Ikalabing walong Hiwaga

20 8 3
                                    

Alivia's POV

Pagkapasok namin sa training room ay nakita naming ang mga dalawang boys na nilalabanan si Jake. Ang ginagawa nila?

"Alisin mo nga yang ibon sa balikat mo, makadistract lang sayo yan" seryoso ngunit mariin na sabi ni Ian kay Jake

Tinignan niya ang ibon sa balikat niya. "Hayaan mo lang siya diyan, feeling ko swerte tong ibon na to" nakangiting sabi ni Jake habang nakatingin sa ibon na nasa balikat niya

Tinignan namin ni Abi si Jasmine ng tingin na nakakaasar. Namula ang muka nito, kinikilig ata.

"Hoy ano bang ginawa ninyo dito, kanina pa namin kayo hinahanap" sabi ko sa boys

"Miss moko?" pangangasar ni Ian sakin. So ito nanaman po tayo.

"He! tingil tingilan moko Ian ha!" pagsusungit ko sa kanyan. Pero kinilig talaga ako HAHAHA. "Nalaman ninyo naba ang kaya ni Jake?" pag iiba ko ng usapan

"Hindi pa, sa tingin ko hindi pang atake ang kaya ni Jake" sagot ni Migs samin. Mukang napagod to na piliting palabasin ang kapangyarihan ni Jake. Talagang may concern sa lahat at iyon ang nagustuhan kong ugali niya

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at iniabot sa kanyan. "I-ipunas mo sa pawis mo" kinuha naman niya agad ang panyo at syempre with killer smile niya

"Salamat"

"Teka, bakit ako wala? Napagod din naman ako" sabat ni Ian samin. Parang bata tong mga to, jusko

"Eh wala nakong panyo eh" sagot ko sa kanyan. Muli nanaman niya akong hinila papalapit sa kanyan. Si boy hila talaga to

"Ok lang, basta nandito ka asawa ko, ayos nako" may kaunting ngisi sa kanyang labi ng sinabi niya iyon. Bakit ba ibang iba ang epekto ng mga salita niya sakin

"He! Tingil moko, umagang umaga" pag susungit ko kunwari. Alivia, kalma, alam kong marupok ka pero wag ngayon please. "Tara na sa Classroom, pupuntahan natin si sir para ibalita na may kapangyarihan na sila Abi at Jasmine" dagdag ko pa

"Wow alam ninyo na kaya ninyo? Sana ako din" sabi ni Jake. Medyo na sad ako sa pagkakasabi niya. "Sige na mauna na kayo, susunod nalang ako" dagdag pa niya

"Sige" sagot ko sa kanyan

Naglakad kaming lima papunta sa building namin. Naging maayos naman at buti ay hindi na nagbabangayan yung dalawa sa likod. Isa isa na kaming dumaan sa portal papunta sa Classroom namin. Pagkadating namin doon ay wala si sir Jeff kaya napagdesisyunan namin na hintayin nalang siya doon

Nagkukwentuhan lang kami nila Abi at Jasmine tungkol sa mga nangyari kanina, kung paano nila napalabas ang kakayahan nila. Masaya ako na nalaman na nila ang kakayahan kahit papano ay mapoprotektahan na nila ang sarili nila. Mahabang ng kakasayahan kaming tatlo ay may pumasok na kahina-hinalang lalaki, si sir Jeff. Ewan ko pero iba yung awra niya eh parang hindi siya si sir Jeff

"Class Eye" panimula nito at nagsiayos ng upo ang mga kasamahan ako habang ako ay nakatingin lang sa kanyan at hindi mawala ang paghihinala. Teka may mali dito eh

Maya maya lang ay may dumating na lalaki na kinagulat naming lahat, si sir Jeff! "Sabi na nga bang hindi ikaw si sir Jeff eh, hoy Jake tingilan mo panloloko mo samin" sabi ko sa pekeng sir Jeff

"Pano mo na laman? Kala ko pa naman mapaprank ko kayo" sabi niya na nagtama sa hinala ko. Hindi niya magagaya ang awra ni sir Jeff. Ibinalik na nito ang tunay niyang anyo.

"Shape shifting, magaling!" bati ni sir Jeff kay Jake. Pumunta na si Jake sa upuan niya

"Cool ng kapangyarihan mo, masaya ako para sayo" narinig kong bati sa kanya ni Jasmine

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Where stories live. Discover now