XI

1.6K 37 0
                                    

# 11

"Liam?" Rinig kong pag tawag kay Liam, si ma'am Arah kung hindi ako nag kakamali dahil nabobosesan ko ito, sya yung namamahala sa library, iniwan nya lang ako dito dahil may klase pa syang tinuruan kanina. Shit sobrang kahihiyan 'to kapag nakita nila kami

"Ah ma'am Ara, hinahanap ko lang po si Sienna" sagot ni Liam at naramdaman ko ang pag hakbang nito palayo

"Ganon ba? Baka umuwe na, kagat na din kasi ang dilim sa labas, bukas nyo na lang ipag patuloy ang pag aayos, dahil isasara ko nadin ito" saad pa nito at nanlaki ang mata kong napatingin kay Jiahn. Kasi naman ma lolock kami nito sa loob, diba masyadong obvious yon? Pag nag kataon issue na naman sa school.

Mahinang pag tawa lang ang isinagot nya, at saka nya ako hiniga. Talagang wala syang balak tumigil?

Ipinagpatuloy nya ang ginagawa nya na ngayon nasa ibabaw ko na patuloy ang pag halik sa akin na animoy uhaw na uhaw.

Pilit ko syang tinulak at mukang nainis sya kaya mahigpit nyang hinawakan ang dalawa kong kamay saka muling pinag patuloy ang ginagawa. Ayoko makagawa ng ikakagalit nya kaya hinayaan ko nalang

"Kung ganon ma'am Arah mauuna na ko" ani ni Liam

"Mag iingat ka ijo" rinig kong saad ni ma'am Arah

"Jiahn ayoko matulog dito!" bulong ko. Sandali syang tumigil at naupo

"Bakit Sienna? Kasi may lakad kayo ni Liam?" Walang emosyon nitong tanong, umupo na din ako dahil sumasakit na din ang katawan ko.

Sasagot na sana ako ng marinig ko ang pag lock ng kandado ng pinto. Kaya napatayo ako

"Shit paano tayo lalabas?" nasapo ko ang noo ko pero mas nagulat ako ng gumuho ang libro dahil sa pag sipang ginawa ni Jiahn

"ANO!? TANGINA MAY LAKAD KAYO!?" sigaw nito at mahigpit akong hinawakan sa panga. Bigla bigla nalang nababago ang timpla nya

"N-nag prisinta syang tumulong" sagot ko ng deretsang nakatingin sa mga mata nya

"ANDITO NAMAN AKO DIBA?! BAKIT HINDI AKO?! BAKIT KAYLANGAN SI LIAM!?" Kitang kita ko ang pag igting ng panga nya na pawang pinipigilan ang sarili.

Bakit ba selos lagi ang pinapairal nya? Kasalanan ko bang lumalapit sakin si Liam? Hindi ko naman ginusto iyon at shempre kaibigan nya ko? Bakit ba hindi nya maintindihan yon.

Itataas nya sana ang kamay nya para saktan na naman ako, kaya napapikit nalang ako at hinihintay tumama ang palad nya sa pisngi ko. Pero hindi nya yon naituloy at sa pader dineretso ang suntok

"Tangina kasi.." bulong nito at pawang hinahabol ang hininga saka dinikit ang noo sakin habang nakapikit

"J-jiahn mahal kita, tiwala ang kaylangan ko" mahina kong saad at hinaplos ang pisngi nya

"Mahal? You don't even call me baby, tapos mahal mo?" Wtf, Napaka isip bata nya

"Okey i'm sorry.." tinignan nya ko ng malamig na pawang may iniintay pa "baby" dugtong ko kaya napangiti sya.

Seriously? Bigla syang magagalit tapos bigla din magiging okey? Dapat sigurong ipa check ko na ang lalaking to. Natatawang saad ng isip ko

"From now on, i want you to call me baby and call me by my name and i'll give you punishment" tugon nito at kumindat pa kaya nabato ko sya ng liibro at agad naman nya iyong nasalo

"Ang corny.." natatawa kong saad, mga badboy pala merong ganitong side? Corny nga lang

"Ah corny?" Seryoso nitong saad muling papalapit sakin kaya tumilalikod ako

"No..." Ramdam kong papalapit padin sya ng seryoso
"No baby" pag ulit ko, baka kasi mamaya magalit pa sya mahirap na.

"Good baby" saad nito at niyakap ako patalikod

"Alam mo hindi tayo makakalabas ng ksweetan lang" natawa naman sya ng mahina

"Masyado kana man nag aalala, mukang nakakalimutan mo na ako ang kasama mo? Anyway may clip kaba?" Tanong nito at kumunot naman ang noo ko sa tanong nya, pero tumango na din ako at kinuha iyon sa buhok ko

"Good" pag abot ko ay agad syang tumalikod at pumunta sa pinto at may kung anong kinakalikot sa kandado.

Kaya sinundan ko sya at sinilip, at maya maya nga ay nabuksan nya ito kaya nanlaki ang mga mata ko

"Wag kana mag tanong, halika na" napanga nga nalang ako, panong nya nagawa yon? Konti nalang makukumbinsi na ko na sya yung namasok sa kapit bahay namin. Natawa na lamang ako sa naisip ko

"Jiahn" pag tawag ko dahil nauna syang lumabas at hindi ako pinansin sa pag tawag ko

"Baby!" Pag tawag ko ulit at mabilis pa alas kwatrong bumalik sya sa harap ko kaya natawa ako, gayon din sya, nawawala tuloy ang mga mata nya.

"Pano yang mga libro? Bakit kasi ginulo mo pa" naiiling kong tanong dito

"Hmm, dont worry sina Marco na ang bahala jan... Baka mamaya mag pasama kana naman sa Lalaki mo" saad nya saka ako hinila palabas, tamo to, lalaki na naman ang sumbat sakin, kelan ba sya titigil.

"Anyway, hindi muna tayo papasok bukas dahil uuwe tayo ng probinsya" saad nito at pinag buksan ako ng pinto ng sasakyan nya

"Ha? Pero may long quiz kami sa tatlong subject kaya hindi ako makakasama sayo" sagot ko ng makasakay sya

"Quiz? O dahil jan sa lala-.."

"Okey sasama na ako.." putol ko sa sasabihin nito at napairap nalang ako sa kawalan. Sawa na ko marinig sa kanya yang lintek na lalaki yan.

"Good, dadating kasi si Ate, gusto ni Dad kumpleto tayo" kasabay nito ang pag andar ng sasakyan nya. So dadating pala si Ate Jiana? Hindi ko pa din sya nakikita in person dahil ngayon lang sya uuwe ng Pilipinas dahil sa Australia ito nag tatrabaho.

-----
Next chapter guys malilinawanagan kayo kung bakit nga ba ganon ang ugali ni Jiahn kay Sienna 😉.

His Dangerous Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon