XLIV

1K 20 0
                                    

# 44

Sienna's POV

"Mag iingat kayo sa byahe Tris.." mahigpit kong niyakap si Tris at palihim na hinaplos ang tyan nito

"See you soon baby.." pabulong na saad ko dito at natawa lang din si Tris

"Eh kayo ba, wala pang kasunod?" Taas kilay na tanong ni Tris ng kumalas ako ng yakap dito

"Two weeks delay.." nanlaki ang mata nya sa sagot ko kaya natawa lang ako

Totoo two weeks na 'kong delay, kahit hindi pa ako handa e okey lang naman dahil alam kong si Jiahn ang mapapasaya ko, shempre pati ang kambal ko

"Hala.. hahahaha balitaan mo nalang ako ha" muli nya akong niyakap at hinatid na ito sa sasakyan dahil kanina pa doon nag iintay si Nico

"Nico dahan dahan lang sa pag mamaneho ha.." nginitian lang ako ni Nico at pinag buksan ng pinto si Tris, hinalikan pa nya ko sa pisngi bago ito pumasok

"Una na kami Sienna..." Paalam ni Nico, tumango lang ako at kumaway sa kanila, pinag masdan ko pa sila hanggang sa mawala sila sa paningin ko

Hays mamimis ko talaga ang bestfriend ko

"Two weeks palang delay ha.." nagulat ako sa presensya ni Ate na malapad na nakangiti, nag tatapon pala sya ng basura dito sa labas

"Sssshh Ate hindi pa naman ako siguro, wag mo muna sabihin kay Jiahn at baka umasa ang tao.." agad kong paliwanag at tumango tango naman sya saka sabay na kaming pumasok ng gate

Ihahatid sana namin sina Tris at kakain muna sa labas pero ayaw naman ni Jiahn dahil masama ang pakiramdam ni Sean

Nakasalubong namin si Jiahn na may kausap sa phone, nauna na si Ate at ako na ang nag lock ng gate

"Jiahn tigil tigilan mo na nga yang pa paninigarilyo mo.." ako ng humarang sya sa dinadaanan ko, mukang tapos na nya kausapin ang kausap nya kanina

"Tsk ngayon na nga lang ulit e" agad naman nyang tinapon ang sigarilyo at inapakan ito

"Mataas pa din lagnat ni Sean?" May pag aalala kong tanong saka ito nilagpasan

"Bumaba na naman, ayun at tulog na.." agarang sagot nito at sinundan na din ako papasok

Dumeretso ako sa kusina dahil sa mabangong amoy na naaamoy ko, naabutan ko si Drake na nag luluto at nginitian ko lang ito ng mag tama ang mata namin

Napangiwi ako ng may pumisil ng braso ko at mariin akong hinila

"Jiahn!" Reklamo ko ng mabawi ko ang braso ko at napahaplos nalang dito

"Hoy hindi porket hinahayaan kita e aabusuhin mo na ko ha.." seryoso nyang tinig ng bahagya kaming makalayo

"Ha? Ano na naman yon?" Napatingin nalang ako sa kawalan

"Pisatin ko yang mata mo kung kani-kanino tumitingin.." mahinang turan nito kaya natawa nalang ako, so yung simpleng titigan lang namin ni Drake ang problema nya? Grabe

"Sorry..." Agad kong paumanhin pero hindi nya na ko pinansin

Napatingin nalang ako sa likod nya ng umalis ito at tunguin ang kwarto namin, nailing nalang ako at agad itong sinundan

Pag kapasok na pagkapasok ko ng kwarto ay syang pag lock nya agad ng pinto, aba't nasa gilid lang pala sya, nginitian nya ako ng hindi maganda kaya pinigilan ko agad ito gamit ang kamay ko

"No.. katatapos lang natin kagabi.." namula naman ako sa sinabi ko kaya natawa sya at sinundan ako ng maupo ako sa kama

"Kagabi pa yun e.."

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now