XXII

1.5K 36 0
                                    

# 22

Sienna's POV

Grabe inaantok na 'ko napatuon nalang ang noo ko sa sa balikat ni Liam, naka ikot kaming lahat at may apoy sa gitna kaya kahit paano ay naiibsan ang lamig. May kanya kanyang grupo at trip ang ilan.

Nandito sina Marco at Lucas na may kasamang magagandang babae, si Tris, Nico, Jiahn at Ynnah na katapatan lang namin. Nandito din si jiroh at Aico na kakauwe lamang galing Australia. Bale katabi ko si Jiroh at Liam.

Kahit saang banda ka tumingin ay may nag lalampungan, nag hahalikan, nag yayakapan, maging itong nasa harapan namin mayat maya ang halikan, karumi (bitter ahmmp)

Napatunghay ako ng iabot sakin ni Jiroh ang tagay ng alak, kasi naman diba dapat kanya kanya nalang ang inom? Ang alam ko hindi nag tatagayan ang mayayaman, pero ito kasi ang suggest na mokong na si Jiahn para pantay pantay daw kami.

Ang tataas kaya ng tagay nila kaya sobra na talaga akong nahihilo, si Liam ang umabot at akmang sasaluhin ang tagay ko ng mag salita si Jiahn

"Ano na Sienna? Wala namang madaya paubos na din naman oh.." napairap nalang ako at agad na kinuha ang baso kay Liam saka agad na ininom ng isang lagok lang. Ayaw ko na din makipag talo pa dahil wala naman ako sa mood.

"Woaaaahh go bessshy" natatawang saad ni Tris na ngayon ay nakayakap sa braso ni Nico kaya natawa na din ang iba.

"Nice Sienna yan ang masarapan kainuman" saad ni Aico dahil ang mga babae nina Lucas ay hindi man lang makisama kahit isang tagay man lang, lumayas na kaya sila tutal kanina pa sila lampungan ng lampungan.

Hindi naman sa bitter pero parang ganon na nga, kaya mag si layas nalang sila. At ayun na nga mukang nabasa ang nasa utak ko at tumayo ang dalawang mag couple nina Lucas at Marco, saka umalis. Lam na this hhmp

"Grabe pala no? Parang iisa lang muka nyo ni Ynnah" hindi makapaniwalang saad ni Aico na pinalipat lipat ang tingin samin.

"Yep parehas maganda" sagot ni Ynnah

"Wala namang lokohan oh" sagot ni Jiroh kaya nabato sya ni Ynnah ng bato kaya natawa nalang kami

"So bro kelan pala ang kasal?" Nagulat ako sa tanong ni Jiroh na seryosong nakatingin kay Jiahn. Kaya napa ayos ako ng upo at inihahanda ang sarili sa posible ko pang malaman

"Ah n-next year bro.." nakangiting sagot nito at para akong na estatwa sa narinig ko. Ikakasal na sila? Ang bilis naman. Bigla nalang bumilis ang kabog ng dibdib ko kaya walang pag dadalawang isip na agad na ininom ang tagay ko kahit na para kay Liam pala yon. Nakadalawang sunod tuloy ako

Kitang kita ko ang pag sulyap ni Jiahn sakin at ako ay nakipag titigan din ako na animoy tinatanong kung bakit? Agad agad ba? Wala na ba talaga? Pero nginitian nya lang ako ng mapait, buti na lamang at walang nakaka pansin dahil ang iba ay busy sa mga gf at nag cecellphone. Kaya napaiwas nalang ako.

"Shempre invited kayo especially Sienna and Liam" masayang tugon ni Ynnah, hindi ko alam kung ano bang irereact ko kasi tangina diba ex ko yan? Minahal ko din yung lalaking mahal nya, Tapos wala pang isang buwan ang nakakalipas gusto na nya agad ako sabihan tungkol sa ganong bagay?

Babae din sya kaya sana naiintindihan nya din ang pinag dadaanan ko, kasi naman akin sya dapat e, ako dapat yung nag iinvite, tangina lang kasi kung hindi na sya dumating pa.

Naramdaman ko nalang ang pangingilid ng luha ko saka ngiting humarap kay Liam, para kahit paano ay maibaling ko sa iba ang atensyon ko

"Shempre kami pa ba ni Liam?" Pilit ngiti kong sagot at syang pag titig naman sakin ni Liam. Mabuti na lamang at naituwid ko pa ang salita ko

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now