XXVIII

1.6K 44 10
                                    

# 28

Jiahn's POV

Nagising ako dahil sa ingay ng ibon na dumapo sa paanan ko. Dito pa sila nag away? Kita ko ang mga dugo sa dibdib ng isang ibon bago sya iwan ng kasama nito. Hindi ko alam pero nakipag titigan ang ibon sakin ng ilang sandali na animoy may ipinahihiwatig, bago nito mapag pasyahan lumipad.

Bigla akong kinabahan na hindi ko mawari at agad na napatingin sa tabi ko ng maramdamang wala si Sy. Agad akong bumaba para hanapin sya. Baka nasa baba lamang

Inikot ko ang buong sulok ng bahay pero wala syang akong nakita kaya nasipa ko nalang ang mga halaman. That fvcking girl, balak ko pa man din syang dalhin sa probinsya dahil nangako ako kay mom. Sinubukan ko syang kontakin pero naka off naman ang phone nya.

Mariin nalang akong napapikit dahil sa inis na nararamdaman ko. Hindi ko alam pero pag dating kay Sy napaka sensitive ko sa bawat pag kilos nya. Gusto ko? hindi sya mawawala sa paningin ko ni mawalay sa tabi ko. Tangina lang kasi at tinakasan ako.

Mahal ko si Ynnah pero natatakot na akong gumawa ng desisyon, natatakot akong mag ka mali ulit.

Bzzzt..bzzzt

Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag

"Oh Jiroh?"

"May resbak mamaya.." deretsang saad nito habang may mga ungol akong naririnig sa kabilang linya kaya napailing nalang ako

"Kaylangan ako ni Ynnah sa ospital" pag amin ko at binaba nalang nya basta ang tawag. Tss

Kaya naman na nila yon, masyado ako maraming  kaylangang ayusin.

Ng makaligo ay agad akong nag maneho at sinundo si Ynnah para puntahan si tita dahil ngayon na din ang operasyon nya. Kaylangan ako ni Ynnah pero pag katapos ng lahat ng pagsubok na 'to sa pamilya nya? Ay kakausapin ko sya tungkol sa dinadala ni Sienna. Oo hindi nya pa alam, hindi pa ako makahanap ng tamang tsempo para sabihin sa kanya yon.

-----------

"Thanks god" agad na napayakap si Ynnah sakin dahil sa successful na operasyon ni tita. Mugtong mugto ang mga mata nya dahil sa walang tigil na pag iyak nito kaya hindi ko sya magawang iwan.

"I told you makakaya 'yon ni tita.." hinaplos ko ang likod nya para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam nya

"Salamat love.." mahinang sambit nito kaya napangiti nalang ako at nahalikan sya sa buhok

"Ikaw love healthy naman ang puso mo nung last check up mo diba? Pero diba pinayuhan ka padin ng doctor na regular mag pa check up para na din masigurado na hindi ka makakamana ng sakit ni tita?" Napaiwas sya ng tingin sa sinabi ko bago mag salita.

"O-oo nga love.." pilit syang ngumiti kaya nawiwirduhan ako. Nag papasalamat nalang talaga ako dahil hindi sya nakamana ng sakit.

"Pero nakakalungkot pa din kasi, yung bunso nyo ang naka mana" malungkot na saad ko kaya iginiya ko sya papasok sa room ni tita para bisitahin sya

"N-nag usap na ba ulit kayo ni Sienna?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nya, kaylan pa sya nag karon ng interes don?

"Hindi.." maikli kong sagot at naupo na

"Mabuti naman, alam mo namang ayoko ng lumalapit kapa sa kanya" iwas tingin nitong saad at hinaplos ko lang ang kamay nya

"Anyway love, kaylangan ko ding umalis dahil may aasikasuhin lang kami nina Jiroh, pero babalik ako okey?" Paalam ko at hinalikan pa sya sa labi bago tuluyang umalis.

May pag tutol syang reaksyon pero umalis pa din ako dahil balak kong puntahan si Sienna, hindi ko alam pero hindi mawala sa isip ko ang pag iwan na ginawa nya sakin, nakakaramdam ako ng inis kung dahil ito kay Liam. Kaya napaharurot ko na mabilis ang sasakyan ko.

His Dangerous Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now