XXXI

1.5K 37 0
                                    

# 31

Sienna's POV

"Ayoko mama, sasama ako sayo.." naiiyak na saad ni Sean habang inaayos ko ang mga gamit nila

"Susunod kami ni papa Liam bukas, promise ko baby.." mahina kong saad saka sya hinalikan sa noo. Samantalang si Xian ay patingin tingin lang samin habang nag lalaro ng tablet pero ramdam ko na paiyak na din sya.

"Xian..." Tawag ko pero hindi nya ako nilingon, nag tatampo sya sakin malamang.

"Hindi kasi alam ni papa yon kaya kaylangan ko syang samahan para hindi sya maligaw" paliwanag ko at nag punas nalang ng luha si Sean.

"Pero si papa Liam ang love ko mama.." hindi padin mapigilan ni Sean ang mga luha nya, samantalang si Xian ay biglang umub ob. Nailing nalang ako, dahil para syang si Jiahn na ayaw ipakita ang mga luha.

"Kaya nga susunod kami ni papa Liam bukas e" lumuhod si Sean at mahigpit akong niyakap. Sa huli ay natanggap na din nya samantalang si Xian kanina pang naka ub ob kaya pinuntahan ko sya at kinarga pero agad din itong umub ob sa balikat ko kaya nakaramdam ako ng awa. Hindi kasi talaga sila sanay na iba ang kasama. Naging full time mom ako sa kanila kaya mahirap din sakin.

"Baby...isang gabi lang naman eh, sige ayaw nyo bang makita si papa? Sige kayo baka maligaw yon" pag suyo ko kay Xian habang hinahaplos ang likod nito

"Xiaaan oo nga, kawawa naman si papa" matinis na saad ni Sean at natawa nalang ako kasabay naman ang pag tunghay ni Xian, at nagulat ako dahil sa pulang pula nitong mata. Naalala ko tuloy si Jiahn sa kanya. Isa pa, halos kay Jiahn nila nakuha ang muka nila, bagsak na buhok lang ata nakuha nila sakin

"Wag na umiyak baby.." saad ko at pinunasan ang ang mga mata nya.

"H-hindi naman ako umiiyak mama tsaka okey lang sakin" mahinang saad nito at nailing nalang ako. Ayaw nya talaga ng nagiging mahina sya sa paningin ko kasalungat nya ang kakambal nya na napaka madamdamin.

"Hmm sabi ni papa Jiahn aalis daw tayo ng 6pm. So 5:50 pm na, 10 minutes nalang lalabas na sya sa kwarto nya, okey na ang mga galit nyo dito at Xian itong sulat pakibigay kay papa Jiahn okey? And Sean eto yung phone, tawagan mo si mama pag may problema okey?" Paliwanag ko sa kanila pero walang gumalaw sa kanila at tinitigan lamang ako.

"Sumama kana lang kasi mama" malungkot na saad ni Sean kaya napahawak nalang ako sa kamay nya

"Xian, 5 minutes nalang, i have to go na. Alagaan mo si Sean okey? Babalik si mama bukas" malungkot na saad ko at tumango lamang si Xian habang si Sean naiyak na naman.

Ayaw ko man sila iwan pero hindi papayag si Liam, tyak na magagalit sakin yon kaya pupuntahan ko sya para personal na mag paliwanag.

Alam ko naman na aalagaan sila ni Jiahn at isa pa isang gabi ko lang naman silang hindi makakasama, dahil nabanggit naman sakin ni Jiahn na sa probinsya ang punta namin.

Hindi nya alam ang pag alis na gagawin ko kasi hindi naman sya papayag, magiging komplikado lang lalo lahat kapag bigla nalang kami nag laho ng walang alam si Liam. Di hamak na mas may karapatan si Liam sakin at isa pa mahal ko yung tao, kaya wala na akong paki alam pa sa mararamdaman ni Jiahn

Sa huling pag kakataon pa ay sinulyapan ko pa ang kambal at nakatingin lang si Xian, habang naka upo lang si Sean at nakatingin lang sa baba Naku mamimis ko talaga tong dalawang 'to. Ito lang ata ang unang beses na mapapahiwalay ako sa kanila

-------------

Nagising ako sa mumunting pag halik na nararamdaman ko sa balikat ko. Napangiti ako ng makita sa Liam sa pormal na kasuotan nito. Mukang kakarating lang nya. Akala ko ba tanghali pa ang dating nya?

His Dangerous Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon