Ikadalawampu't walong Hiwaga

32 3 0
                                    

Alivia's POV

Puno ng iba't ibang ilaw at palamuti ang napakalaking field ng Luna Academy. Sa ganda ng pagkakaayos na to ay aakalain mo talagang may halong mahika ang lahat. Maya maya lang ay sasalubungin ng lahat ang Solar Eclipse na magaganap pag patak ng alas dose ng hapon kung saan mag aagawan ang dilim at liwanag.

"Class Eye?" Tanong ng isang babaeng organizer daw ng event, si Shine.

"Oo kami, may problema ba?" Mataray kong sagot sa kanya. Pasalamat siya at may event ngayon, kung hindi baka kung ano na nagawa ko sa kanyan.

Naramdaman kong hinawakan ni Ian ang kamay ko. "Chill ka lang at Ienjoy ang event, hindi naman ako mawawala sayo" sabi nito sakin na sakto lang para ako lang ang makarining.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Subukan mo lang tumingin sa kanya, tatalupan kita ngayon" pagbabanta kong sabi sa kanyan.

Natawa ito ng mahina. Bakit ba ang cute niya pag tumatawa at nakangiti, yung parang mawawala lahat ng inis mo. "Isa lang naman gusto kong titigan... Ikaw lang Alivia, ikaw lang sapat na"

Nag iinit yung muka ko at feeling ko namumula na rin to. Kainis mag pakilig to, wagas. "Siguraduhin mo" sinubukan kong pigilan ang ngiti sa labi ko pero hindi ko kaya, ayaw na wala yung ngiti na ginawa ni Ian.

So ayon, sumunod kami don sa impaktang Shine. Ewan ko pero ang init ng dugo ko sa kanya, feeling ko kase ano mang oras mawawala sakin si Ian. Si Ian nalang ang taong alam kong komportable ako at pakiramdam ko kay safe na safe ako, ayoko siya siyang pakawalan.

Naupo kami sa isang table na nakalaan talaga samin. Akmang tatabi sakin si Migs pero inunahan siya ni Ian. Pupunta na sana siya sa kabilang side para tumabi sakin pero naunahan siya ni Abi. Natawa ko ng mahina.

"Hoy lalaki, dito ka sa tabi ko, diba ako ang date mo ngayon at wala ka namang magagawa don" sabi ni Abi kay Migs. Walang nagawa ito kundi sundin si Abi.

"Aray!!" Napalingon kami sa pwesto nila Jasmine at Jake. Hawak hawak ni Jasmine ang tenga ni Jake at parang pinipingot ito.

"Ako na ang date mo pero kung saan saan ka pa nakatingin! Umayos ka!kung hindi tatanggalin ko yang mata mo at ibibigay ko sa ibang babae dito" matapang na bulyaw ni Jasmine kay Jake. Nakakaawa yung mga lalaking to samin, HAHAHA.

"Oo na, tama na! Masakit!" Reklamo ni Jake. Tinanggal na din ni Jasmine ang kamay niya sa tenga nito.

Napansin kong nakatitig sakin si Ian. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka ganyang makatingin ha!" Medyo masungit kong sabi sa kanyan.

"Sayo lang ako titigin diba, baka mamaya kunin mo din mata ko" nakangiti nitong sagot sakin.
Hinampas ko naman siya ng malakas sa braso. "Aray!" Tsaka niya hinawakan ang braso at hinimas himas ito. "Masakit yun ha!" Reklamo nito

"Eh bakit ba! Kinilig ako eh!" Kita ko ang gulat sa muka niya. Maski ako kay nagulat ng mapagtanto kung ano ang sinabi ko.

Iniwasan ko siya ng tingin. Tinuon ko ang atensyon ko sa iba. Kahit kailan talaga pahamak tong bibig ko. Kahit anong gawin kong iwan ay nahahalata ko pa din na nakatitig siya sakit at nakangiti. Kainis, hindi ko na maikakaila na hulog na hulog nako sa kanya.

"Magsisimula na ang ating palatuntunan" dinig namin sabi ng Emcee

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil natuon ang atensyon nilang lahat sa emcee pati na rin si Ian, kanina pa kase siya nakatingin sakin, baka hindi ko mapigilan yung kilig na nararamdaman ko.

Sinimulan ng ipakilala ang mga gulo na nagtuturo dito sa Academy. Naglalakad sila sa red carpet at pumupunta sa nakalaan nilang upuan sa stage.

"Ang pinuno ng board of Magic, Alezandra" nagpalakpak ang lahat. Siya yung nakita namin ni Migs kung kumuha ako ng kapangyarihan, isa si daddy sa member nila. Bigla akong natigilan ng tumingin siya saamin, may iba akong naramdaman.

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now