Ikalabing anim na Hiwaga

17 5 0
                                    

Alivia's POV

Kagaya nga ng pinag usapan kanina, nagkita-kita kami sa first floor sa may portal. Lahat ng mapapadaan doon na ibang estudyante ay nagtitinginan samin, yung iba ay parang na hihiya na dumaan at yung iba naman ay harapan kung tumingin ng masama

"Anong problema nila" Pabitch kong tanong sa mga kasamahan ko. Naiilang na kase ako sa tingin ng iba samin at yung iba apura irap. Kung siguro nakakaalala si Abi kanina pa niya pinagsasabunutan yung mga yan

"Oo nga eh, naiilang nako tapos yung isa na yon kanina pa nakatingin ng masama satin"sabi ni Abi sabay turo niya sa isang babaeng nakatayo sa di kalayuan. Yung babaeng bruha kanina nang ayaw kay Jasmine

"Masanay na kayo, ganyan kapag parte ka ng Class Eye, madaming naiinggit pero hangga't hindi kayo sinasaktan wag ninyo nalang patulan" paliwanag ni Migs samin. Mas madami nga pala siyang alam sa mga ito kaysa samin, dito ka ba naman lumaki diba

Habang hinihintay namin si sir Jeff ay may bigla nanamang humila sa braso ko. "Ano ba problema mo Ian? Kanina ka pa hila ng hila!" totoo naman eh, simula dumating kami dito at nag kita kami kanina pa niya ako hinihila papalapit sa kanyan

"Kanina pa nga tumatalon papunta sayo yung puso ko nag reklamo ba ko?" seryoso niyang sabi. Kinilig nanaman ako don.
"Tsaka pwede ba wag kang lumapit sa Migs na yon" dagdag pa nito

"Abay bakit naman?" seryoso lang niya akong tinignan. "Nagseselos ka ba?" tanong ko sa kanyan

"Oo" seryoso pero deretso nitong sagot. Grabe tong lalaki tong hindi manlang siya nag dalawang isip na sagutin yon. Pakiramdam ko na mumula yung muka ko sa kilig at ang init din ng muka ko. Ano bang ginagawa mo sakin Ian!
"Kaya please wag kana lumapit sa kanyan" dagdag pa niya

"Wala kang pake ku—"

"May pake ako kase asawa kita, maliwanag ba" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita. Ano daw? Asawa! Abay iba den, bilis mo boy

"A-anong Asawa ka diyan!" sigaw ko sa kanyan. Napangisi lang siya. Napasin kong nakatingin na pala samin yung mga kasamahan namin. "w-what?" nauutal kong sabi sa kanina. Kase naman yung tingin nila

"Kailan ang kasal?" pang aasar si Jake at ngumiti ng nakakaloko. So ayan na nangangasar na nga sila

"He! Tigil ninyo ko!" pagsusungit ko sa kanila. Ilang minuto lang ay dumating na din si sir Jeff, salamat naman para tumigil na din sila sa pang aasar. Kase naman tong si Ian eh pero parang gusto niya na inaasar ako sa kanya, grrrr!

"Class, nasa classroom ninyo ang mga magulang ninyo at dala ang mga gamit ninyo" panimula ni sir

"Bakit po nila dala yung mga gamit namin?" tanong ni Jasmine. Lahat naman kami ay nagtataka

"Kailangan ninyo mag dorm dito sa school dahil ano mang oras ay kakailanganin kayo" paliwanag nito. "Tara na" aya na nito samin. Isa isa na kaming pumasok sa portal papunta sa classroom namin. May humawak ng kamay ko

"Sabay na tayo" malamig na sabi ni Ian. Hinayaan ko nalang, nakakapagod din naman makipag diskusyon sa kanya

Nagmakarating kami sa itaas ay binitawan na ni Ian ang kamay ko at sabay sabay na nagpunta sa classroom. Pagkapasok ay nakita ko agad sila mommy and lola. Napangiti at dalidaling nag punta sa kanina

"Mommy! Lola!" hindi ko ba alam pero bigla ko silang namiss kahit na wala bang isang araw. Niyakap ko sila

"Anak heto ang mga gamit na kakailanganin mo dito" itinuro niya ang isang pagahe. "Nalulungkot kami na malalayo ka nanaman samin pero para sayo naman ito" nakangiting sabi ni Mommy

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now