Ika-30 na Hiwaga

23 3 0
                                    

Alivia's POV

Nasa harapan nako ngayon ng office ni sir Jeff, balak ko ng magpaalam ng maaga para makauwi rin agad agad. Kakatakot na sana ako ng may tumawag sakin.

"Alivia!" Napalingon ako kung sino yon. Hingal na hingal na tumatakbo papunta sakin ang dalawa, si Abi at Jasmine. Ang kulit talaga ng dalawa na to, gusto talaga nilang sumama.

"Bigla... Bigla ka namang.... Nawawala sa dorm" hingal na sabi ni Jasmine. "Samahan ka namin pagpaalam kay sir" nakangiting sabi naman ni Abi at pinipigan ang hingal. "Tara na" akmang bubuksan niya ang pinto ng pigilan ko sila.

"Ako na, dito nalang kayo. Ako na pagpapaalam sa inyo" sabi ko sa kanina. "Hintayin ninyo nalang ako dito" nakasibangon na umupo ang dalawa sa waiting area ng office.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto ng office ni sir. Naabutan ko siyang nakaupo at nagsusulat sa lamesa niya. Napalingon na siya sakin. "Oh Alivia, ikaw pala" bungad niya sakin.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng opisina ni sir. Ang daming picture frames na nakakabit sa dingding niya at iba't ibang muka din ang mga nandon. "Sila ang mga nauna sa inyo" sabi ni sir kaya naagaw niya ang atensyon ko. "Sila ang mga daming Class Eye katulad ninyo" dagdag pa niya.

Ang dami na palang nauna samin at nakakamangha sila. "Nasaan na po sila" tanong ko na hindi manlang tumitingin kay sir. Gusto ko kaseng makita isa isa ang mga nandito.

Ilang segundo ding natahimik si sir bago mag salita. "Wala na silang lahat" natigilan ako sa pag iikot at pag tingin sa mga litrato ng sabihin ni sir iyon. "Lahat sila at patay"

Mygad... Kung titignan mo ang mga nasa litrato ay halos kasing edad lang namin sila. Seryoso ba si sir?. "At iyong nasa gawi na yon" turo ni sir sa picture frames na nasagawi ng pinto. "Sila ang huling batch bago kayo"

Dalawang lalaki, tatlong babae ang nakita ko sa mga litrato. "Taon taon may halos may pinapakilala kaming Class Eye at taon taon din, nawawala sila" dama sa boses ni sir ang lungkot.

"Sir... Sorry..."hindi ko alam kung bakit ang nag sorry pero feeling ko makakagaang ng loob ko yon dahil sa mga nalaman ko.

"No.. Ayos lang, sasabihin ko na rin naman sa inyo yan, napaaga lang sayo" pinilit niyang ngumiti. "Look" turo niya sa isang parte ng ding ding na nakakabit ang picture frames na wala pang laman. "Diyan ko ilalagay ang mga litrato ninyo" matipit padin nakangiti si sir.

"Sir naman, isasama mo kami sa mga wala na, grabe kayo samin ha" biro ko kay sir. Natawa naman siya ng kaunti. Umupo na ulit siya sa upuan niya.

Nag ikot ikot muna ako. Napalingon ako sa picture frames malapit sa lamesa ni sir. Limang lalaki at isang babae. Siya lang ang babae sa batch nila? "Sir pag ilang batch po sila?" Turo ko sa picture frames na tinitignan ko.

"Sila ang pinaka una" sagot ni sir.

Wow! sila pala ang pinakauna. "Talaga pong isa lang babae sa batch nila?" Tanong ko ulit.

"Bakit ka nga pala nagpunta dito?" pag iiba ni sir ng usapan. Magpapaalam ka na uuwi ka?" Medyo nagulat ako ng sabihin si sir yon. Medyo natawa siya sa reaksyon ko. "Nagpadala ng ibon si Jasmine kanina at may sulat don, kaya ko nalaman"

Haynako! Talaga naman yung dalawa na yon, inunahan pako! "Sir pwede po ba?" Tanong ko.

"Sige, pero isasama mo ang buong Class Eye"

"Sir bakit lahat sila..." Reklamo ko

"Delikado na umalis pag isa, mas mainan na magkakasama kayong lahat dahil alam kong mapoprotektahan ninyo ang isa't isa" paliwanag ni sir. So ayon wala na rin naman akong magagawa.

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now