Ikasiyam na Hiwaga

18 7 0
                                    

Alivia's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakaharap sa salamin, kaya ko ba to?. Nakasuot ako ngayon ng White dress with gold elbow cut gloves. Ito pinasuot sakin ni mommy dahil ayaw daw niyang matatalbugan ako ng mga anak ng kumare niya HAHAHA. At syempre ngayon na din nila ako ipapakilala sa lahat. Gusto daw nila ako ipagmalaki na nandito nako na nagbalik nako, bogga diba HAHAHA. Ilang oras nalang, masasabi kong hindi nako normal na tao

Naisip ko na lumabas na ng kwarto at sa sala nalang maghintay. Habang naglalakad ako papunta sa hagdan ay napadaan ako sa kwarto nila mommy at daddy. Narining ko ng uusap sila

"Kailangan nanating sabihin sa kanyan" mahina ngumit mariin na sabi ni mommy. Ano ba yung sinasabi nila?

"Hindi pwede, kailangan niyang mag focus ngayon, hindi makakatulong na guluhin natin yung isip niya ngayon" sagot naman ni daddy. Napatakip ako ng bibig, ako ba yung pinag uusapan nila?

"Pero..."

"Mahina pa siya, hindi pa niya kaya. Sasabihin natin sa kanyan kapag sigurado na tayo na kaya na niya ang sarili niya" muling paliwanag ni daddy kay mommy.

Maingat akong naglakad palayo sa kwarto nila. Ano ba yung pinag uusapan nila? Ano yung dapat malaman?. Nanatili akong nakaupo sa sofa habang tahimik na pinag mamasdan sila. Nag kakagulo sa bahay dahil mangyayari ngayon araw. Inuutusan nila ang mga kasambahay namin na mag luto ng madami para sa pagdating namin mamaya. Busy din sila pag gayak, madami daw kaseng importanteng tao na nandoon at ayaw daw nilang mapahiya ang pamilya namin.

Masasabing isa kami sa pamilya maimpluwensya dito sa bayan ng Alviña kaya ganon na lang sila kaaligaga sa mga bagay bagay. Kaya rin siguro hindi ako nadadalaw madalas nila mommy noong naninirahan pako sa mundo ng tao eh ito ang pinag kakaabalahan nila. Naikwento din nila sakin na kasama si daddy sa board of magic. Malaki daw ang hirap na napagdaan ni daddy mapasama lang sa grupo na yon

"Alivia!" napitlag ako ng sumigaw si mommy. "Kanina pa kita tinatawag bakit ayaw mo sumagot. Oh sya lumabas kana at sumakay sa van, mahigit isang oras ang byahe natin" dagdag na nito

Tumango nalamang ako at naglakad palabas. Nakita ko ang isang van, pagkabukas ko nito tumambad sakin ang isang magarang ayos nito. Sa loob nito ay makikita ang isang mini kitchen, may mini ref at may aircon din, kasya lang ito sa anim na katao, masasabi kong kahit dito lang ako ay mabubuhay ako at pwede pa mag travel, bongga

Dali dali akong pumasok sa loob ng van at pinakialaman ang mga nandon, hihihi. Umupo ako sa pinakadulong upuan habang manghang mangha pa din sa mga nakikita. Napansin ko ang isang mini cabinet, binuksan ko iyon. Tumambad sakin ang napakadaming chichirya, omg tagal ko ng di nakakakain ng chichirya. Dali dali akong dumukot ng isang balot at umupo ulit. Hah? Anong chichirya to? Hindi ko naman kilala to, walang bang nachos manlang. Hindi ko mabasa kung anong pangalan ng chichirya nato basta kakaiba siya, pero siyempre pakialamera ako kaya titikman ko to

Pagkabukas ko ay nangamoy ang aroma ng keso.. Ay wait.. Anghang naman ang naamoy ko... Basta ang dami niyang amoy pero na gusto ko pa din tikman. Kumuha ako, muka naman siyang masarap, sinimulan ko ng nguyain. Wtf. Purgapa wala naman siyang lasa! Para akong kumain ng tubig na ginawang chips. Hanggang amoy lang pala to, walang kwenta. Inilagay ko na ulit yon sa cabinet

"Oh anak, na gustuhan mo ba tong sasakyan natin" nagulat nalang ako ng sumulpot kung saan si daddy. Magkakasakit ata ako sa puso dito sa mundo nato, lahat ng tao napakahilig manggulat

"Opo naman dad, napakaganda nito" tugon ko naman sa kanya at sabay ngiti.

Nandito na kaming lahat si lola nalang ang hinihintay. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa may binta at ipinikit ang mata. Tagal naman ni lola. Narinig kong bumukas ang pinto ng van at inaasahan namin na si lola na yon kaya hindi nalang ako dumilat. Habang nakapikit ako may pamilyar na boses akong marining

"Mr and Mrs. Vergara, pwede ba akong sumama sa inyo? Nais ko lang nasa mapanood si Alivia" tanong nag isang lalaki. Migs? dali dali kong minulat ang mata ko at inayos ang upo. si Migs nga. Malaki pa din ang ngiti nato

"Oo naman, tabihan mo na si Alivia doon para may makausap naman siya sa byahe at hindi mabagot" pagpayag ni mommy. Magkatabi talaga kami? Laki talaga ng tiwala nila sa lalaking to. Maya maya din ay dumating na din si lola. Nagsimula na din ang aming byahe, si dad ang nag mamaneho

"Kamusta kana" nawala ang aking pagkatulala ng tanungin ako ni Migs

"A-ayos lang" medyo na utal kong sagot. Bakit ako na uutal? Umayos ka Alivia ha!

"Kinakabahan kaba?" tanong niya. "Wag ka ng kabahan. Hindi naman mahirap ang gagawin basta ang lagi mong tandaan na ang laging masusunod ay ito" tinuro niya ang puso niya. Napangiti nalang ako dahil mag kaparehas kami ng prinsipyo sa buhay, na mas maganda ang isang bagay kung gusto ito ng puso natin. "Ang ganda mo ngayon" dagdag pa nito. Bolero talaga tong lalaking to

Nanatili lang akong tahimik sa byahe, hindi ko magawang kausapin si Migs sa hindi malamang dahil, baka nga kinakabahan lang ako.

"Meron diyang mga chips kumain kayo, halos kalahating oras pa ang byahe natin" nilingon kami ni lola at sinabi iyon. Ang pwesto kase namin dito sa van ay katabi ni mommy si daddy habang nag mamaheno sa sumunod na upuan nakaupo si lola, wala itong katabi. Mas minabuti nila na mag katabi kami ni Migs para hindi ako mabagot

"Oo nga Alivia, nais kong ipatikim sa iyo ang mga produktong gawa dito" pagsang ayon ni Migs. Kumuha siya ng chips sa kabinet. Mabuti nalang ay naidulo ko ang nabuksan kong walang lasang chips. Binuksan ni Migs ang chips, kamuka iyon ng tinikman ko kanina

"Dali tigman mo, masarap to pangako" inalok niya ang chips sakin. Ayoko naman sabihin na natikman ko na yan at nakakasuka ang lasa kase nga walang lasa, mygad

" Ayos la—"

"Sige na kahit isa lang" kainis naman to si Migs eh dinadaan sa killer smile niyang pafall. Oy marupok ako hahaha

Kumuha ako at kinain iyon. Ganon pa din lasang tubig na ginawang chips, eww kadiri talaga yung lasa!

"Wala namang lasa" sabi ko sa kanya. Natawa naman siya. Anong nakakatawa don

"Ganon talaga yan, sa una walang lasa pero hintayin mo magkakalasa yan. Isa lang muna ang kain mo dahil baka hindi ka pa sanay sa anghang nito" wtf maanghang to? Maya maya ay nararamdaman ko ang init sa dala ko. feeling ko ng aapoy yung dila ko. Napaka anghang!

"Tu-tubig! Ang anghang!" dali daling kumuha si Migs ng tubig at ininom ko iyon. Napaka anghang naman na yon. Nakita kong tumawa silang lahat. Kaasar

Habang umiinom ako ay tumingin nalang ako sa bintana at tinignan ang mga dinadaan namin, medyo magubat na to. Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong tubig ng makita ang isang napakalaking pader na nasa harapan namin. Tuloy tuloy pa din ang pag mamaneho ni daddy. Hindi ba niya nakikita na mababangga kami!

"Daddy! May pader sa dadaan, mababangga tayo!" sigaw ko. Pero parang niwalang bahala lang nila ito. Malapit na kami, ito na ba ang katapusan ko

"Ahhhhhhh!" sigaw ko at ipinikit nalang ang mata. Ayokong makita ang pagkamatay ko

Nanatili pa ding nakapikit ang mata ko. Wala akong naririning na kung anong ingay. Patay na ba ako?

"Imulat mo na ang mata mo, walang nangyari masama" salita ni Migs. Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Namangha ang sa mga nakita ko, isang maunlad na lungsod ang nakikita. Nag tataasang build at makukulay na ilaw. Para itong manila pero mas maayos at maganda ito. Dumadaan pala kami sa isang mahabang tulay. Ang tubig sa ibaba ng tulay ay sobrang linis at kumikinang dahil sa pagtama ng liwanag ng araw

Nanatili pa ding mangha ang muka ko ng hindi ko namalayan na nakasandal pala ako sa dibdib ni Migs. Kase naman natakot kaya ako sa nangyari kanina. Dali dali akong umayos ng upo. Nakita kong maski siya ay nagulat sa inasta ko, hindi ata siya sanay

"So-sorry" mahina kong sabi sa kanyan. Hindi ata ganto ang mga babae dito. Luh baka isipin niya malandi ako, nooo!

Ilang minuto na weird ang atmosphere namin ni Migs. Bakit ko ba naman kase naisip na iyukyok yung ulo ko sa katawan niya eh halos kakikilala lang namin sa isat isa. Very wrong!

"Nandito na tayo" sabi ni daddy na sanhi ng pagkabasag ng weird atmosphere namin ni Migs. Thank you dad, love you haha

Humingi ang ng malalim bago bumaba sa van. Ito na to, sa ilang saglit nalang, masisigurado na ang pagkakakilanlan ko sa mundo nato. Masasabi kong isa na kong ganap na taga rito

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now