XXXIV

1.5K 30 1
                                    

# 34

Sienna's POV

Malakas kong naibaba ang baso ng kape ko sa sinabi ni Ate Jiana. Nasa coffee shop kami ni Liam at nag uusap sa ilang bagay tungkol samin at sa kambal

"A-ate m-may gamot jan sa bag kong brown! Sa kwarto ni Jiahn! painumin nyo agad si Xian, pauwe na ko!" Natataranta kong saad sa kanya, nakakain pala si Xian ng peanut eh allergy sya don.

"A-anong nangyare?!" Takot na tanong din ni Liam at sinundan ako palabas

"Si Xian, Liam nakakain sya ng bawal, hindi ko nasabi kay na ate ang tungkol don.." halos maiyak na ko at sumakay na kami sa sasakyan ni Liam.

Saksi ako sa kung paano mahirapan si Xian kapag inallergy 'to, hindi sya halos maka hinga kaya ganon nalang ako natakot at nataranta, tyak magagalit sakin si Jiahn.

Mabilis pinaandar ni Liam ang sasakyan at nakarating din naman agad kami, hindi ko na nagawang intayin pa si Liam dahil mabilis akong tumakbo sa bahay. Bumungad sila sa paningin ko na ngayon ay nasa sala at nakahiga si Xian sa sofa

Naabutan ko si Jiahn na nakayuko at naka sandal sa pader habang si ate Jiana naman ay pinupunasan ang noo ni Xian na sa tingin ko ay umiigi na din ang pakiramdam nito kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag.

Agad akong lumapit at kinuha ang towel kay ate at ako na mismo ang nag punas dito. Nginitian ako ni Xian kaya napangiti na din ako.

"Muntik na mapahamak ang anak mo Sienna ." Seryosong saad ni Ate kaya napayuko nalang ako

"Pasensya na Ate..." Pag hingi ko ng tawad at nagawi ang tingin ko kay Jiahn na ngayon ay masama ang tingin sakin kaya umiwas nalang ako at tinuon ang paningin kay Xian

"Kung may nangyare lang hindi maganda sa anak ko Sienna..." Madiing saad ni Jiahn at ramdam ko pa din ang mga tingin nito sakin

"Hindi ko naman ito ginusto e..." pag sagot ko

"Mas inuuna mo kasi yang kalandian mo kesa sa anak mo!" Sigaw nito at nailing nalang ako, sakit nya mag salita grabe

"Sige, kasalanan ko na. Pwede tumigil kana? Hindi 'to makakabuti kay Xian.." sagot ko pero kita ko ang pag kuyom ng mga kamao nya

"Ako na ang bahala kay Xian, mag usap muna kayo ni Jiahn.." seryosong saad ni Ate at muling kinuha ang towel sa kamay ko

"Ma..." Napatingin ako kay Sean na ngayon ay nasa gilid ko mukang kakagising nya lang.

"Mag usap tayo Sienna.."  napatingin ulit ako kay Jiahn at naunang pumasok ng kwarto kaya tumayo na din ako

"Papa!" Natigil kami sa pag lalakad dahil sa sigaw ni Sean kaya nagawi ang tingin namin sa kanya.

Oh.. bakit ko ba nalimutan si Liam, agad na tumakbo si Sean papunta kay Liam at sinalubong ito ni Liam saka binuhat, napangiti nalang ako. Lumapit sya kay Xian at lumuhod saka sandaling binaba si Sean

"Baby Xian, okey ka lang ba?" Malambing natanong ni Liam at tumango lang si Xian. Nahalikan nalang sya ni Liam sa noo at halata din ang pag aalala sa mga mata

"Pagaling kana baby, mamamasyal tayo nina mama" saad pa nito kaya may ngiting gumuhit sa labi ni Xian

"T-talaga papa?" Sabik na saad nito, namis din nya ang papa Liam nya kahit ayaw nya ipahalata kaya natawa nalang ako

"Sienna.." napatingin ako kay Ate Jiana at sumenyas na puntahan ko na si Jiahn kaya nabalik ang atensyon ko kay Jiahn na may galit na sa mga mata habang nakatingin kay Liam

Kung wala lang siguro ang mga bata dito ay nasaktan na nito si Liam, kaya pinuntahan ko na sya bago nya pa hindi mapigilan ang sarili nya

"Jiahn..  hayaan mo nalang muna sila" saad ko dito ng makalapit ako pero binigyan nya lang ako ng maitim na tingin.

His Dangerous Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon