Ikapitong Hiwaga

28 10 0
                                    

Alivia's POV

"Ian! " sigaw ko. Bakit siya nandito? Ang ginagawa niya dito? Katulad ko din siya?pero pano? Tumakbo ako papunta sa kanyan, nang malapit nako ay dali dali siyang umalis. "Ian!" sigaw ko ulit ngumit parang hindi niya ang naririning.

Huminto nako habang tinitignan ang pag layo niya, Ian. Hindi ko maintindihan ngumit muli nanamang pumatak ang mga luha sa mata ko. Posible kayang hindi niya ako na aalala? Hindi pwede! Hindi maaari!

Napagdesisyunan ko na umuwi nalang.
Sa hindi malamang rason ay nasasaktan ako. Bakit ako nasasaktan? Ano ba ako sa kanya? Ano bang meron samin? Wala namang kami? Oo tama walang kami. Pagkapasok ko ng bahay ay sinalubong ako ni lola

"Oh apo bakit ka nanaman umiiyak, may nanakit ba sayo?" tanong ni lola. Naupo kami sa sofa, inutusan din ni lola ang kasambahay na kumuha ng maiinom

"Si Ian, nandito si Ian, pero hindi niya ang pinansin, posible bang kasama ako sa mga nawala sa alala niya?" gulong gulo nanaman ang utak ko ngayon

"Kasabay mo siyang pumasok sa mundo na to, alam kong hindi ka niya pinabayaan" sabi ni lola na mas nagpagulo sakin. Ano bang sinasabi ni lola

Iniibot ni lola sakin ang isang lumang libro na inalikabok na, aanin ko to?

"Diyan mo mababasa ang lahat ng gusto mong malaman sa mundo na to" hiniwakan ni lola ang kamay ko. "Apo maiintindihan mo din ang lahat, ang kailangan mo lang ay intindihin at tanggapin, ngayon ito na ang mundo mo" muli ko siyang niyakap. gumaang ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni lola

Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. Hindi ako sanay na ganitong kaganda at gantong kalaki ang sasalubong saking kwarto. Gaya nga ng sabi ni lola, kailangan ko na tanggapin na ito na ang mundo ko, ang kapalaran ko

Alviña, Shon, Solas, at Reshan yan ang apat na bayan na bumubuo sa mundo na to. Kung pagbabasihan ang estado ng bawat bayan ang Alviña ang pinakamayamang bayan at Reshan naman ang pinakamahirap na bayan. So mayaman kami? Bongga

Masasabing kong wala namang pinagkaiba ang mundo na to sa mundo na kinalakihan ko, yun ngalang hindi kami ordinaryo.

Luna Academy, ang kaisa isang eskwelahan dito. May nag aaral pa sa lugar na to? Anong tinuturo nila? Tsaka bakit Luna Academy ang pangalan ng eskwelahan na yun?

Nanatili akong nakahiga at patuloy na binasa ang libro na ibinigay ni lola, gusto kong malaman lahat ng tungkol sa lugar na to. Habang nagbabasa ako ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko

"May bisita po kayo" nakatungaw na sabi ng isa sa kasambahay namin. Bisita? Siya na kaya yun? Kinakabahan ako. Iniluwa ng pinto ang isang lalaki

"Migs?" yung lalaking ng gulat sakin kanina. Akala ko si... Hayts. Nasaan kana ba? lumapit saya sakin, may dalang mga bulaklak? Omg mangliligaw siya? Oh assuming nanaman ako, HAHAHA

"Gusto ko lang talaga humingi ng tawad sa nangyari kanina, hindi ko intensyon na gulatin ka" sabi niya sabay abot sakin ng mga bulaklak, napakamaralita naman nila dito. Napakaganda naman ng mga bulaklak na to

"A-ayos na yun, wag mo isipin yun" nakita kong umaliwalas ang muka niya. Napaka sincere naman nila mag sorry.

Inaya niya ako na lumabas, ipapasyal daw niya ako para mabilis kong matandaan ang pasikot sikot dito, pumayag naman agad sila mommy, malaki talaga ang tiwala nila kay migs. Habang naglalakad lakad kami ay hindi ko maiwasan na tignan siya. Ang tangos ng ilong niya maputi, matangkad, muka siyang amerikano na may halong pinoy

Nandito kami sa park at nakaupo sa bench, masayang kausap ni migs, palangiti at palatawa din siya kaya mabilis na gumaang ang pakiramdam ko sa kanya. Hawak ko pa din ang bulaklak na ibinigay niya kanina, aba'y baka sabihin naman niya na hindi ko na pinahalagahan yung effort na ginawa niya tsaka bago palang ako dito aarte pa ba ako

"Nahihirapan ka parin ba na tanggapin ang lahat?" naputol ang pag iisip ko ng tanungin ako ni Migs. Nakatingin siya sakin ngayon

"Oo pero kailangan ko ng tanggapin na ito na talaga ako, sa una mahirap pero kakayain ko. Ikaw pano mo tinanggap?" tumingin ako sa kanyan, nakangiti siya. Gwapo naman nito

"Hindi naman naging mahirap dahil dito naman talaga ako pinanganak at lumaki kaya namulat narin ang sa ganitong buhay. Ito ito ko lang din na alam na may iba papalang mundo, gaya ng mundo kung sana ka galing" mahabang paliwanag niya. Kahit kailangan may pagkaboba din talaga ako mag tanong. Oo nga naman siyempre sanay niya kase dito siya nakatira
"Wag ka mag alala tutulungan kita makapag adjust sa lugar na to" dagdag pa niya with killer smile. Nakakarupok naman tong lalaki na to

"Thank you" maikli kong sagot

Naglakad lakad ulit kami. Iginala niya ako sa bayan. Makikita dito ang iba't ibang store, ang yaman nga talaga ng bayan na to. Nadako ang tingin ko sa mga nag lalive show, gamit ang kanilang mga abilities ay nakakagawa sila ng mga kakaibang bagay na nagpapaaliw sa mga tao. Inaya ko si Migs sa isang pet shop upang magtingin tingin doon, agad naman siyang pumayag. Nagmakapasok kami ay tumambad saakin ang iba't ibang hayop.

"Mahilig ka din sa mga hayop?" tanong ni Migs habang pinag mamasdan ang iba't ibang hayop

"Oo laluna na sa aso at pusa" sagot ko naman. Naalala  ko yung pusa na alaga ko noong bata ako, iyon ang unang regalo na hiningi ko kina mommy at daddy na binigay naman nila agad. Minahal ko talaga yun kaso ngalang isang araw ng hina nalang bigla at namatay. Nag iiyak ako dun kaya hindi na ulit ako nagpabili ng hayop. Matagal din kaming nagtingin tingin

"Tara na? Baka nag aalala na din sila mom at dad" aya ko sa kanya. Mabilis naman siyang tumango

"Hindi sila mag aalala hangga't ako ang kasama, safe ka sakin" sa hindi malamang rason ay nag init ang muka ko, kinikilig ba ko? Hala baka makita niyang namumula yung muka ko, ganon pa naman ako kiligin

Naglalakad kami pauwi, ihahatid daw niya ako. Bakit ba ganto tong lalaki na to, nakakarupok HAHAHAHA. Sana ganto lahat ng lalaki, yung may respeto sa babae at responsable

"Nandito na tayo, bukas ulit? Umaga? Pwede ka?" hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng bahay namin. Nakakaenjoy naman kaseng kasama si Migs, makwento at masayang kausap, hindi mo talaga mamamalayan ang oras

"Sige, bukas" sagot ko. Papasok nako bahay ng tawagan ulit niya ako

"Ito oh para sayo" iniabot niya sakin ang isang hungis pusong candy. Omygash. Namumula nanaman yung muka ko, napaka sweet! Saan niya to binili? Hindi ko naman siya nakitang pumili

"T-thank you, ingat ka" mautal kong sabi. Whaaaaaaaa!

Naglakad na siya paalis, kitang kita ko ang malawak niyang ngiti, mukang napakasaya niya. Puso ko!

"Mukang nagkakamabutihan na kayo ni Migs ha, kayo ha" pang aasar ni mommy sakin. Luh pereng tenge

"Mommy!" Malumanay kong sigaw. Tumawa ito ng malakas.

Pumasok na kami ng bahay. Nagpaalam ako na pupunta lang ako saglit sa kwarto at baba din agad para mag hapunan. Pumasok nako sa kwarto at ipinababa ang candy at mga bulaklak sa mesa ko. Ito na talaga ang mundo ko

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang