XLI

1.1K 32 0
                                    

# 41

Sienna's POV

"Ako na ang bahala mag paliwanag okey..?" mahinang saad ni Liam dahil napansin nya ang pangamba ko at tumango lang ako

"Sisirain ko nalang siguro.." sya at akmang sisipain ang pinto ng hawakan ko sya sa braso at mahigpit na niyakap

Sobrang namimis ko na si Liam, sobrang namimis ko na ang lalaking minahal ko. Napangiti ako ng yakapin nya ako ng mas mahigpit at halikan ako sa noo

"Okey ka lang ba kay Jiahn? Hindi kana ba nya sinasaktan?" May pag aalalang tanong nito at agad naman akong umiling

"Malaki na ang pinag bago nya, hindi kana dapat mag alala pa. Minsan nga mag kwento ka din sakin ha.." natatawa kong biro sa kanya at humarap pero hindi padin nya inaalis ang mga yakap nya sakin

"Hindi na ata ako makakakita ng katulad mo Sienna.." malungkot na saad nito't muli nyang dinampi ang mga labi nya sa noo ko kaya napapikit ako. Nakakapang hinayang ang relasyong binuo namin ni Liam pero sadyang hanggang dito nalang kami

"Whaat the..." Naitulak ko si Liam ng magbukas ang pinto at iluwa si ate na masamang nakatingin samin kaya agad akong umiling

"Na lock kami.." paliwanag ni Liam at bahagyang lumapit kay ate pero tinaasan sya lang nito ng kilay at lumipat ang tingin sakin

"Oo ate.." nahihiyang kong pagsagot

"At paano namang napunta kayo sa iisang kwarto?" Hindi parin makumbinsi si Ate at sumilip naman si Liam sa labas para siguro tignan si Jiahn kung nasa paligid saka hinili si ate papasok

"Pinapalitan ko kasi ang bumbilya ng ilaw kasi naman inuna mo pa ang fe facebook mo imbis na tulungan ako, si Sienna ang nakita ko at pina abot ko lang yung ilaw, hindi naman nya sinasadyang masarado ang pinto kaya na lock kami.." paliwanag nya at wala paring reaksyon ang muka

"Ate mauna na ako baka hinahanap na ako ni Jiahn.." ako at nginitian lang si Liam

"Nako kanina pa Sienna.." pahabol na sabi ni ate at naramdaman ko na sumunod na din sila pero naiwan si ate dahil chinecheck ang ilaw kung pinalitan nga ba

"Sige na Sy.." paalam na din ni Liam ng makalabas kami pero hindi ako nakasagot ng makita si Jiahn sa likod nito at hindi mo gugustuhin ang aura na dala nito

"Liam.." lumabas si ate at agad din nitong napansin si Jiahn

"Honey gumagana na yung ilaw tara na sa loob?" Si ate Jiana na walang ano anung hinila ulit si Liam papasok at tinulak sa kama, napatingin ako kay Jiahn na nasa harap ko na at nakatingin din sa loob, napatingin nalang ako sa mata ni Jiahn ng tuluyang halikan ni ate si Liam

"Saan ka galing?" Tanong nito

"Oopps sorry nalimutan ko isarado.." kinindatan ako ni ate bago isara ang pinto

Alam ko tinulungan lang ako ni ate makalusot pero kaylangan talaga halikan? Natawa nalang ako, single naman si Ate so wala namang masama

"Saan ka galing?" Nabalik ang tingin ko kay Jiahn ng mag salita ulit 'to

"Tinawag ako ni ate sa loob kanina, nakisuyo lang sakin pero buti nalang dumating si Liam at sya na ang nag kabit ng bumbilya.." dahilan ko at gusto kong icongratulate ang sarili ko dahil hindi nag kang buhol buhol ang dila ko

"Ganoong katagal?" Sya na hindi makabunsi mag kapatid talaga sila ni ate

"Nag ka kwentuhan din.." dagdag ko at naramdamanan ko nalang ng pag hawak nya sa kamay ko

"Tsk.. kung alam mo lang kung gaano nangati ang kamay ko manuntok kanina.." bulong nya na hindi ko naman naintindihan

His Dangerous Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon