Ikalabing pitong Hiwaga

19 8 5
                                    

Alivia's POV

Ang laki naman ng dorm namin. Meron tong sariling Cr, kusina, at may tatlong kama na king size. Para talaga itong isang  bahay na sakto lang sa tatlong tao.

"Para saan to?" naagaw ng atensyon ko ang hawak hawak ni Abi. Pumunta ako sa kanyan para makita yon

Meron tong red na ilaw at red botton. Para saan to?. Habang sinusuri namin na pansin ko ang papel katabi ng dalawa. Kinuha ko yun

"Ito pala eh, may note ni sir Jeff" sabi ko sa kanina at binuksan ang sulat. "Isa palang emergency device, at ayon pa dito sa note ni sir, ang red light na iyan ay sa tuwing kailangan niya tayo, kapag daw umilaw at tumunog ng dalawang beses ay sa Classroom, kapag isang beses lang ay sa training room" pagbabasa ko sa note ni sir

"Eh para saan naman itong red botton?" tanong ni Jasmine. Agad kong binasa ang ilan pang nakalagay sa note

"Emergency botton, sa tuwing nangangailangan tayo, tatlo iyan kaya tigi tigisa tayo" dalidali nilang kinuha ang kanina. Inilapag ko ang akin sa kama ko

Naglibot ako sa buong dorm hanggang sa mapadaan ako sa malaking bintana namin, hinawi ko ang kurtina at sumilip doon. Kitang kita ang kabuoan ng Luna Academy at mga estudyante nito na masayang nag kukwentuhan at nag aaral. Wala pa rin naman pala itong pinag kaiba sa normal na paaralan, yun ngalang may halong magic.

"Alivia!!!" sigaw ni Jasmine at Abi sakin. Napalingon ako kanina, hawak nila anv emergency device

"Oh anong meron?" dalidali akong pumunta sa kanina. Ipinakita nila ang emergency device at may umiilaw doon. Kinuha ko ang sakin at tinignan iyon

Umiilaw ang isang red botton at sa ibaba noon ay may pangalan na nakalagay, si Jake. "Bakit naman kinakailangan ng tulong ni Jake?" pagtataka kong tanong sa kanila. Maski sila ay hindi alam ang sagot

"Baka tinatry lang ni Ja—" hindi na natuloy ni Abi ang sasabihin niya ay biglang nanlaki ang mata niya

"What?!" tanong ko

"Palagay ko may rambol na nagaganap sa dorm nila" hinala ni Abi. Bigla ko ding na realize na kung kaming mga girls ay magkakasama malamang ganon din ang mga boys

"Tara na! Alam ko kung saan dorm nila" Aya ni Jasmine at dalidali naman kaming sumunod sa kanyan. Medyo may kalayuan pala ang dorm nila kase nagkahiwalay ang dorm ng babae sa lalaki

Nagmakarating kami sa building nila, hinarang kami nung guard. "Kuya kailangan namin makapunta sa dorm ng mga kaibigan, nagmamadali kami" sabi ko kay kuya guard

"Hindi pwede" seryosong sagot nung guard

"Manong, nagpapatayan na yung nga kaibigan namin doon, kaya kung ako sa inyo papapasukin mo kami, Class Eye kami" Sabi ni Abi. Pero umiling padin yung guard.

Tinignan ako ni Abi at Jasmine. Anong bang tingin yan?. "W-what?" tanong ko sa kanina

"Gawin mo na" sabi ni Jasmine. Agad ko naman na gets yung sinasabi niya

"Pero..."

"Dali na! Kung gusto mong may mabutan tayong buhay gagawin mo na" Sabi ni Jasmine sakin. Huminga ako ng malalim bago ko gawin

"Sorry talaga kuya ha, ayaw mo kase pumayag" huli kong sabi kay kuyang guard. Nag focus ako sa mata niya. "Papasukin mo kami" Utos ko sa kanyan. Agad niyang binuksan ang gate

"Thank you kuya!" masayang sabi ni Abi. Dalidali kaming tumakbo patungo sa dorm ng boys. Nagnasa pinto na kami ay rinig ang ingay mula sa loob kaya dalidali naming binuksan ang pinto. Mabuti naman at bukas

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now