XVIII

1.5K 34 2
                                    

# 18

Liam's POV

Ng makalma ko ang sarili ko ay muli akong humarap kay Sheena, sa kapatid ni Sy. Akma akong mag sasalita ng mag iba ang direksyon ng mata nito

"ATE!!!" malakas na sigaw nito saka tumakbo at nilagpasan ako, kaya sinundan ko sya ng tingin at parang napako ako sa kitatayuan ko ng makita ang babaeng sobrang pinag alala ako.

Naisandal ko nalang ang katawan ko sa poste at pinag masdan sya, masyado kasi akong nang hina don, kaya nanatili muna ako sa pwesto ko at hindi mag sink in sa utak ko na nakita ko na sya baka kasi mamaya ay nananaginip na naman ako. Napatingin sya sakin at halata ang gulat sa mga mata nito

Shit Seinna, namis ko yang mga mata mo. Hindi mo alam kung gaano kitang namis, kung gaano kitang gustong yakapin. Parang nabunot lahat ng tinik sa dibdib ko ng muli syang masilayan.

Napansin kong papalapit sya sakin pero agad akong napaiwas ng tingin ng makita ang damit na suot nito, kasi naman naka bestida syang puti na sobrang nipis, basang basa sya na wari ko ay galing sya sa dagat kaya kumakapit ang damit nito sa basa nitong katawan dahilan para makita halos ang katawan at panloob nito. Hindi nya ba alam na nabobosohan na sya? At isa pa ang daming turista dito kaya medyo nainis ako.

Agad ko sya sinalubong at hinubad ang jacket ko saka itinakip sa kanya, tinanggap naman nya ito, pero bakas padin ang pag kagulat sa mga mata nito.

Kinuha nya ang isda sa kasama nitong babae at pinakita sakin.

"Ang laki 'no? Napansin kasi namin ang matandang babae na nahihirapan dalhin sa dagat ang bangka nya sakto naman na napadaan kami kaya tinulungan na namin, then maya maya dumating ang asawa nya at natuwa kaya binigyan kami" nakangiti nitong saad na animoy walang problemang dinadala.

Ganito ba ang sinayang ni Jiahn? Napaka simpleng babae. Kaya napangiti nalang ako

"Ang laki nga.. laki talaga ng kasalanan mo sakin" kunwareng galit ako kaya binalik nya ang isda sa kasama nito at yumakap sakin.

"Eeww ate maligo ka muna hindi ka ba nahihiya kay kuya Liam, ang lansa mo oh" saad ng ni Sheena kaya natawa nalang kami parehas

"Sus, alam kong maarte yan kaya bahala sya, pag nasa probinsya kasi walang arte arte" bigla nalang syang sumampa sa likod ko na pawang nang aasar pa, alam nya kasing maselan ako sa mababaho o malalansang amoy. Kaya napailing nalang ako at natawa sa mga kalokohan nya

"Aray!" Bigla nya kasing kinagat ang tainga ko kaya ayun abot tainga ang ngiti. At hinilamos ko lang ang jamay ko sa muka nya. At ng mapagod ito ay humarap sya sakin na naka taas pa ang kilay.

Hindi nya ba alam na napaka ganda nya? Sobrang namis ko ang ganitong side nya. Bago pa sya makapag salita ay agad ko itong niyakap at hinalikan sa noo

"Shit Sienna ano bang pumasok sa utak mo at umalis nalang basta ng bahay? Pwede naman kitang ihatid eh" nag susumamo kong saad dito

Hindi sya sumagot bagkos ay mahigpit nayakap ang binigay sakin

"Ehem.." napahiwalay sya ng tumikhim ang kasama nitong babae.

"Ah Ate Jiana si Liam pala..." Hindi na natapos ang pag sasalita nito ng hilahin sya nito palayo sakin

"Sienna naman e, please hintayin mo kahit konting panahon pa si Jiahn, sinisigurado kong babalik sayo yon at hindi ko talaga gusto ang timpla ng babaeng yon" tukoy nito kay Ynnah kaya napakamot ako sa batok ko akala nya siguro ay pinopormahan ko si Sy. Well? Why not?

Lumayo pa sila e rinig ko naman kaya lumapit ako sa kanila at masama naman akong tinignan nung babae

"Hep! Hep! Wag kang lalapit kay Sienna! Sinasabi ko sayo!" kaya natigil ako sa pag lalakad habang nakaduro pa din ang daliri sakin

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now