V

1.8K 37 0
                                    

# 5

"Hey Sienna?" Pag tawag sakin ni Tris, sya yung secretary namin. Tinignan ko lang sya ng bakit look kasi dapat lalabas na ko ng room

"Uuwe kana ba? Sabay na tayo" pag habol nito sakin at tumango lang ako saka kami sabay na lumabas

"Hey girl matanong ko nga, saan ka humugot ng lakas ng loob para umawat sa grupo nina Jiahn?" takang tanong nito

"Ah yun ba, sumosobra na kasi sila at parang walang ginagawa ang school para sa ganoong klase ng tao" pag tatapat ko at tumango tango sya

"Pano naman sya mapapa alis dito? Eh kagrupo nya ang may ari ng school na 'to kaya malabo nang mag bago yon. Kaya kung ako sayo girl umiwas kana sa susunod" pangaral nito.

Tama sya masyadong malakas ang kapit nina Jiahn kaya imposibleng basta sila mapa alis dito.

"Ayan girl, pinag titingan kana tuloy" natatawa niyang saad, napapansin din pala nya ang mga titig na binibigay sakin ng mga studyante

Ganon nalang ba talaga sila kasikat at kinatatakutan dito sa school na'to? Para pag usapan ako sa simpleng bagay na ginawa ko? Tss

"Instant sikat tuloy ako" nasambit ko nalang at parehas kami natawa. Naalala ko naman si Liam, kamusta kaya sya? Nasa clinic sya ngayon base sa narinig ko kanina

"Oh girl hindi kapa ba uuwe?" Tanong ni Tris dahil napatigil ako sa pag lalakad

"Una kana Tris, naalala ko may dadaanan pa pala ako" saad ko at tumango nalang sya saka nag paalam

Kahit naiilang ako sa mga nakatingin sakin ay dineretso ko ang  clinic. Tumingin muna ako sa paligid bago pumasok, para makasiguradong walang taong nakamasid

Nadatnan ko si Liam na nakahiga at mahimbing na natutulog, bakas na bakas sa muka nito at katawan ang bugbog na inabot nito, bigla tuloy ako nakaramdam ng awa sa kanya.

"Liam i'm sorry nadamay kapa" malungkot na saad ko dito saka hinawakan ang kamay nya. Pinatong ko din ang gatorade at tinapay na binili ko para sa kanya

Mag fo-four na din pala kaya napag pasyahan ko ng umalis ng bigla akong hawakan ni Liam sa kamay

"Aalis kana agad? Ang bilis naman" malungkot na tono ng boses nito

"Liam" sabik kong pag tawag dito saka mahigpit syang niyakap

"Kamusta kana? Masakit paba?" Agad kong pag kamusta sa kanya

"Hahaha okey lang ako malayo sa bituka" nakangiting pag sagot nito,

"Bakit hindi ka lumaban? Grabe tuloy bugbog ang natamo mo, ano ba kasing nangyare?" Pag usisa ko

"May bumato kasi sa kanila ng bato at ako napagbintangan, alam ko naman na sinadya nila yon para may mapag diskitahan, at alam kong nag hahanap lang sila ng away" deretso nito at lalo lamang ako nakaramdaman ng galit kay Jiahn. Alam ko kasing hindi lamang iyon ang dahilan non

"Pasensya kana"

"Hahaha bakit kaba nag sosorry?" Pinisil nya pa ang ilong ko at umiling lang ako, wala ka talagang alam buddy. Pero maigi na din iyon

"Himala hindi ka lumaban?" Tanong ko dahil ibang Liam ang kilala ko, ayaw nya kasi ng nag papa api at lalo na pag may naaapi kaya naging best buddy ko yan dahil lagi nya ko pinag tatanggol sa mga bully sa school. Napangiti nalang ako sa mga ala alang iyon.

"Pasalamat sila bagong lipat ako kaya ayoko gumawa ng record dito. Hintayin lang nila na aray!" angal nito dahil nasuntok ko sya sa tyan ng wala sa oras dahil sa naiisip nya

"Hoy Liam tumigil ka nga sa mga iniisip mo, pwede wag mo nalang sila patulan? Kung maaari iwasan mo nalang sila" napangibit naman sya sa sakit bigla tuloy ako nakonsensya huhu

"Naku sorry" agad na hinaplos ko ang tyan at shit ramdam na ramdam ko ang abs nya.

"Ehem buddy, napapasarap ka ata?" Pang aasar nya dahilan para mahamapas ko sya ulit

"Aray!" Angal muli nito at parehas kami natawa

"Wag kang pasaway, tanda tanda mo na, sya Liam mauuna na ako sa iyo, pagaling ka ha?" Paalam ko dito

"Sy, hatid na din kita" pilit syang bumangon at ako agad na umiling

"No! No! Liam mag pahinga ka, sa ibang araw nalang okey?" Paalala ko dito at tumango nalang din sya.

"Hinihintay ko ang text mo" muli akong napalingon sa kanya

"Ah oo nga pala pasensya kana naging busy lang ako m-may tinapos kasi akong project kahapon" dahilan ko at muka naman syang nakumbinsi kaya tuluyan na kong umalis bago pa may makakita.

Napailing ako sa isiping kaylangan ko ng iwasan si Liam. Napabuntong hininga nalang ako at nag madaling lumabas dahil hinihintay nya pala ako sa gate.

Ihahanda ko na ang sarili ko sa posibleng mangyare ngayon dahil sa ginawa ko. Nasapo ko nalang ang noo ko.

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now