia, mag concentrate ka, kailangan mo tong gawin. Itinitry kong pasukin ang isip ni Ian kahit na wala siya dito. Alam ko namang nagagawa ko lang yon kung nakikipagtitigan ako pero wala naman sigurong masamang mangarap na magagawa ko yon diba.

Nakahiga ako ngayon sa kama at hindi makatulog. Ito nalang talaga ang tanging paraan. Ipinikit ko ang mata ko at nag focus, iniisip lang si Ian. Please gumana ka kahit ngayon lang.

Mga ilang minuto na ang nakakalipas ng medyo may naaaninag nako hanggang sa luminaw ang lahat. Parang bang nag balik lahat ng alala ko sa lugar na to, lahat ng masasayang alala namin. Nandito ako ngayon sa school na pinag aaralan ko dati noong nasa mundo pako ng mga tao. Ito ba ang settings ng pananginip ni Ian ngayon?

Naglakad lakad ako, dinama ang bawat segundo, sarap sa pakiramdam na nabalikan ko ang lugar na ito kahit dito lang. Naglakad lakad ako para hanapin si Ian. May mga estudyante naman dito sa panaginip niya kaya hindi din nakakaboring. Nag iisip ako kung saan ba tatambay yon dito. Makailang ulit ako nag paikot ikot sa campus pero hindi ko siya makita. May lugar na biglang pumasok sa isip ko. Sa classroom!

Dali dali akong tumakbo papunta sa classroom ko dati. Malayo talaga ang classroom namin, minsan nga ay nalalate pa kami ni Abi. Biglang pumasok sakin ang mga alaalang magkasama pa kami dito ni Abi yung panahong naaalala pa niya ako

Sa sobrang excite agad akong nakapunta sa room namin dati, wala akong naabutan dito. Saan ka na ba kase Ian, bakit ayaw mong mag pakita.

"Anong ginagawa mo dito?" Napapitlag ako sa gulat ng may mag salita mula sa likod. Ang tono ng boses niya, ang aura na nararamdaman ko mula sa likod ko, hindi maaakila na siya nga nito. Agad akong lumingon sa likod. Naka black hoodie jacket siya na lagi naman niyang suot, nakatingin nito habang nakakunot ang noo

"Ian..." Panimula ko. Hindi ko alam kung saan sisimulan. Bakit ba parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya para maging ganito ako. "Ano kase eh..." Hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko

"Ginagamit mo nanaman" walang buhay niyang salita.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha?" Naisagot ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang tinitikoy niya

"Makasarili ka" salitang binitawan niya bago mag lakad palayo. Para bang may kung anong bagay ang tumusok sa dibdib ko, ang sakit na yon, para bang ano mang oras ay mapapaluhod ako sa sakit

Hindi pa man siya nakakalayo ng mag salita ko. "Sorry" malakas kong sabi sa kanyan na kinaistatwa niya. Nanatili lang siyang nakatalikod. "Ian, please ayusin natin to, ayoko ng ganto tayo, nahihi—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng humarap siya sakin. Ang mata niya na puno ng mag aalala

"Makasarili ka! Hindi mo kami iniisip! Hindi moko iniisip!" Boses ni Ian ang umaalingaw ngaw sa buong pasilyo. Masakit ng sinasabi niya na may side din na hindi maintindihan. "Ang sabi ko wag mong gamitin! Napakatigas ng ulo mo! Pano kung may mangyari masama sayo! Ano, hindi mo nako kailangan!? Pano kung ma—" natigilan siya ng bigla ko siyang niyakap.

Hindi ko alam pero yon ang gusto kong gawin, gusto ko lang siyang yakapin, gusto kong iparamdam sa kanyan na miss na miss ko na siya. "Sorry... Ian... Sorry..." Yan lang ang salitang aking mga sinabi. Naramdam kong mas kumalma na siya. Nanatili lang akong nakayakap dahil ayokong makita niya ang mga luhang lumalaglag sa mata ko.

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now