Ika-32 na hiwaga

11 3 0
                                    

Alivia's POV

Nagising ako dahil sa mainit na liwanag na tumatama sa muka ko, alam ko na agad na araw ito kaya minulat ko na ang mata ko. Laking gulat ko kung nasaan ako, nasa dorm nako ng school namin. Pano ako nakabalik dito?

Uupo na saan ako galing sa pagkakahinga ng marinig ko ang doorknob na tumunog, may papasok. Agad ulit ako pumigit at nagpanggap na tulog, alam kong si Abi at Jasmine ang papasok, dahil sila lang naman ang may susi ng dorm namin.

"Tulog pa din siya?" Bungad agad ni Jasmine pagkabukas ng pinto.

"Normal lang daw yon sabi ni sir" sagot naman sa kanya ni Abi. Namiss ko bigla yung mga boses nila.

"1 week na siyang tulog, normal na tulog pa din ba yon" muling tanong ni Jasmine. O.MY.GAHD. ONE WEEK NAKONG TULOG?! WHY?!!

"Alam mo naman yung nangyari sa kanya, pabayaan mo muna para makabawi ng lakas" muling sagot ni Abi sa kanya.

Shocks pa din ako sa narinig sa kanila, di ko akalin na one week na pala akong tulog?!. Wala din akong maalala sa mga nakaraang nangyari, ang natatandaan ko lang ay papunta kami sa bahay namin.. Tapos....

"AHHHHH!!!!" matinding sakit ng ulo ang naramdam ko kaya napasigaw ako.

"Alivia! Gising na siya!" Sigaw ni Jasmine.

"AHHHH!!!" tuloy ang pagsigaw ko dahil sa nararamdam ko.

"A-anong nangyayari sa kanyan?! Bakit ganto naman yung bungad niya satin" nagpanic na sabi ni Abi.

Matindiing sakit ng ulo ang nararamdam ko, hindi ko alam kung bakit nangyayari sakin to. Maya maya ay may mga imahe at sinaryo na lumalabas sa isip ko.

"OO! IKAW ANG ISA DON! IKAW! IKAW ANAK!"

"Oo ikaw ang babaeng sinasabi sa propesiya na tatapos ng lahat, ikaw ang babae magmamahal ng isang lalaki pero isa lang ang matitira sa inyo!"

"Anak natatakot kami na sabihin sa iyo, hindi naming gustong mawala ka o may mawala sa inyo!"

"A-ano pa mommy? Sabihin ninyo na lahat!"

"Ang isa sa inyo ay kailangang mamatay sa piling ng isa sa inyo, pag hindi nangyari iyon, ang tadhana ang pipili kung sino ang mawawala sa inyo! Sobrang hirap sabihin sayo nito dahil hindi gantong kadali patayin ang taong mahal mo para lang mabuhay ang isa sa inyo"

"Ba-bakit ako! Bakit ako pa ang nasa propesiya! BAKIT AKO?!!!" patuloy ang pagpatak ng luha sa mata ko, malalakas na hikbi ang pinakakawalan ko. "Sino? SINO ANG LALAKING TINUTUKOY SA PROPESIYA?!"

"Kilala mo na siya, alam kong kilala mo na siya at alam kong mahal ninyo ang isa't isa" halos hindi nako makahinga ng sabi ni Mommy don. Isa lang ang nasa isip ko.

"Si IAN, si IAN ANG TINUTUKOY SA PROPESIYA"

"Hindi, ayoko, hindi pwede" paulit ulit kong binibigkas ang mga salitang iyan habang panay ang hagulgol.

Bumalik nanaman ang sakit na naramdam ko noong inamin na ni mommy ang lahat ng katotohanan. Sobrang sakit ng nararamdam ko para sakin at para kay I-ian. BAKIT KAMI PA?!!

Ang tagal nag sinungaling at tinago nila mommy ang katotohanan na ito, mas gumulo ang magulo kong buhay ngayon. Sa lahat ng nilalang sa buong mundo bakit ako pa, bakit ako pa ang makakaranas ang sakit na ganito. Kaya ko pa bang lumaban? Kaya ko pa bang harapin ang katotoohan?

Sinong ang magsasakripisyo? Sino ang mamamatay?

°

"Alivia, bangon ka na dyan, kanina kapa umiiyak at nagmumukmok diyan, baka mawalan ka nanaman ng lakas" kanina ko pang naririnig kay Jasmine.

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now