Ikadalawampu't apat na hiwaga

26 6 0
                                    

Alivia's POV

"Hindi kita iiwan, hanggat kaya ko... hindi kita iiwan, saakin ka lang at sayo lang ako"

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Ian, ewan ko kung bakit pero parang bang may mystery at hidden message yung sinabi niya, hindi ko lang malaman kung ano pero gusto kong alaman. Baka naman wala, nag iisip lang ako ng masama. Oo tama walang ibig sabihin yon.

"Hija, ayos ka lang ba?" Bumalik sa realidad ang lumilipad kong isip ng tanungin ako ng matandang babae. Siya yung matandang babae na nakausap namin noong unang misyon.

Ganon pa din ang sitwasyon nila, kasama pa din niya ang apo niyang hindi makakilos at makagalaw. Gustong gusto kong tulungan sila pero hindi ko alam kung pano.

"Opo.... May iniisip lang" matipid ko siyang nginitian. Medyo natatakot akong madikit sa kanya kase baka mamaya kung ano nanaman ang makita at sabihin niya. Isa pa din yon sa iniisip ko, kung ano ang ibig sabihin sa mga sinabi niya noong nakaraang misyon. Ang dami ko ng iniisip!

Ngumiti naman to sakin. "Hinihintay ulit namin kayo na dumating dito, alam naming mas madami pa kayong matutulungan, hindi kami nawawalan ng mag aasa ng aking apo" medyo napakunot ang noo ko sa sinabi ng matandang babae. Matutulungan? Wala pa kameng natutulungan.

Tinignan ko si Ian na nasa tabi ko at kinunotan ng noo, may hindi ba kayo sinasabi sakin?. "Noong nakipaglaban tayo sa black tree at napatay mo yon ay may lumabas na ball of magic, yon ang ilan sa mga kapangyarihan na nakuha nila, kinuhan namin yon at ibinalik, hindi mo na nakita dahil nawalan ka ng malay non" paliwanag sakin ni Ian. Naliwan nako ngayon. Wala nga palang kakayahan na gamitin ng black tree ang nakuha nilang kapangyarihan kaya hindi ko na nahalata na may dala pala siya. "Alam na nila na Class Eye tayo kaya hindi nanatin kailangan magtago ng identities" bulong sakin ni Ian. Ang dami palang nangyari noong nawalan ako ng malay

Nagulat kami ni Ian ng may umalingaw ngaw mula sa bulsa namin, Ang Emergency Device. Dali dali naming kinuha sa kanyang kanyang bulsa at tinignan yon. Umiilaw ang pangalan ni Jasmine. Kailangan ng tulong ni Jasmine!. Agad naming binaliktad ang Emergency Device at tinignan ang screen na nandon, doon malalaman kung nasaan si Jasmine.

"Kakaibang bagay" makikita sa mga muka ng tao dito sa clinic ang pagkamangha sa nakikita. Hindi nga pala nila alam ang mga bagay na ganto. Pinasadya lang daw ito para sa mga Class Eye ayon kay sir Jeff.

"Babalik po kami, kailangan po ng tulong ng kaibigan namin" paalam ni Ian at agad agad hinawalan ang kamay ko at hinila palabas. Nakasalubong namin si Ginoong Floreñio. "Panatilihin pong nasa loob ng mga bahay ang mga tao at wag papalabasin hanggat wala kaming hudyat" humahangos na sabi ni Ian kay Ginoong Floreñio, tumango ito bilang sagot.

Tumakbo na ulit kami ni Ian kung saan tinuturo ng Emergency Device ang kinaroroonan ni Jasmine. Takbo lang kami ng takbo ng mapansin namin si Jake, hingal na hingal to at kita sa muka niya ang pag aalala

Lumapit siya samin, huminga muna bago mag salita. "Nakita ninyo na si Jasmine? Bakit ba naman kase ako pumayag na mag hiwalay kami" kinatok katok niya ang ulo niya na parang sinisisi ang sarili. Nag aalala talaga siya kay Jasmine.

Tinigil ko ang kamay niya at pinakalma. "Walang mangyayaring masama kay Jasmine, tara na" muka namang kumalma siya ng konti. Dali dali na din kaming pumunta sa kinaroroon ni Jasmine.

Nag matanaw nanamin si Jasmine, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, namamangha ako na nag aalala. Nakasakay siya sa kabayo habang kinokontrol ang isang leon na nakikipaglaban sa Black tree, lakas din ng kapangyarihan niya.

Dali dali na kaming lumapit kay Jasmine. Nang mapansin niya kami na padating, parang gumaang ang pakiramdam niya. "Buti naman dumating na kayo, kanina pa ko sinusugod ng letcheng puno na to" alam kong kinakabahan niya pero ayaw lang niyang ipahalata.

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now