L

909 14 0
                                    

# 50

Ynnah's POV

Nag kabit na ako ng spy microphone sa katawan ko para rinig nila ang mga pang yayare mula sa loob at makapag bigay din ako ng impormasyon

At eto na, humugot ako ng malalim na hininga bago gumawa ng eksena sa labas, nag spray ako ng alak sa katawan para alam nilang naka inom ako. Nakasando lamang ako at maikling short, oh diba parang binubugaw lang nila ako?

"MARCUUUUS! N-NILOKO AKO NILA! T-TULUNGAN MO AKO MARCUS!" malakas na sigaw at mga pag kalampag ang ginawa ko sa gate bago may mag bukas nito

Kita ang irita sa muka nya ng mag tama ang mga mata namin

"Ano? Anong sabi mo?" Tanong nito at nag tanggal ng headset sa tenga

"Si Marcus, gusto ko sya makita.." ako with matching may luha pa sa mata kaya napakunot ang noo nya

"Bakit? Ano ang kaylangan mo sa kanya?" Tanong nito at may pag nanasa akong tinignan, eeew

"Kaylangan ko si Marcus, please.." hindi ko na ininda sa kung paano nya ako pag nasaan ng tingin, nakipag titigan ako sa kanya pero umiling lang sya

"Hindi tumatanggap ng kahit sinong bisita si Marcus ngayon.." nadismaya naman ako sa sagot sya kaya mabilis kong pinulupot ang mga braso ko sa leeg nya, narining ko ang pag singhab nya at lalo nyang dinikit ang sarili sakin kaya nailang ako pero pinanindigan ko parin

"Please?" Sabi ko sabay nag papungay ng mga mata

"Hey!" Napakalas ang lalaki ng yakap ng my dumating na isang tao

"Sienna? A-anong ginagawa mo dito?" Napakunot naman ang noo ko sa pag tawag nya, so kilala nya si Sienna?

Agad akong lumapit sa lalaki at hinawakan ang kamay nito, bigla akong inatake ng kaba ng isarado ng isang lalaki ang gate. Shit ito na

"Justine! Hindi ba at sabi ko wag kayong tatanggap ng kahit sinong tao?! Gayong mainit pa tayo sa mga puli..." Natigil ang isa pang lalaki sa pag sasalita ng maaninag ang muka ko. Shit ito na yung Marcus, sya yung nasa larawan na pinakita sakin ni Jiroh

"Bakit ka bumalik..." Bulong na sabi ng lalaki na nag ngangalang Justine pero hindi ko na sya nasagot ng lumapit ang lalaking ayaw tumanggap ng bisita

"Alis..." Sabi nito kay Justine kaya wala na itong nagawa kundi ang umalis at naiwan kaming dalawa sa labas.

Napansin ko din na may limang bantay sa gate kaya tyak na mahihirapan pumasok sina Jiroh

"Anong sadya mo?" Mahigpit nyang hinawakan ang braso ko as in sobrang higpit, ganito ba katindi ang galit nya kay Sienna?

"M-marcuus..." Sumubsob ako ng iyak sa dibdib nya dahilan para lumuwag ang pag kaka hawak nya sakin

"Marcus n-niloko ako ng asawa ko! Sya pala 'tong may babae! W-wala na akong matakbuhan dahil pinalayas nya ko sa bahay.." umiiyak na sabi ko dito at bahagyang napangiti ng maramdaman ang kamay nyang humahaplos sa likod ko, sa tingin ko ay ume epekto ang acting skills ko

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" Nakagat ko ang labi ko sa tanong nya shit!

"K-kay Kristoff, boyfriend sya ni Sienna diba?" Naiiyak parin na sabi ko.

"Sienna?" Nanlaki ang mga mata ko sa pangalan na binanggit ko, shit ano ngang pangalan ng kapatid nya? My gaaaaahd! Ayoko naaaa huhu

"B-break na sila ng kapatid ko sa pag kaka alam ko.." sabi ko para iligaw ang tanong nya at sana tumalab. Buti nalang binasa ko ang mga impormasyon na binigay ni Jiroh kaya kahit paano ay may ideya ako

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now