LVI

993 29 0
                                    

# 56

Sienna's POV

"May kaylangang pirmahan si Ynnah bago ang operasyon bukas habang ako inayos ko ang bill ni Sheena sa hospital, ano bang iniisip mo Sienna?!" Inis na sagot ni Jiahn habang matalim ang tingin sakin

"Okey, sapat na sakin ang marinig ang side mo" ani ko dahil ayoko na palakihin ang gulo, mas mahirap kapag nangyare yon. Sya lang naman kasi ang mahirap umintindi e

"Sakin hindi okey, so ngayon mag paliwanag ka, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit pinag pinag patayan mo pa ko?!" May pag titimping tanong nya kaya bahagya akong lumapit, pinagmasdan ko sya ng maigi

"Nakita ko lang naman kayo, pinag buksan mo sya at may pag alalay pa sa likod" bahagya syang tumawa sa sinabi ko

"May nakakatawa mr. Mendez?" Taas kilay na tanong ko

"Ang cute mo mag selos, kung hindi lang kita mahal.."

"Ano?" Putol ko at isang halik ang tinugon nya kaya naitulak ko sya

"Makipag usap ka ng maayos Jiahn" may awtoridad na sabi ko at tinawanan lang ako ng loko

"Ikaw lang ang mahal ko" hinila nya ako hanggang sa makaupo sya sa kama

"Ewan ko sayo Jiahn, sana kahit man lang isang text diba? Hindi magawa? Kasi ano? Kasi.."

Hinapit nya ang bewang ko kaya naputol ang sinasabi ko, napa-upo ako sa kandungan nya at mabilis nyang pinulupot ang kamay nya kaya hindi ko na nagawang tumayo

"So sige ratrat pa para ako naman mamaya" may nakakalokong tawang sabi ni Jiahn kaya napairap nalang ako

"Kelan ka ba makakausap ng matino ha?" Inis na tanong ko pero ginapang nya bigla ang kamay nya sa dibdib ko at sa loob pa kaya malakas ko yong hinampas

"Jiahn!" Suway ko pero hindi sya nag patinag

"Ako naman ang may tanong baby" seryosong sabi nya habang nasa dibdib ko padin ang kamay, ewan ko kung bakit nya nagagawang makipag usap ng ganito, parang tanga

"Sabihin mo na, nabu-bwisit na ako sayo" deretsa sa matang sabi ko dito at hinayaan nalang sya sa ginagawa nya

"Hindi ko palalagpasin ang pakikipag usap mo kay Drake, saan kayo galing?" Lalo na akong napairap sa tanong nya

Hindi man pagalit ang tanong nya pero parang nakaka gago lang

"Nilabas nya lang ang dalawa pero hindi naman ako sumama dahil binantayan ko si Sheena" sinagot ko nalang sya

"Walang ngang kasama si Sheena ng makarating kami don e, wag mo nga ako pina iikot Sienna" grabe bakit ba sya ganito mag isip? Sana paniwalaan naman nya ako, okey lang naman sana kung mag tanong sya e

"Kaylangan mo ba talagang pag dudahan yon? Grabe ka Jiahn" ewan ko pero naiinis na ako

"Wala ka ng maisagot?" Napapikit nalang ako sa inis pero pinili ko nalang kumalma

"Hindi nyo pala naabutan si Kristoff, pinuntahan nya kasi si Sheena kaya inayos ko na din ang med cert sa school nya para mabigyan din sila ng oras mag usap" matapos sabihin yon ay pinasadahan na nya lang ako ng tingin at hindi na nag tanong pa

Hinalikan nya ako bigla kaya hindi ko na nagawang umiwas, patuloy nya pading pinag lalaruan ang dibdib ko pero wala man lang akong naramdaman dahil naiinis pa din ako sa kanya

"Jiahn mag pahinga nalang tayo" bahagya ko syang tinulak ng makaiwas ako pero patuloy pa din sya kaya nakutusan ko sya

"Aray!" Reklamo nya dahil napalakas ata yung kutos ko

His Dangerous Love (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें