Ika-31 na Hiwaga

4 3 0
                                    

Jasmine's POV

Ang laki din talaga ng bahay nila Migs, ang daming mga babasagin na gamit at malalaking painting ng kanilang pamilya. Naniniwala nako ngayon na ang malaking bahay ay tipikal lang sa mundo na to, nagkakatalo lang kung ito ay bago o luma na. Sabi kase ni mama sakin mula pa daw sa lola ng lola niya ang bahay namin dito, talagang pamana lang talaga.

"Migs, nakakatakot naman gumalaw sa bahay ninyo, parang kahit saan merong pwedeng mabasag" sabi ko sa kanya habang nakatingin pa din sa kabuoan ng bahay.

Natawa siya ng bahagya. "Sige lang mag ikot ikot lang kayo, kukuha lang ako ng makakain natin" nagpunta na siya sa may kusina ata nila, bakas sa kanya ang pagkaexcite na makita ang magulang niya.

Habang nag iikot ikot ako ay nagulat ako ng may kumapit sakin. Hinayaan ko ng ilang minuto yon dahil buong akala ko ay si Abi yon. Laking gulat ko ng nagsalita ito. "Jasmine, sama nalang ako sayo, nakakatakot makabasag dito" agad kong tinanggal ang pagkakapit nito sa braso ko

"Tigilan mo nga ko Jake! Makakapit ka wagas ha! Konyatan kita eh!" Pagsusungit ko sa kanyan. Itong lalaking to kahit kailan talaga.

"Sungit mo naman, Goodmorning Baby..." Bakit ba ganto tong lalaking to! Nasa harapan ko siya ngayon at binigkas ang mga salitang iyon na may kasamang pag papacute. Grabe ang gwapo niya, kung may camera lang ako ay na picturan ko na siya..

"Go-goodmor-morning ka diyan! Tigilan mo ko, umagang umaga Jake" shocks ayokong ipahalata sa kanyan na namumula at nag init na ng muka ko!

"Bakit ba kase hindi tumatalab charm ko sayo" para batong nag aakmang magmaktol

"Kala mo lang..." Bulong ko.

"Ano?" Shocks narining kaya niya?!

"WALA! BAHALA KA NA NGA DIYAN!" umalis nako malapit sa kanya at lumapit nalang ako kay Abi. Kainis si Jake, umagang umaga nagpapakilig.

Naabutan kong nagbabasa si Abi ng mga libro, kung makikita mo ay may kalumaan na ang librong hawak niya.

"Jasmine look, may nababasa ako tungkol sa mga kapangyarihan o powers... Ang mind reader o kapangyarihang may ukma sa isip ay hindi tipikal na kangyarihan dito, Dahil daw ang mga nangkakaroon nito ay kadalasang hindi kinakayang kontrolin ito kaya.... 25 years ago na ng huling nagkaroon ng may kakayahan na ganon dito"

"Ano daw nangyari sa huling nagkaroon nito?" Tanong ko sa kanyan dahil na curious din ang sa nalaman ko sa kanyan.

Tutok siya sa pagbabasa bago sumagot. "Walang sinasabi dito eh pero parang naglaho nalang daw ito ng parang bula at wala na daw nakahanap sa kanya. Wala ding sinabi dito kung sino o ano ang pangalan"

Habang nagbabasa siya, palagay ko ay isa lang ang tumatakbo sa isip naming parehas. Paano pag hindi niya kinaya? Minsan ko na narining si Sir Jeff na pinagsasabihin si Alivia na gamitin ng tama ang kapangyarihan niya, sana daw eh hindi siya masakop nito. Hindi ko alam kung anong ibigsahin ni sir don, maski si Alivia ay bakas ang pagtataka sa muka niya nung araw na yun.

"Abi, alam kong parehas lang tayo ng iniisip ngayon, kailangan nating balaan si Ali- AAHH!" napadaing ako ng malakas ng biglang parang may sumigaw na napakalakas sa isip ko. Parang umiikot sa ulo ko ang malakas na sigaw na yon.

Napalingon ako kay Abi at mukang ganon din siya, naibaba niya ang librong hawak niya at napahawak din sa ulo niya. "Naramdaman mo ba yon?" Tanong niya.

"Guys, may naramdaman din ba kayong sumigaw?" Papalamit na sabi ni Jake samin. Pahilot hilot din siya sa sentido niya.

Napalingon naman kami agad ng marining namin ang mga paang tumatakbo paungo samin. Si Migs. "Si Alivia! Kailangan ng tulong ni Alivia!"

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon